Unboxing
Makikita natin sa box ang mismong itsura ng phone. Nasa atin ngayon ang Glacier White pero if ever na ayaw natin ng colorway na ito ay meron pa itong Sandstone Black at Wave Blue. Makikita natin sa box ang isa sa pinagmamalaki ng itel sa A80. Meron itong 128GB na storage para sa Php4,199 at 8GB na rin ang RAM na 4GB physical + 4GB na virtual RAM. Meron din itong 50MP na Super HDR camera. At sa likod ay marami pa tayong makikitang top specs ng phone. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Pag-open ng box, una nating makikita ang nakabalot na itel A80. Sobrang ganda ng itsura, matte pero may makikita kayong glossy part na parang crack ng glazier. Napaka-premium ng itsura at hindi mo talaga iisipin na Php4,199 lang ang phone. Sa ilalim ng box ay meron itong case at kahit sobrang mura ay may case pa rin. Hindi transparent yung case at familiar yung design nito. Maganda yung design sa likod ng A80 kaya might as well sana na ginawa nilang transparent yung case para mas ma-appreciate natin yung ganda ng likod. Meron din itong USB-C to USB-A cable, 10W charging brick, at SIM ejector pin. Ang itel A80 ay capable sa 18W na fast charging kaya mas magandang gumamit kayo ng 18W para mas mabilis yung charging ng phone.
Design
Yung likod nito ay matte finish kaya hindi natin magiging problema ang smudges at fingerprint kung walang case. Meron itong branding na “AWESOME designed by itel“. Flat naman ang mga side at makikita sa left side ang SIM tray na pwedeng salpakan ng dalawang SIM + micro-SD card. Sa sobrang mura ng phone na ito ay hindi ko na ine-expect mga ganitong extra. Pwede na sanang hybrid at maa-accept ko na rin dahil maliban sa mura ay 128GB na yung internal storage pero pwede pa dagdagan. Sa right side ang volume up and down button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa ilalim yung single firing speaker, USB-C port, main mic, at headphone jack. Maliban sa USB-C ang charging port ay meron pa itong headphone jack, bihira na iyan.
Sa display naman ay punch hole ang selfie camera at hindi notch at meron ng pre-installed na screen protector. Gagamitin na lang talaga natin ang phone pagkabili natin. Dahil mura ang phone ay medyo makapal ang chin sa harap pero manipis na ito compared sa mga phone na mas mahal pa sa phone na ito. Yung Ring Light ay pwede natin magamit sa pag-take ng picture as flash. Pero sa settings > Backlight Effect, may option tayo na gamitin as notification LED yung ring light sa likod. Pwede natin ito magamit kapag lowbat, charging, at merong notification.
Kapag mura ang phone ay meron itong ilang compromises. Yung Wi-Fi connectivity nito ay hanggang 2.4GHz lang. Single firing speaker lang ito pero tinodo ko yung volume at hindi sabog yung tunog at maganda pa rin ito. Hindi Dolby Atmos or JBL quality ang sound pero acceptable na. Medyo sobra pa yung quality ng speaker kung iko-consider natin yung presyo. Yung haptic ng phone ay entry level talaga pero hindi naman sobrang panget ng feels. May part sa akin na ayaw i-off yung haptic para mas ma-feel ko yung pagta-type.
Camera
Para sa presyo ay meron itong 50MP na camera sa likod at secondary camera na AI na parang 2MP. Kahit napakamura ng phone na ito ay meron itong HDR capability. Malaking tulong ito kapag nasa labas tayo at against the light, at least ay meron pa ring details at information na mapre-preserve sa photo kahit pa sa challenging na environment. Yung selfie camera ay 8MP naman at yung harap at likod ay kayang mag-shoot ng 1080p/30fps.
Ito ang sample photos screenshot:
Ito ang sample video screenshot:
Meron ding physical LED flash sa selfie camera kaya maliwanag kahit madilim yung environment. May assurance tayo na magiging maganda yung kuha natin kahit ganito yung presyo. Sobra-sobra na yung nilagay ng itel pero grabe ang quality. Yung movement ay walang ghosting kaya okay ang fps at hindi mababa sa 30fps. Minor bug lang is wala itong watermark kapag i-enable yung 50MP na option.
Performance
Itong itel A80 ay naka-Android 14 na out of the box, Unisoc T603 ang chipset, 4GB physical RAM, 128GB internal storage, at up to 8GB ang virtual RAM. By default, ay nasa 4GB ang MemFusion.
Ang AnTuTu score na nakuha natin kapag naka-off ang MemFusion ay 150853. Kapag naka-on naman at 4GB ang MemFusion ay 152395. Kapag 8GB naman ang MemFusion ay naging 154194. May malaking effect talaga yung MemFusion pagdating sa performance ng itel A80. Kaya pinagmamalaki talaga ng itel ang MemFusion at hindi lang para sa number dahil may boost sa performance kapag ginamit ang MemFusion.
Sa Wild Life Stress Test, pagdating sa battery consumption ay nabawasan lang ito ng 3% at 1°C ang nadagdag sa temperature. Pagdating sa battery consumption and thermals ay goods na goods ang A80. Hindi compatible sa Asphalt Unite nitong A80 pero compatible naman ito sa Asphalt 8. Hindi ko ito mare-recommend for heavy games pero kung casual games ay pwedeng-pwede at mage-enjoy tayo. Nakasagad yung graphics natin sa Asphalt 8 pero napaka-smooth naman. Hindi nagla-lag, hindi nagha-hang, at kayang-kaya naman.
Display
Meron itong 6.7″ IPS LCD, HD+ resolution, 90Hz ang max refresh rate, at 263 naman ang ppi.
90Hz pa yung display natin at hindi naman na kailangan kasi napakamura na ng phone pero ibinigay pa rin sa atin ng itel. HD+ or 720p ang resolution pero enough na enough na ito para sa chipset at presyo. Kailangan niyo lang i-take note na hindi ito makakapag-play ng mga HD content sa Netflix dahil Level 3 ang Widevine Security Level nito. At ang max playback resolution nito ay Standard Definition lang. Pero ang 90Hz screen refresh rate ay tipid. Dahil from 90Hz ay baba naman ito to 60Hz kapag hindi ginagalaw yung display. Mabilis din ang pagbalik to 90Hz kapag ginalaw ang display. Kung gusto pa natin makatipid ng battery ay pwede natin i-fix to 60Hz. Pwede rin natin i-enable yung Eye Care pero wala na tayong ibang option para matimpla yung color setting.
Battery
5000mAh yung niligay ng itel at 18W na ang charging speed. Yung ipapakita kong result ay gamit ang 10W charger na nasa box. Ang SoT na nakuha ay 11 hours and 53 minutes, not bad, hindi naman na super impressive pero enough na enough na para maka-last ang itel A80 for the whole day.
Conclusion
Yan na lahat ang gusto kong i-share sa itel A80, ang pinakabagong budget phone ng itel. Wala akong ma-complain na magiging deal breaker para sa presyo. May ilan akong nakitang minor cons pero hindi deal breaker. Meron itong magandang design, 128GB na storage, up to 12GB ang RAM, 5000mAh ang battery capacity, at 50MP ang main camera. Sobra-sobra pa yung makukuha nating value para sa Php4,199. Highly recommended ang phone na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.io/cllnvja
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: