Excited na excited ako dahil hindi ko in-expect na before matapos ang taon ay may mau-unbox pa tayong iPhone. iPhone 15 Pro ang iu-unbox natin ngayon. Salamat sa Beyond the Box, sila ang nagpadala nitong iPhone 15 Pro.
Unboxing
Nasa loob ng paper bag ang dalawang box. Meron itong momax giftset, kasama ito sa iPhone 15 Pro na ipinadala ng Beyond The Box. Ang laman nitong giftset ay case, screen protector, at lens protector.
Unahin muna natin i-unbox ang iPhone 15 Pro. Nakabalot ang phone sa plastic. Sa likod ng box makikita ang original price nito na Php83,990.00. Sa mga nagpaplano na bumili ng bagong iPhone ay pwede kayo pumunta sa Beyond the Box, nasa baba ang link. Same pa rin ang box sa mga nagdaang iPhone na manipis ang box. Ito ang first iPhone na meron ng USB-C port. Mabilis ang transfer speed nito.
Pangalawa sa panganay ang phone na ito ng iPhone 15 series. May pagka-awkward ang specs nito. Hindi ganun kalaki ang battery nito compared sa Pro Max. According sa mga battery test na makikita natin sa YouTube, itong iPhone 15 Pro ang may pinaka-worse na battery performance. 2 months ago pa iyun at meron ng natangap na software update itong phone. Tingnan natin iyan sa susunod na review.
Pag-open ng box ng phone, sobrang ganda nitong Black Titanium. Malaki talaga ang itsura ng camera module. Nakakailang na part sa iPhone 15 Pro ay ang Dynamic Iland. Kasi ang size ng Dynamic Iland nito ay same size lang sa Pro Max. Kaya medyo malaki talaga ang feeling dito sa iPhone 15 Pro.
Matte ang likod nito, glossy lang ang logo at palibot ng camera module. Sa ilalim ng box ang documentation, SIM ejector pin, sticker, at USB-C to USC cable na braided. Sana, dahil black ang phone ay black na rin ang cable. Anyway, kapag Apple ay ganito talaga galawan. Wala itong charging case.
Isa sa napakalaking changes na makikita sa iPhone 15 series, ang Ring/Silent switch ay customizable button na ngayon. Parang nakikita natin sa mga rugged phone na may programable key. Ang harap at likod nitong iPhone 15 ay naka-Corning Gorilla Glass. Tapos ang mga frame nito ay Grade 5 Titanium. Marami nagsasabi na hindi ito ganun katibay pero mapapatunayan natin ito by time.
Sunod naman ang momax giftset. Pag-open ng box ay makikita natin ang clear case. Ang ganda ng clear case, ang kapal ng camera bump nito kaya protected talaga. Meron din itong MagSafe para madali natin ito ma-charge wirelessly.
Ang ganda rin kapag sinuot na natin ang case sa phone. Kapag nilagay natin ito sa flat surface ay hindi tayo kakabahan dahil protected ito ng case. Sunod naman ang momax GlassPro+ na para sa camera lens ng phone. Ultra Clear ito kaya hindi nito maapektuhan ang image quality kahit na may tempered glass ito sa camera lens. Last na makikita sa gift set ay tempered glass. Mas madali daw ito i-install daw may kasama na itong applicator. Kung gusto mo mabili ang momax accesory at ang iPhone 15, punta lang kayo sa Beyond the Box. Nasa baba narin ang link kung gusto mo bumili.
Verdict
Abangan niyo ang full review ko sa phone na ito tungkol sa camera at battery life. Alam ko na marami sa inyo ang nagaalala sa battery performance ng iPhone 15 Pro.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada- https://invol.co/clkef4l
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: