May bagong TV ang TCL na paguusapan natin ngayon. Ito ang kanilang TCL C655 Pro 4K TV. Paguusapan natin kung bakit complete package ang features na makukuha natin sa TV na ito, compared sa TV na kapresyo ng C655 Pro. Halimbawa nalang ang QLED Pro display, ONKYO speaker, 120Hz Game Accelerator, Dolby Atmos, at marami pang iba.
Unboxing
Share ko muna sa inyo ang unboxing experience ko sa TV na ito. Ang design ng box at the way ng pag-open nito ay same lang sa previous TCL TV na na-review natin. Lahat ng top features ay makikita ssa palibot ng box. More than 32kg ang bigat ng TV na ito, kasama na ang buong box. Kailangan ng kasama habang inu-unbox ang TV. Meron namang step by step guide para ma-unbox niyo ito ng tama.
Design
Ang mga stand nito ay nasa magkabilang side. Make sure niyo lang na sakto ang haba ng TV rack na gagamitin niyo or pwede rin ito i-mount sa wall. Buti sa rack namin ay kasyang-kasya pero sakto lang at hindi na pwede isagad. For the most part, very sturdy ng stand at dahil sa weight ng TV ay napaka-stable nito.
May TCL branding na makikita sa gitna. Very subtle lang ang light indicator kaya hindi nakakasilaw kahit pa madilim ang kwarto natin. Meron itong ports sa likod na may USB 3.0, LAN port, 3x HDMI port, antenna, audio jack, at digital audio port. Ang remote control naman ay kagaya pa rin ng dati, meron itong mga dedicated buttons ng mga top streaming apps.
Sa likod ng TV ay makikita ang bilog sa may gitnang part. Ito ang built in na Ultra-Bass Subwoofer ng ONKYO 2.1 Speakers. First time ko makakita ng TV na may dedicated Subwoofer sa TV. Sigurado tayo na cinema-like ang quality ng sound dito at naka-Dolby Atmos pa. Meron na rin tayong makikita na pre-installed apps dito, pero dahil android TV ito ay pwede tayo mag-install ng iba pang apps via Play store.
Top Features
Ang unang feature ay ang QLED Pro or Quantum Dot LED. Dahil sa QLED Pro ay mas accurate ang color reproduction nito compared sa ibang TV na naka-LED lang. Plus, kapag sinabi natin na Quantum Dot ay mas mataas ang peak brightness. At dahil mas mataas ang peak brightness ay malaki ang tulong nito sa HDR experience natin at Dolby Vision. Maliwanag man o madilim ang kwarto ay sure tayo na realistic ang details na makikita natin dito. Mas energy efficient din ang Quantum Dot Technology, mas mahaba ang life span, at mas less ang prone nito sa burn in. Ang QLED Pro sa TV na ito ay malaking tulong para mas maging vivid, crisp, at true to life ang papanoorin natin.
Sunod naman ang AiPQ Pro Technology. Basically, additional processor ito para ma-optimize nito dynamically ang contrast ratio, brightness, at darkness level-para perfectly balanced ang light and shadows. Mapapansin niyo in-person na mas deep ang blacks at walang unnecessary light leaks na makakasira sa viewing experience natin.
Sunod naman ang Slim and Uni-Body Design. Sobrang nipis ng bezel ng TV na ito kaya rest assured tayo na talagang immersive ang experience natin while watching content. Napaka-modern din ng itsura nito kaya bagay na bagay sa living room natin, kahit ano pang setup ang meron tayo.
Next natin pagusapan ang T-Screen Pro technology. Itong T-Screen Pro ay self-developed ng TCL kaya exclusive lang ito sa mga TV ng TCL. Dahil dito sa T-Screen Pro ay mas mataas ang contrast ng display kaya mas madami tayong details na makikita sa pinapanood natin. Nabawasan din nito ang reflection or glare at mas maganda ang viewing angle natin dito na 178° to be exact. Big deal ito, dahil ang mga typical na TV ngayon ay 120° to 160° yung viewing angles. Kapag lumagpas ka duon ay medyo magbabago na yung quality at kulay ng content na pinapanood natin sa TV.
Huling pagu-usapan natin ay ang MEMC or Motion Estimation Motion Compensation. Frame interpolation ang technology na ito, ibig sabihin ay pwede madagdagan ng frames ang original frame ng isang content. For example, 30fps ang video na pinapanood natin originally pero kapag i-enable natin ang MEMC ay magiging 60fps to 120fps ito. Kaya magiging less ang pagka-blurry nito at mas detailed ang quality ng pinapanood natin.
Dahil sa QLED, T-Screen Pro, Ai PQ Pro, at MEMC ay complete na complete ang features na kailangan natin sa C655 Pro. Talagang masasabi natin na Ultra Color Master itong C655 Pro ng TCL.
Pricing
Ang C655 non-Pro ay mag start ng Php28,995 habang ang C655 Pro ay mag start ng Php47,995. Nasa baba ang link para sa updated pricing.
Lazada TCL store: https://invol.co/clkq4po
Conclusion
Ito na lahat ng features na gusto ko i-share sa inyo about sa TV ng TCL na C655 Pro. Advice ko na kung may time kayo, pumunta kayo sa mall or authorized resellers ng TCL para makita niyo in-person lahat ng napag-usapan natin.