Price
Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price.
Unboxing
Sa loob ng box nitong itel RS4 ay may warranty policy at jelly case. Matigas ng kaunti ang jelly case kaysa sa mga typical na jelly case at may protection din ito sa camera bump. Sa ilalim ng box ay may 45W na charging brick na USB-A ang port, SIM ejector pin, at USB-A to USB-C cable.
Design
May tatlong colorway ang phone. Ang nasa atin ngayon ay ang Elegant Beige. Ang ganda ng design ng phone at napaka-premium ng itsura. Hindi ito kapitin ng smudges, fingerprint, at hindi glossy. May pagka-vegan leather ang texture nito. Mas soft ito compared sa mga phone ngayon. May parang ziper line na design at stitches ito sa gitna. Kahit na ang mura ng phone ay premium pa rin ang itsura. Flat na flat ang gilid. Sa taas ay ang secondary speaker. Sa right side ay ang volume up and down button, at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa ilalim naman ay ang main speaker, USB-C port, main mic, at headphone jack. Sa left side ay ang SIM tray na may dual SIM slot at SD card slot.
Reliable ang fingerprint scanner at palagi nau-unlock ang phone. Sa bezel naman ng phone, mas makapal ang chin compared sa ibang sides pero expected na iyan sa isang budget friendly phone. Nagustuhan ko rin ang haptics nitong RS4. Pwedeng-pwede na para sa entry level phone. Compatible din ang phone hindi lang sa 2.4GHz na Wi-Fi connection, pati na rin sa 5GHz. Hindi rin ako nabitin sa dual speaker at maganda rin ang tunog.
Performance
Specification:
Ano ang G99 Ultimate? Overclocked version ito ng G99 na inilagay dito ng itel. Ibig sabihin, mas may improvement ito compared sa typical na G99.
Meron din itong MemFusion or virtual RAM ng up to 12GB. Kapag 12/256 ang variant ay may total of 24GB of virtual RAM. Ang Antutu score kapag naka-off ang MemFusion ay 420664. Almost half million ang score at napaka-decent. Kapag naka-on ang MemFusion ay tumaas ang score. Ang nakuhang score ay 428119. Compliment sa phone ang virtual RAM nito. Sa Wild Life Stress Test, 2% lang ang nabawas sa battery at 5 degrees Celsius lang ang nadagdag sa thermals.
Meron din itong tinatawag na iBoost, may additional feature ito para ma-boost ang games natin. Para i-on ay pumunta lang sa Settings > Special Function > Game Mode. Kapag nagga-games na tayo ay swipe and hold lang sa left screen at lilitaw na ang iBoost. Dito sa casual game na Race Max Pro, okay naman at wala akong problema. Naka-max ang graphics settings dito pero smooth pa rin ang gameplay, at sa iBoost ay nakaka-120fps gameplay pa rin tayo. Nag-try din tayo ng mabigat na game, ang SpongeBob – Cosmic Shake. Ang pinakasagad na graphics natin ay Ultra pero hirap na ang phone. Nang binabaan ko ang resolution from Epic to Medium at High ang graphic settings, okay na at maayos na ang performance. Sa Asphalt 9, decent din ang graphics na na-generate pero hindi lahat. Nakaka-60fps na gameplay naman at high quality pero kulang pa rin ang graphics. Kahit na gaming phone ito ay may limited pa rin pero okay naman ang overall performance. Decent enough para ma-enjoy natin ang mga games.
Display
Specification:
Dahil 720p ang resolution natin dito sa RS4 ay hindi tayo mage-expect na sobrang crispy ng quality ng display. Pero pwedeng-pwede na para sa media consumption. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix, ang Max Playback Resolution ay Full HD. Sa Screen Refresh Rate naman ay may apat na option, at upon checking ay kusa naman itong bumababa. Walang color presets dito pero pwede natin matimpla ang color temperature. Meron din itong Dynamic Bar or parang Dynamic Island ng mga iPhone. Lilitaw ito sa mga certain action kagaya ng pag-charge.
Kapag ginamit naman natin ang phone outdoor, kita ito sa lilim pero kapag sa sikat na ng araw ay may struggle ng kaunti. Malaking factor siguro ay ang naka-install na screen protector. Dahil sa nalagyan ng smudges ay hindi na makita ang display kapag natapat sa araw. I suggest na kung lagi niyo ito gagamitin outdoor, pili kayo ng screen protector na hindi masyado kapitin ng smudges.
Battery
Specification:
Ang nakuha nating SoT dito sa phone ay 14 hours and 39 minutes. Impressive ito at malaking tulong na 720p lang ang resolution nito.
Naisip ko na parang ang tagal naman kasi 45W na ang charging speed nito, bakit 2 hours? Yun pala ay meron itong Power Charge Modes, mamimili ka kung aling charging speed ang gusto mo. Sa Power Charge settings, may tatlong option; Low Temp, para sa pinakamabagal na charging speed at para ma-prolong natin ang battery life. Smart Charge, hindi pa rin mabilis pero mas mabilis compared sa Low Temp, at ito ang naka-select nung nag-charge ako. Pinakasagad naman ang Hyper Charge, nag-charge ako from 45% to 100% at 51 minutes na-charge ang phone.
Camera
Specification:
Gaming focus ang phone na ito. Sa totoo lang ay hindi na dapat natin i-expect na magiging maganda ang quality ng photo nito. Pero nagkamali ako, decent ang photos.
Ito ang mga sample photos:
Ito naman ang mga sample video screenshots:
2K/30fps ang video recording sa selfie camera. Meron din itong LED Flash para maging maliwanag ang mukha natin kapag nasa madilim na lugar tayo. Pero dahil ang LED light ay napakalapit sa selfie camera, masakit sa mata kapag nakatingin sa camera. So far nakakabilib na sa ganitong presyo ng phone ay may 2K recording sa selfie camera. Kung gusto natin i-on ang EIS ay magdo-downscale ito to 1080p selfie video recording.
Verdict
Sulit ba itong itel RS4? Itong phone ay para talaga sa mga naghahanap ng phone na gaming focus pero hindi ganun kamahal. Ang laki rin ng storage, kasi for less than Php10,000 ay may 12GB of RAM ka na at 256GB na storage. At kahit ilang application pa ang i-open natin ng sabay-sabay ay hindi magha-hang agad ang phone. Para sa akin ay sulit ang phone para sa presyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – (8+8 128GB) https://tinyurl.com/RS4128
(12+12 256GB) https://tinyurl.com/RS4256
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: