Price
Madaming variant itong Insta360. Pero lowest version nito ay Php25,690.00, at highest naman ay Php32,005.00. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili nito.
Specs
Specification:
Pagdating sa 4K video recording, depende ‘yan sa kung anong mode ‘yung pipiliin natin. Kapag pumunta tayo sa mode at Free Frame, ang advantage nito ay pwedeng ma-export by 16×9 aspect ratio na same with reels or TikTok video. Kapag Free Frame, up to 4K/60fps ang pwede nating ma-record dito. Pagdating naman sa Pure Video, 4K/30fps naman ‘yung pinakasagad. Kapag sa standard Video Recording, up to 4K/120fps ang pwede pero slo-mo na iyan. Pwede natin ito i-change to different frame rate, at pwede rin natin gamitin ang Active HDR, pero up to 60fps lang ito. Napakadami ring Ai feature nitong cam na makakatulong sa video recording natin. Halimbawa, meron itong hand gestures at voice command. Pwede mag-pause ng recording o i-cancel ‘yung recording. At may Ai Highlights din. Hindi ko na ipapakita isa-isa, pero magfo-focus tayo sa quality at performance ng camera na ito.
Una sa lahat, malaki ang tulong ng Flip Screen nito. May display na ito sa harap, pero may flip screen na tamang-tama ang resolution at aspect ratio compared sa competitors nito. Nabawasan din ang durability ng camera dahil sa flip display. Kung gagamitin sa vlogging, mas madaming tulong itong flip display compared sa ibang action camera. Isa pang drawback kung bakit ayaw bilhin ito ng iba, ay dahil hindi removable ang lens. Nakahanap ako sa Shopee ng pantangal sa lens, na i-twist lang at matatangal na. Pwede na natin palitan ng filter na lens or protection.
Video sample screenshot:
Maliban sa talagang maganda ang quality ng image, maganda ang pag-balance nito sa exposure kahit pa against the light. Very effective ang Active HDR nito. Kahit magpunta ako sa shaded na lugar, hindi blown out ‘yung paligid na nakatapat sa araw. Kahit indoor ay maliwanag pa rin. Sharp ‘yung video at take note, hindi pa naka-pure video iyan. Sa pure video mode naman, dati kapag gusto natin mag video sa isang madilim na lugar gamit ang action camera, i-expect mo na halos wala ka na makikita. Pero hindi ganiyan sa Insta360 Ace Pro. Dahil sa 5 Nanometer dedicated na Ai chip, hindi lang basta maliwanag ang video kundi stable din.
Meron ding Clarity Zoom dito na very useful. Talagang lossless ang quality kasi 4K pa rin ang resolution kahit naka-2x zoom. Kaya nating mag-record dito up to 8K video recording.
Video sample screenshot:
Napaka-versatile nito. Nilapag ko lang at pwede na mag-shoot, kasi ‘yung view finder nito ay malaki. Makikita mo ang sarili mo kahit malayo ka. Alam mo na tama ‘yung framing mo. Siguro pwede i-improve pa ng Insta360 sa mga susunod nilang alteration, ang distance na kailangan nito para maging sharp ‘yung mukha natin. Sana magkaroon ng option na maging sharp ang itsura natin, kahit maikli lang ‘yung distansya natin sa action camera.
Verdict
Sa tingin niyo ba pasado ‘yung video quality nitong Insta360 Ace Pro? Para sa akin, ang hindi ko masyadong nagustuhan sa action camera, wala itong log profile na hindi kagaya ng previous Insta360. Meron naman flat na color profile pero hindi kasing ganda ng 10-Bit na log. Kung naghahanap ka ng action camera na may flip display, may clarity zoom, at malinaw kahit sa madilim na lugar. Itong Ace Pro talaga ang mare-recommend ko sa iyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkhrlo
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: