Pinadala sa atin ng itel ang bago nilang phone ang itel A70. Sobrang mura ng phone na ito at katulad ng nasa title, Mukhang iPhone pa! Sa wakas maa-unbox na din natin dito sa channel. Pede ito mabili sa Lazada at Shopee, nasa baba ang link kung gusto niyo icheck.
Unboxing
Ang 3/128 GB ang variant ng itel A70 pinadala nila sa atin. Pero makikita niyo sa sticker sa box ang 8/128, dahil sinama nila ung 5GB na virtual RAM. Nakalagay din sa box ang isa sa magandang feature ng sobrang affordable na phone na ito – ang Dynamic Bar. Kadalasan nakikita natin yan sa mga iPhone. Pero tignan natin kung ok ang experience dito. A70 – A for Awesome siguro ang ibig sabihin niyan. Tapos dito sa may likod, ang ilan sa mga top specs naman ng A70 nya ang mababasa natin.
As of doing this review, ang presyo ng 4/128GB variant ay Php4,499. Pero kung sakaling pinakamababang variant ang gusto nating bilihin, ang 3/128GB , Php3,899 naman yung presyo.Â
Ang unang bubungad sa atin pagbukas ng box ay ang mismong A70 na nakabalot sa plastic. Napakagaan ng phone na ito kahit na napakalaki ng kanyang battery capacity. Ang ganda nitong color blue ng A70 ng Itel. To be honest, mukang iPhone ang camera module. Although ang naka-protrude lang ay 2 camera lenses at yung flash. Sa unang tingin, kung hindi mo tititigan, baka masabi mong iPhone ang phone na ito. Matte finish ang likod at flat ung sides, so comfortable ito hawakan. Ang iba pang laman ng box ay documentations, user manual or warrantly policy at TPU case na may sa likod na parang iPhone talaga. Ang galing ng ginawa ng itel! For around Php4,500 may ganito ka na kagandang phone. Sa ilalim ng box ay makikita natin ang ating 10W na charging brick na may USB-A port, USB-A to USB-C cable, at nasa gitna ang sim ejector pin.
After ng setup, ang una natin mapapansin sa phone na ito ay ang wallpaper, icons pati pagkaka-arrange ng icons ay parang naka iOs ang phone na ito. Overall, maganda naman. Hindi naman ako nag-cringe sa setup nya.Â
Sa right side makikita natin ang volume up and down buttons at power lock button na figerprint scanner na din. Tinest ko ang speed ng fingerprint scanner, sa isang dampi naaunlock naman agad. Hindi din ganoon ka-arte ang animation kapag ina-unlock natin so hindi nakakaistorbo. Sa kabilabng side, maliban sa sim tray ay wala na tayong makikitang kahit ano. Meron itong dedicated micro-SD card at dual sim. Sa may ilalim naman ay merong single-firing speaker, USB-C port, main mic at head phone jack. Dito sa harap ay merong selfie camera sa loob ng notch. Mejo makapal ang chin, pero para sa presyo hindi pa din yan ganoon kakapal.Â
Kung curious kayo sa haptic feedback sa phone na ito, very basic, talagang pang-entry level phone kaya pinatay ko na lang. Kung paguusapan naman natin ang quality ng single firing speaker, well, very entry level din ang quality. Hindi ganoon ka ganda, pero saktong sakto lang ang max volume. Para sa WiFi connectivity, hanganh 2.4ghz connection lang ang pwede. Tulad ng nasa box kanina, meron itong tinatawag na Dynamic Bar. Katulad ito ng sa iPhone na tinatawag na dynamic island na merong animation sa may bandang notch kapag may notification, tawag, alerts or kapag ichacharge natin ang phone. Ganoon na ganoon din ito. Pumunta ka lang sa settings, tapos hanapin natin ung special function, tapos, dynamic bar. Pwede natin i-disable at enable ang mga gusto at ayaw nating alerts or notification na maga-activate sa dynamic bar. Ito ang itsura nung isinaksak ko yung phone sa charger, nagmukang iPhone XR or XS. Di naman xa gimic lang. Useful naman kahit paano.
Display
Specifications:
Ang quality ng color reproduction ay sobra-sobra na para sa ganitong presyo. Hindi na ako magrereklamo. Hindi naman ito bluish or yellowish. Saktong-sakto lang . Ang Widevine Security Level ay Level 3 lang, kaya hindi tayo makakapag play dito ng mga HD contents sa mga streaming services.
Performance
Specifications:
Kung meron akong gusto i-improve ay yung mga bloatwares. Medyo madami-dami yung bloatwares pagka-setup so kailangan pa i-uninstall or disable para makatipid tau sa storage at RAM. Speaking of RAM, meron tayong MemFusion dito or virtual  RAM. Pumunta lang tayo sa Settings, Special function ulit, tapos MemFusion. Up to 5GB of RAM ang pede nating idagdag sa 3 or 4GB na RAM. Pero tignan natin ang madadagdag sa over all performance.
Ang Antutu score kapag naka-on ang MemFusion with 3 GB of additional RAM 147,305. Very decent na para sa presyo. Kapag naka off naman ang MemFusion, ang score ay 149,769. Kahit paano, merong konting boost. Pero hindi ganoon kalaki ang difference kapag naka-on or naka-off ang MemFusion. Dahil hindi ganoon kalaki ang epekto sa performance, I suggest na io-on na lang ang MemFusion lalo na kung 3GB na variant lang ang gamit mo.Â
Dahil 3gb lang ang RAM ng Itel A70, wag niyo na tangkain na mag-games dito. Pero para lang sa review na ito ipapakita ko pa din ang performance nito sa gaming. Hindi ito compatible sa Asphalt 9, kaya Asphalt 8 lang ang nainstall natin. Napatakbo naman nito ng maayos ang Asphalt 8. Maganda naman yung graphics, ok naman, kayang-kaya naman. Pero again, hindi ko ina-advise na mag-games kayo dito kung ayaw nyo ma-stress dahil napakaliit lang talaga ng RAM nito. Pero pede nyo naman subukan lalo na kung basic or casual games lang.
Camera
Specifications:
Ito ang mga sample photos:
Selfie video screenshot:
Sobrang mura nito pero kaya mag-shoot ng 1080P 30fps na selfie video. Kung sakaling madilim talaga, pede natin i-on ang built-in na flash dito sa harap mismo. Ito ang screenshot mula sa selfie video ng walang ilaw.
Kahit walang ilaw at peach black sa location, pero dahil meron flash sa harap, ay kita pa rin tayo. Mejo nakakasilaw lang talaga.
Battery
Specifications:
Napakabagal ng 10W charging para sa 2023, pero again considering the price ay ok na yan. Ang bonus natin jan ay naka USB-C port na. Ito ang Wild Life Stress Test result:
After almost 30 minutes na tuloy tuloy na test, 4% lang ang nabawas sa battery so, not bad. Pagdating sa temperature, 1°C lang ang dagdag. Nag-charge ako for 13 minutes, pero 8% lang ang nadagdag sa battery.  Hindi man lang 1% per 1 minute ang speed. Mabagal talaga ang charging. Pero makakasanayan niyo naman.
Verdict
Para sa akin, ok na ok ang phone itel A70 kasi ang baba nang ibinigay na itel na presyo dito sa A70, kaya acceptable na talaga. Maganda ung UI kahit may bloatwares ng kaonti. Maganda ang itsura ng phone. Para sa akin, sulit ang phone na ito. Pero ang advise ko sa inyo ay kung bibili kayo nito ay mas maganda dun na kayo agad sa 4GB na Variant.Â
Kung gusto nyo nito bumili, click nyo lang ang link na ito:
Para naman sa video ng review ko, pede nyo panoorin dito: