Anong masasabi niyo sa bagong logo ng itel? After 16 years ay ngayon lang nila ini-update ang logo. Which is okay naman, mix reaction ang nakuha ng itel mula sa mga netizens. Pero personally, mas naging modern ang itsura at mas okay ito. Dahil paganda nang paganda ang products ng itel, it’s time na talaga para pagandahin na rin nila ang logo nila.
Paguusapan natin ngayon ay ang itel P55 5G. Sa tingin ko ay ito ang pinakamurang 5G sa ngayon. Kung mali man ako ay ito ang pinakamurang 5G na na-review ko, at iyan ang sigurado ako.
Price
As of writing this article, ang presyo nito ay Php6,999.00. Pero minsan ay bumababa pa iyan. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing
Nasa atin ngayon ang Mint Green. Makikita sa box ang P55 5G at kung hindi ako nagkakamali, ang ibigsabihin ng “P” ay power. Makikita rin sa box ang ilan sa top specs nito. Grabe ang tindi ng itel, talagang mina-maintain nila so far ang magandang reputation pagdating sa pagbibigay ng tamang presyo sa mga phones. If ever na hindi niyo gusto ang Mint Green, meron pa itong Galaxy Blue. Tangalin lang natin ang plastic na nakabalot sa box. Pag-open ng box, unang bubungad sa atin ay ang P55 na nakabalot sa printed plastic. Sa ilalim ng box ay may SIM ejector pin, warranty policy, TPU case, USB-C to USB-A cable, wired earphones, at 18W na charging brick. Ang ganda ng case dahil frosted, yun nga lang ay exposed ang gilid. May additional protection na rin ito sa camera bump.
Design
Tangalin natin sa plastic ang phone. Eksaktong-eksakto sa presyo ang design nito. May texture ito at hindi ganun ka-smooth, may pagka-rough kaunti. Pero ang elegante tingnan at meron din itong holographic design. Flat ang sides ng phone at sa left side makikita ang SIM tray. Sa right side naman ang volume buttons at power lock button. Sa ilalim makikita ang headphone jack, speaker, USB-C port, at main mic. Sa taas ay malinis. Sa harap naman ay naka-notch selfie camera at makapal-kapal ang chin. Pero hindi tayo magrereklamo sa bezel dahil maganda ang specs nito at saktong-sakto para sa presyo.
After setup, may dedicated slot ito para sa dual SIM at SD card. Pagdating sa single firing speaker nitong P55, okay naman ito at saktong-sakto sa presyo. Hindi naman nakaka-wow at hindi Dolby Atmost level ang quality pero pwedeng-pwede na para sa presyo. Pagdating sa max volume ay hindi naman ako nabitin pero hindi naman sobrang lakas. Sa haptics ng phone, talagang pang-entry level ang quality. Pagdating naman sa accuracy at bilis ng fingerprint scanner, sakto naman ang bilis at reliable dahil sa isang dampi ay mau-unlock na. Paglagay ng case, okay ito at mas maganda na frosted ang likod ng case, pero expose lang ang mga gilid.
Display
Specification:
Para sa less than Php6,000 na phone, ang quality ng display at color reproduction ay sapat na sapat na. Talagang mae-enjoy natin ang media streaming dito. Sa settings, meron itong option para sa color temperature, pwede natin ito timplahin at gawing warm or cold ang kulay. Wala itong preset para sa ibat-ibang timpla ng mga kulay. Sa Refresh Rate settings ay may tatlong option na pwedeng pagpilian; 90Hz, 60Hz, at auto. Tinest ko naman kanina at talagang bumaba to 60Hz ang refresh rate kapag naka-auto tayo.
Ang isang downside lang sa display nitong P55 ay wala itong auto brightness. Kung ano ang naka-set na brightness ay yun ang magiging brightness nito sa madilim na environment. Makakasanayan naman natin ito pero meron pa rin itong pros and cons. Lalo na kapag ini-unlock natin ang phone sa kwarto natin at nakapatay ang ilaw, tapos binuksan natin ang phone na naka-max ang brightness, napakasakit nu’n sa mata.
Performance
Specification:
Tungkol sa UI nitong P55, may mga bloatware pero konti lang. Sa themes naman, napakadami nating pwede i-apply na ibat-ibang free themes. Kung gusto naman natin i-enable nag virtual RAM, punta lang sa settings > special function > MemFusion. Up to 6GB of virtual RAM ang pwede i-enable dito. Ang Antutu score kapag naka-on ang MemFusion ay 400325. Para sa presyo ay ang laki na ng score na iyan. Kapag naka-off ang MemFusion, naging 405721 na ang score. Kung ako sa inyo, kung sapat naman na ang 6GB na physical RAM ay huwag niyo na i-on ang MemFusion.
Dahil sa bagong chipset na Dimensity 6080, makaasa tayo na maganda ang magiging performance nito pagdating sa gaming. Dito sa Asphalt 9, halos na-generate nito lahat ng graphics. Napaka-smooth ng gameplay, wala lang motion blur pero the rest ay nakuha nito. Naka-60fps na gameplay rin tayo dito which is hindi nangyayari sa lahat ng phone. Nangyayari lang yan sa mga phones na optimize para sa Asphalt 9, good news ito para sa planong maglaro dito sa P55.
Camera
Specification:
Meron itong mode para sa 50MP at meron din itong digital zoom na hanggang 2x. Pagdating sa video ng main shooter, pwede ito mag-record ng 2K/30fps. Pagdating sa selfie camera, pwede rin itong mag-record ng up to 2K/30 fps.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
Pinakasagad na zoom dito ay 10x digital zoom. Basa pa rin ang mga letter sa key caps. Sayang lang dahil walang kahit anong stabilization itong itel P55. Sa selfie video naman, okay na ito para sa ganitong presyo. Sharp at detailed pero walang stabilization, expected naman na iyan sa ganitong presyo. Nakakagulat na sa ganitong presyo ay makakapag-shoot ka na ng 2K video recording.
Battery
Specification:
Sa Wild Life Stress Test, 4% lang ang nabawas sa battery at 2°C ang nadagdag. Pagdating sa battery consumption at thermals, pasadong-pasado itong itel P55.
Verdict
Sulit ba itong itel P55 5G? Kung ako ang tatanugnin, grabe na naman ang ginawa ng itel. Talagang sulit na sulit. Ang galing nila magsiksik ng specs sa isang phone na talagang abot kaya at hindi sobrang mahal. Ang hirap ng makahanap ng makakatapat nito pagdating sa specs na sobrang baba ng presyo. Sana hindi magbago ang itel, na di kagaya ng ibang brands na sa una lang mura at sa pagtagal ay tumataas ang presyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.io/clkfu86
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: