Panibagong budget phone ang paguusapan natin ngayon na galing sa itel, ito ang S25 Ultra.
Price
Ang price nito ay Php7,999 pero may promo sila na Php6,199 na lang. Nasa baba ang link para ma-check niyo yung promo. Para sa presyo, titingnan natin kung swak ba ito lalo na sa performance, camera, battery life, at iba pa.
Unboxing
Black allover yung box nitong itel S25 Ultra. Makikita natin yung ilang top specs ng phone sa box. Mamaya ay meron tayong gagawing drop test, water test, at scratch test. Pag-open, makikita ang document sleeve na may documentation at curve tempered glass. Good na may tempered glass ito kasi mahirap na makahanap ng tempered glass na curved ang gilid. Sunod naman ang itel S25 Ultra na may cover at printed specs.
Meteor Titanium yung colorway na nasa atin pero may isa pang colorway na Black. Sa ilalim ng box ay may jelly case na may additional protection sa camera, USB-A to USB-C cable, charger na USB-A yung port. Nagandahan ako sa likod ng phone kasi matte pero dual color. Hindi kapitin ng mga smudges.
Design
Meron itong IP64 na rating kaya water and dust resistant. Curve yung likod nito kaya comfortable ito hawakan compared sa flat na likuran. Sobrang nipis ng phone na ito, 6.9mm. Kapag manipis ang phone ay marami yung nagiisip na nako-compromise yung durability kaya i-drop test natin ito maya-maya. Sobrang gaan lang din ng phone kasi nasa 163 grams lang yung weight nitong S25 Ultra.
Hindi ko lang nagustuhan sa itel S25 Ultra ay yung speaker kasi isa lang. Sa presyo nito ay ine-expect ko na dual speaker na. Sana yung secondary speaker ay inilagay nila sa may earpiece. Madami-dami pa ring pre-installed apps at bloatware pero most of it naman ay pwede nating i-uninstall at i-disable. Napakanipis ng mga bezel ng phone, lalo na yung left and right. Yung chin at forehead bezel ay pantay na pantay. Dati, ang mga nakikitaan lang natin na ganitong design ay mga mamahalin na phone. Pero ngayon kahit mga entry level ay meron na at curve display pa, nakakabilib talaga. Sa haptic feedback naman ng phone, para sa presyo ay pwede na. Sa settings ay makikita yung Backlight Effect. Yung isang bilog sa likod ay for notification, calls, gaming, music, at iba pa.
Display
Specification:
Ang maganda sa phone, kahit na AMOLED at Full HD+ yung resolution ay sayang kapag hindi ma-maximize kapag nanonood tayo ng movies or series. Makikita ninyo sa Netflix application na Level 1 yung Widevine Security at ang maximum playback resolution ay Full HD.
Sa display settings ay madaming options pero pagdating sa kulay ay wala itong option. Hindi natin matitimpla yung kulay ng display at temperature. Yung screen refresh rate ay may dalawang option na Standard for 60Hz or Auto Switch from 120Hz to 60Hz. Medyo nabitin ako sa display settings nitong S25 Ultra. Karamihan kasi sa mga entry level phone ngayon ay pwede ma-customize yung kulay ng display.
Pagdating sa behavior ng refresh rate sa Test UFO, 60Hz ang nage-generate ng phone sa chrome pero kapag ginalaw ang display ay hindi tumataas ang fps. Para maka-make sure ay ini-turn on ko yung show refresh rate. 60Hz kapag naka-rest ang display at kapag ginalaw ang display ay hindi pa rin tumataas. Kapag in-open ang mga apps ay 60Hz pa rin pero kapag pumunta sa settings ay nagiging 120Hz. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong behavior ng refresh rate sa mga phone. Sana sa susunod na software update ay ma-fix iyan.
Performance
Specification:
Pagdating sa MemFusion or virtual RAM ay pwede ito up to 8GB. In total ay pwede itong magkaroon ng 16GB. Check natin sa AnTuTu kung anong magiging epekto sa performance ng MemFusion.
Ang AnTuTu score kapag naka-on ang MemFusion ay 332915. Kapag naka-off naman ay 329426 na lang. May advantage yung MemFusion sa S25 Ultra. 256GB naman yung storage kaya hindi natin mararamdaman na nabawasan dahil sa 8GB na virtual RAM. If ever na kulang sa atin yung 256GB na storage ay meron itong dedicated micro-SD card slot + dual SIM.
Pagdating sa thermals, nabawasan ito ng 2% sa battery at nadagdagan ng 2°C sa temperature. Not bad naman at goods pa rin overall. Pagdating sa gaming performance sa Rally Horizon, naka-Ultra yung graphic settings at nakaya naman ng phone patakbuhin yung game. In fairness naman na most of the time ay smooth at playable pero meron akong na-feel na frame drop at struggle sa phone. Pagdating sa mabigat na graphics ay mahihirapan na itong Unisoc T620. Sa Asphalt naman ay mas smooth yung experience ko at mas less yung na-feel ko na frame drops.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshot:
May 2K 30fps na video recording ito sa rear camera at selfie camera pero walang stabilization. Hindi ganun kaayos yung dynamic range pero okay naman for the most part. Sa selfie camera naman, okay naman yung quality, hindi naman ganun ka-smooth, okay yung kulay, pero wala lang stabilization.
Battery
Specification:
Ang screen on time na nakuha natin sa phone ay 10 hours and 47 minutes. Pwede na, makaka-last naman ito for a day pero kailangan nang i-charge at the end of the day. Isa pa ito sa sana ma-improve or ma-fix ng itel sa susunod na software update. Kasi para sa akin ay hindi sapat yung almost 11 hours lang na SoT. Sana minimum of 12 or sana 14, yun lang medyo nalungkot ako.
Durability Test
Gagamit tayo ng susi at mga barya. Parang nilagay natin yung S25 ultra sa bulsa kasama ng mga coins at susi natin at tingnan natin kung madaling magagasgas. Before ang test ay wala itong gasgas at pre-installed na screen protector. Sa scratch test ko gamit ang coins at susi ay wala pa rin itong gasgas. Pinadaanan at nilubog ko na rin sa tubig itong S25 Ultra pero working pa rin. Last, i-drop test naman natin ito sa tiles na sahig. From pocket level ay ini-drop test ko ito ng dalawang beses pero working pa rin.
Conclusion
Sana nakatulong ito at mga durability test sa itel S25 Ultra para masabi natin na kahit papaano ay mae-expect tayong protection sa phone.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Tiktok – https://invol.co/cllwpdf
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: