Sa previous video ko na Redmi A2+, lahat ng comment niyo ay itel S23 4G. Kaya ire-review natin siya ngayon. Meron itong tatlong variant: 4/128GB na may price na PHP3,999, 8/128GB na may price na PHP4,799 at 8/256GB na may price na PHP5,299.
UNBOXING
May orange at red accent ang box nitong itel S23 4G. Sa likod ng box makikita ang ilan a mga top specs niya tulad ng 15MP AI Rear Camera, 128GB storage, High-speed 4G, 6.6″ HD+, 90Hz, 5000mAh battery capacity at type-C port.
‘Pag-open ng box, makikita na agad ang unit ng itel S23 4G na nakabalot sa colored na plastic. Ang andito sa atin ngayon ay ang Mystery White na kapag natapat sa araw ay mag-iiba ang kulay. Sa loob ng box, meron pa itong kasamang warranty card, frosted back cover, 10W charging break, USB-C to USB-A cable, sim ejector pin at wired earphones.
DESIGN
Fingerprint at smudge magnet ang back panel niya kasi sobrang glossy pero dahil puti ang napili natin, hindi siya masyadong halata. Overall, ang elegante ng histsura niya, hindi siya mukhang PHP4,799. Mas updated din ang hitsura ng camera module niya compared sa Redmi A2+. Flat din lahat ng gilid niya.
Nasa right side ang volume up and down buttons at powerlock button na fingerprint scanner na din. Sa ilalim makikita ang USB-C port, main speaker, headphone jack at main microphone. Nasa left side naman ang sim tray na ma dedicated micro SD card slot plus dual sim. Sa harap, medyo makapal ang chin at merong notch. Good news din kasi meron na itong back cover at pre-installed screen protector.
Habang sineset-up ko itong itel S23 4G, ang una kong napansin sa kanya ay ang haptics. Ang ganda ng haptics niya at makukumpara ko siya sa mga phone na worth PH9,000. Isa pa, hindi lang 2.4GHz ang pwede nating mai-connect na WiFi dito kundi 5GHz connection.
DISPLAY
Meron itong 6.6″ IPS LCD HD+ resolution at 90Hz maximum refresh rate. Pagdating sa color reproduction ay okay lang, hindi ganun ka-accurate ang colors pero pwede na. Wala din tayong option sa Settings niya para mabago ang color reproduction ng phone na ‘to. Ang pwede lang natin gawin ay matimpla ang color temperature niya.
Merong tatlong option ang refresh rate setting niya: 90Hz, 60Hz at Auto-switch. Pagdating sa behavior ng Auto-switch niya, hindi siya agad-agad bumababa to 60Hz.
Para naman sa mga nagpaplano na mag-stream ng TV series at movies, Level 3 lang ang kanyang Widevine Security Level kaya hindi tayo makakapag-play ng mga HD content.
PERFORMANCE
Naka-Unisoc T606 na ito, 8GB RAM at 128GB UFS internal storage. Nakakuha din tayo ng 260142 Antutu Score kapag naka-on ang Virtual RAM at naka-Auto refresh rate. Kapag naka-off naman ang Virtual RAM, nakakuha tayo ng 266036 Antutu Score.
Wala ding framedrops at lag pagdating sa Asphalt 9 na game. Muntik lang maging potato quality ang na-generate niyang graphics pero impressive na ang graphics niya para sa price niya.
CAMERA
Meron itong 50MP main shooter at 8MP selfie camera. Kaya nitong mag-shoot ng 1080p 30fps na video recording. Pero kapag hindi natin na-switch to Ultra HD ang mode kapag magte-take tayo ng picture sa rear camera, 12.4MP lang ang mga photos na makukuhanan natin. ito ang mga sample shots:
BATTERY
5000mAh ang battery capacity niya at 10W lang ang charging speed. Para magkaroon din kayo ng idea sa battery consumption, 3% lang ang nabawas sa battery at 1°C lang ang nadagdag na temperature after ma-test sa Wild Life Stress Test.
Anong masasabi niyo sa phone na ‘to? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin ninyo, sulit ito! Tama kayo na sulit talaga ‘to. Mas sulit ito compared sa Redmi A2+. Kung meron pa kayong recommendation na phone, i-comment niyo lang diyan sa baba. Kung sakali na gusto niyo itong bilhin, check niyo ‘yung link na ‘to: https://invol.co/cljhgwm