Napakadaming bago sa action camera na ito. Maganda rin dahil co-engineered ito ng Leica. Maasahan natin na maganda talaga ang mga footages na makukuha natin dito.
Price
Madaming variant itong Insta360 Ace Pro, nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price.
Unboxing
Hindi lang Ace Pro ang iu-unbox natin ngayon, kasama na rin ang madaming accessories na kasama nito. Sa box ng Ace Pro makikita agad ang itsura ng camera. Sa gilid ng box makikita ang ilan sa features ng action camera. Pag-open ng box, bubungad sa atin ang Ace Pro na may plastic stickers for protection. Maganda yung design nito at mas rugged compared sa previous generation.
Drawback lang na ang lens nito ay hindi removable. Meron ding maliit na box na may safety guidelines, stickers, quick start guide, at warranty card. May kasama narin itong flexible adhesive mount pero pang-glossy plastic lang ito or glass. May standard magnetic mount din ito na una kong nakita sa DJI Osmo Action 3. Mabuti in-adapt ito ng Insta360 kasi napakapraktikal nito. Meron din itong USB-C to USB-C cable for charging and data transferring. Nasa loob na rin ng Ace Pro ang 1650mAh na battery.
Sunod naman ang GPS Preview Remote. Pwede natin gamitin ito as a view kung ano ang nire-record natin sa Ace Pro, kahit pa malayo tayo sa camera. Sabi sa website na up to 8 meters ang layo na pwede natin ma-view ang preview nito. Up to 20 meters naman ang layo na pwede sa remote control. Malaki ang resemblance nito sa normal na smart watch. May dalawang strap dito, una ay para sa motor or bike at pangalawa ay para sa wrist natin. Parang smart watch talaga at maganda rin ang strap na ginawa nila. Napakadali rin naman isuot ng strap sa preview remote. May Charging Cradle din ito na USB-A ang dulo.
Next naman ang Multi Mount Tripod. May simple manual na kasama sa box. Pwedeng pwede na tayo mag vlog or mag-timelapse dito. May lanyard at screw mount adaptor sa loob. Medyo confusing sa una kung paano hahabaan ang tripod pero madali lang talaga. Very compact ang pagkaka-design nila dito.
Sunod naman ang Mic Adapter, na kailangan natin kung plano natin mag-lagay ng lapel mic or wireless mic. Ang catch lang ay kailangan natin tangalin ang cover sa pagkakabitan natin para magkasya ang mic adapter.
Sunod naman ay ang Vertical-Horizontal Mount. Ginagamit naman ito kung madalas tayo mag-portrait mode. Gumagana rin ito sa Standard Magnetic Mount.
Next ay ang Cold Shoe, importante ito kung plano mo bumili ng Mic Adapter. Kung plano mo gumamit ng wireless mic ay dito imo-mount ang receiver. Kung plano mo gumamit ng shotgun mic ay dito rin ikakabit. Para naman makabit mo ang cold shoe, need ng accessory na Quick Release Mount. Ang maganda dito ay natutupi ang ilalim at may screw mount sa ilalim. Ilulusot lang ang Cold Shoe sa Quick Release Mount at auto na maglo-lock ito.
Last naman ay ang Battery, mahalaga rin na may extra battery kasi madali ka makakapag-record ulit once na ma-lowbat. Ang maganda dito sa battery ay may case na kasama at may lalagyan din ng micro-SD card.
Ito ang sample video recording screenshot:
Verdict
Basahin mo ang full review ko para sa action camera na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkhrlo
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: