Meron tayo ulit gagawin na comparison video ngayon. Medyo matagal-tagal na mula ng nakagawa ako ng ganitong comparison. Ang una nating gagawing comparison ngayong taon ay itong Infinix Hot 40i at itel P55.
Price
Sobrang close ng competition ng dalawang ito at ng presyo. As of writing this article, itong itel P55 ay may price na Php6,299.00 pero recently ay bumaba ito to Php4,999.00. Itong Infinix Hot 40i ay Php6,499.00 sa ngayon. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price ng dalawa.
Pero itong dalawang phone ay parehong 256GB ang internal storage at 8GB ang physical RAM. Pero makikita niyo na ang total RAM ng HOT 40i ay 16GB dahil sa virtual RAM. Samantalang ang P55 ay may total na 24GB of RAM. Agad-agad ay may makikita tayong difference.
Unboxing
Unahin natin i-unbox ang HOT 40i. Tinanggal ko na ang phone kaya mga accessories nalang ang makikita niyo sa box. Sa loob ng box makikita ang plastic ng phone. Sa ilalim ng box makikita ang SIM ejector pin, documentation, jelly case, 18W charging brick, at USB-C to USB-A cable. Covered talaga ng jelly case ang buong camera module at may cutouts sa buttons at ports. Balot na balot ang phone natin dito.
Next naman itong P55. Pag-open ng box makikita natin ang plastic cover ng phone. Sa ilalim ng box ay may SIM ejector pin, warranty policy, jelly case, earphones, USB-C to USB-A cable, at 18W charging brick. Kanina sa HOT 40i ay balot na balot ang camera module pero dito sa P55 ay expose ang camera. Pero same lang ang cutouts ng button at ports. Malaki ang difference nito pagdating sa protection ng camera module. Para sa akin ay mas maganda ang case ng HOT 40i. Pero meron itong earphones na hindi natin nakita sa HOT 40i.
Medyo hati ang opinion natin dito dahil mas maganda ang jelly case ng HOT 40i pero may earphones ang P55. Dahil mas mahal ang earphones ay para sa akin mas okay ang box ng P55.
Design
Astral Purple ang colorway ng P55 at Horizon Gold naman ang HOT 40i. Parehas maganda ang design at depende nalang talaga sa preference natin kung alin ang maganda. Ang camera module ng dalawa ay almost same na same ang itsura. Sa P55, depende sa angulo ay nakakaroon ng rainbow at glittery effect. Mas intricate at detailed ang ganitong design compared sa HOT 40i na mas simple naman. Pagdating sa nipis ng phone ay same na same lang din. Actually, parehas na parehas ang placement ng SIM tray, headphone jack, USB-C port, speakers, at mga buttons.
Performance
Parehas itong 256GB na internal storage para sa presyo. Sa Storage Test ng Antutu, almost magkadikit ang score ng dalawa. Pero makikita ninyo na medyo umangat ng kaunti yung sa Infinix HOT 40i pagdating sa read speed. Pero hindi na natin ito mapapansin kaya masasabi ko na tie ito pagdating sa storage.
Parehas itong may 8GB na physical RAM. Pagdating sa virtual RAM, itong Infinix HOT 40i ay hanggang 8GB lang na virtual RAM habang ang P55 ay aabot ng 16GB na additional virtual RAM. Kung gusto natin ng phone na mas malaki ang RAM in total ay 24GB ang RAM ay panalo ang P55.
Tingnan natin ang Antutu kung ano ang magiging effect ng MemFusion sa dalawang phone. Naka-on ang virtual RAM sa test na ginawa at makikita na malayo ang score ng itel P55 na 265209, 258156 naman sa HOT 40i. Mas maganda ang performance ng P55 dahil 16GB ang additional na virtual RAM.
Pero kapag naka-off ang MemFusion, umabot ng 266052 ang score ng HOT 40i, malaki ang jump sa performance. Pero mas mataas pa rin ang score ng P55 na 268115. In total, mas may edge ang itel P55 pagdating sa overall performance compared sa HOT 40i. Sa round na ito pagdating sa performance, itel P55 ang panalo.
Display
Specification:
Pero pagdating sa total size ay mas malaki ng kaunti ang itel P55. Hindi na natin ito mapapansin in real life. Almost identical ang dalawang phone pagdating sa display. Kahit ang behavior ng refresh rate ng dalawang phone ay same na same lang din. From 90Hz ay bababa to 60Hz kapag naka-auto switch.
Battery
Same specs lang ito pagdating sa battery, 5000mAh ang battery capacity ng dalawang phone at parehong 18W ang charging speed. Check natin ang SoT, kukunin nating reference ang SoT na nakuha ko dito sa itel P55 na 14 hours and 22 minutes. Considering na parehas ito ng display resolution, screen refresh rate, at chipset na Unisoc T606 ay masasabi natin na parehas lang din ang makukuha nating SoT sa HOT 40i. Pagdating sa round na ito, parehas na panalo ang dalawang phone.
Charging
Specification:
Dahil almost same specs sila, posible na hindi nagkakalayo ang charging speed na makuha natin sa HOT 40i.
Camera
Almost identical din ang dalawang phone sa camera. Parehas itong may 50MP na main camera sa rear at 0.08MP auxiliary lens. Pero magkakaiba ito pagdating sa selfie camera, ang selfie camera nitong HOT 40i ay 32MP habang itong P55 ay 8MP lang.
Ito ang mga sample photos:
Makikita sa unang sample na obviously mas maliwanag ang kuha ng P55 habang ang HOT 40i ay mas detailed pero nagkulang sa exposure. Sa pangalawang photo, almost identical lang din ang quality pero mas madilim lang ang HOT 40i. Ang kulay ng building ay mas lighter blue sa P55. Pagdating naman sa text sa Carpark Reminders, sa HOT 40i ay may nabu-blur na ng kaunti pero malinaw pa rin naman habang sa P55 ay mas sharp ang mga text. Sunod naman ay halos pantay ang quality, pero kung titingnan ng mabuti sa taas na bintana, medyo sabog na yung liwanag sa HOT 40i pero buo pa rin sa P55. Pagdating sa challenging situation ay mas okay pa rin ang itel P55. Pagdating sa selfie camera ay napakalayo na ng difference dito. Halata natin na mas maganda ang HOT 40i at hindi mukhang naka-web cam. Mas sharp at detailed sa HOT 40i. Pagdating sa selfie photos ay mage-excel ang ang HOT 40i.
Ito ang mga sample video screenshots:
Pagdating sa 1080p videos, mas maganda para sa akin ang video ng HOT 40i. Mas maliwanag at mas detailed overall. Parehas itong walang stabilization kaya maalog talaga. Pagdating naman sa selfie video, obviously ay panalo ang HOT 40i. Mas wide, mas detailed, mas maliwanag, mas maganda overall. Sa P55 ay okay na rin naman pero mas naka-compress tayo dito, mas maliit ang framing, at medyo smooth ang texture natin.
Pagdating sa mobile photography gamit ang rear camera, mas mage-enjoy kayo sa P55. Pero pagdating sa selfie, mas maganda naman ang HOT 40i. Pagdating sa mga videos, maganda pa rin ang HOT 40i. Para sa camera aspect ng phone, mas maganda ang HOT 40i.
Conclusion
Alin ang mas sulit, ang itel P55 o Infinix HOT 40i? HOT 40i kung gusto ninyo ng camera focused na phone. Pero kung gusto niyo naman ng performance focused na phone at okay na camera performance, P55 naman ang piliin niyo. Para sa akin ay mas okay ang P55 at mas malaki pa ang RAM. Nakita niyo naman na may benefits ito. Kung magga-games tayo ay maasahan ang phone na ito, lalo na sa everyday application.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
itel P55 – https://invol.co/cll6j6g
Infinix Hot 40i – https://invol.co/cll6j6k
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: