Price
May dalawa itong variant itong itel P55, 128GB for Php4,599.00 at 256GB na Php5,499.00. Kung plano niyo gamitin ang phone na ito nang matagal, doon na kayo sa mataas na variant.
Unboxing
Same na same ang box sa 5G version. Pag-open ng box, P55 ang unang makikita na nakabalot sa printed plastic. Sa ilalim ng box may SIM ejector pin, warranty, at jelly case. Makapal ang jelly case pero malambot pa rin, may added protection din sa camera module. May wired earphones, USB-C to USB-A cable, at 18W na charging brick na USB-A ang port.
Design
May apat na colorway na pagpipiliin sa phone: Moonlit Black, Brilliant Gold, Astral Purple, at Aurora Blue. Nasa atin ang Aurora Blue, napakaganda ng color nito, hindi mo aakalain na Php5,500.00 lang ang presyo nito. Matte finish ang likod ng phone, pero glossy na kapag nilagay ang case. Sa right side makikita ang volume up and down button, at power lock button na fingerprint scanner na rin. Malinis ang taas ng phone at sa left side ang SIM tray, na pwede magsalpak ng dalawang SIM at isang micro-SD card. Kahit may SD card slot, iba pa rin ang speed ng internal storage ng phone compared sa micro-SD card. Kung bibili kayo ay ‘yung 256GB na lang, pero nasa sa inyo pa rin iyan. Sa ilalim naman ang headphone jack, main mic, USB-C port, at speaker grail. Sa quality naman ng speaker, okay naman. Maganda naman ang max volume, hindi ako nabitin, kahit itodo ang volume ay hindi pa rin muffled ang quality. Hindi lang ito ganoon ka immersive kasi isa lang, pero hindi naman natin ito matatakpan kapag naka-landscape mode tayo.
Display
Specification:
Ang Widevine Security Level naman ay Level 3. Hindi tayo makakapag-play ng HD content, standard definition lang ang playback resolution. Pwede na ang color reproduction, medyo blueish ito, pero pwede na para sa presyo. Pansin ko rin na may discoloration sa baba ng phone, pero hindi naman lagi mapapansin ‘yan. Maganda rin na may Dynamic Bar pa rin dito, magkakaroon ito ng bar sa bandang selfie camera. Pagdating sa refresh rate, bumababa naman ito from 90Hz to 60Hz kapag hindi na ginagalaw ang display.
Performance
Specification:
May MemFusion o virtual RAM ito na 8GB, total of 16GB of RAM. Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-on ang MemFusion ay 264823, not bad para sa presyo ng phone. Kapag naka-off naman ang MemFusion, 266261 ang score. Kung hindi naman talaga kailangan ang MemFusion, huwag niyo nalang i-on para makatulong sa performance ng phone. Hindi sobrang ganda ng nakuha nating score sa Antutu kaya expect niyo rin na hindi magiging maganda ‘yung performance natin sa gaming. Hindi naman madalas ang frame drops, pero mababa na ang graphic settings na mabibigay nito sa atin. Kung casual gaming lang ay pwedeng-pwede itong itel P55 4G.
Camera
Ang Main shooter ay 50MP, at may Ai Lens para sa depth sensing. 8MP naman ang selfie camera. Impressive naman sa akin ang nakuhang photos para sa presyo nito.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshot:
Battery
Specification:
Nakuha nating SoT ay 14 hours and 22 mins, almost 15 hours. Grabe isa ito sa pinakamalaking SoT ngayong 2024 so far. Para sa mga gagamit ng P55 with GPS base na application, maasahan niyo po ito kasi hindi ito agad-agad malo-lowbat. Pagdating naman sa charging speed, 6% to 100% ay 2 hours and 21 minutes ko naman na-charge.
Verdict
Sulit ba itong itel P55 4G para sa presyo nito? Para sa akin, yes sulit ito. Kasi for Php5,500.00, may 256GB ka na, 90Hz na ang display, 5000 mAh ang battery capacity, at almost 15 hours na screen on time. Highly recommended sa mga naghahanap ng phone na hindi masakit sa bulsa, pero maganda na ang ibibigay sa ating performance. Okay na okay na rin ang camera.
Kung gusto nyo nito bumili, click nyo lang ang link na ito:
Lazada
Para naman sa video ng review ko, pede nyo panoorin dito: