Price
Ang ginagamit ko ngayon as of March 1, 2024, ay 256GB storage na Php70,390.00 from Beyond The Box. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili nito.
Design
Napaka-compact ng design ng phone na ito. Magagamit mo ito ng one hand kapag nagta-type. Hindi rin ito gano’n kabigat kaya hindi tayo makakaramdam ng ngawit. Dahil din sa rounded corners ay hindi ito nakakairita ilagay sa bulsa. Sa action button naman ng phone ay sana magkaroon ng IOS update, na pwede kang mag-set ng action sa double press, para madami tayong magawa. Pagdating sa speakers, ang lakas at hindi ako nabitin kahit sa ano mang platform ako manood. Sobrang sharp ng tunog at hindi sabog. Isa ito sa may pinakamagandang speaker sa smartphone na nasubukan ko.
Lagi ko ginagamit itong iPhone with case pero ang lala ng stains at kahit punasan ay hindi matatangal. Hindi naman ako nabo-bother dito pero sa iba nakaka-bother yan. Meron din itong IP68 na rating kaya pwede natin ito ilubog sa tubig for 30 minutes within certain depth. Pero disclaimer guys, malamang na hindi ito kasama sa warranty ng phone. Sinubukan ko na rin ito ilubog sa swimming pool at wala naman akong naging issue. Pwedeng-pwede ito sa ilalim ng tubig, pero huwag lang sa dagat kasi masisira talaga ano mang gadget basta sa dagat ilubog.
Battery
Noong unang i-release ang iPhone 15 series, marami ang nagrereklamo na itong iPhone 15 pro, ay may pinakapanget at pinakamalalang battery performance. Sa 2 months na paggamit ko, napakalaki na ng na-improve. Hindi na ito gano’n kabilis ma-lowbat ngayon. Madami na rin natangap na software updates itong iPhone 15 Series. Sa whole day an naka-data ako, nagumpisa ako sa umaga ng 100% at meron pa ako sa gabi ng 20%. Gamit ko niyan ay mga social media applications at camera. Magva-vary pa rin ‘yan sa kung anong application ang ginagamit natin. Hindi ko naman na-feel kahit isang beses na ang bilis nito ma-lowbat. Sa charging naman ay hindi ito gano’n ka bilis compared sa mga flagship phones sa ngayon. Pero dahil nga nasanay na ako, mabilis na ito para sa’kin.
Camera
Sa unboxing ko, may momax lens protection akong inilagay at hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin. Lahat ng photos at videos na makikita niyo ay may lens protection.
Ito ang sample photos screenshots:
Sample video recording screenshots:
For the most part, wala talaga akong complaint sa photos. Okay sa mata ko ang colors, maganda ang dynamic range, at very sharp ‘yung quality. Siguro balik ako ng balik sa S23 ultra, dahil meron itong 10x telephoto camera. Sa iPhone kasi ay 3x optical zoom lang ang meron. Pero kahit sa 3x zoom ay goods pa rin at kahit nga night photos ay maganda rin.
Pagdating sa video quality, para sa’kin iPhone 15 Pro ang mas maganda kaysa sa S23 Ultra. Ito ang madalas ko gamitin sa video recording compared sa phone na iyon. Mas gusto ko dito sa iPhone 15 Pro kasi hindi sobrang sharpened ng quality. Balance din ‘yung exposure at white balance. Okay na okay din ‘yung stabilization nito. Meron din itong action mode na tinatatawag pero magiging 2K lang ang resolution.
Ang primary reason kung bakit gustong-gusto ko itong iPhone 15 Pro sa video recording ay dahil kaya nitong mag-shoot ng Apple ProRes Log. Dati nagagawa lang ‘yan sa mirrorless camera, pero ngayon kaya ng gawin ng iPhone. Ang problema lang kagaya nang sa unit ko na 256GB, kapag i-enable natin ang ProRes, ang max time ay 18 minutes lang. Dahil yan sa malaking file size. Buti nalang nahanapan ko ng solution iyan, na makatipid sa storage kahit naka-on ang ProRes, at ‘yan ang Blackmagic Cam.
Sample video on Camera with Blackmagic:
Verdict
Kung galing ka sa iPhone 12 or 13, pwedeng-pwede ka na mag-upgrade. Pero kung galing ka sa iPhone 14 or Max, maghintay ka muna ng iPhone 16. Iyan ang rule of thumb ko, kung bibili ng iPhone ay dapat may isa o dalawang generation na pagitan bago bumili. Dito sa iPhone 15, para sa akin ay sulit na sulit ito bilhin. Ang dami nitong natutulong lalo na sa everyday na paggamit ko. Pwede pang-backup sa video recording. Kung mahilig ka talaga sa mobile photography, pwede mo i-consider itong iPhone. Kung palagi ka nagzo-zoom, S23 ultra ‘yung dapat mong bilhin. Kung lagi ka naman magsho-shoot ng B-rolls sa phone na ‘to, 512GB at least or 1 Terabyte. Kung may budget go for pro max kaysa sa pro. Ang pro max kasi ay 5x optical zoom at ito ay 3x max lang. Pagdating sa battery ay mas better ang pro max kasi mas malaki pa rin ang battery capacity nito. Overall, sulit ito para sa’kin.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada- https://invol.co/clksi9j
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: