Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang pinag-uusapang bagong phone ng Infinix ang ZERO ULTRA dahil sa kanyang mga 180w na Charging, 120Hz AMOLED, 200MP IOS. Kaya tingnan natin kung hype lang kaya to o maganda talaga siya.
Unboxing
Ang colorway na nasa atin ngayon ay Coslight Silver at meron pa siyang isang colorway ito ay ang Genesis Noir. At itong likod ng Coslight Silver ay meron siyang mga patterns at naka-embossed siya, kaya may texture siya kapag tinouch mo.
At ang iba pang mga kasama sa loob ng box ay:
- Documentations
- JellyCase
- USB Type-C to Audio Jack Adaptor
- USB Type-C to USB Type-C Cable
- 2 ScreenProtector
- Charging Brick
Goodnews na meron siyang 2 Screenprotector, dahil sa curve yung kanyang display ay mahihirapan tayo na makahanap ng eksaktong screenprotector para sa kanya.
Design
Balikan natin itong design ng Coslight Silver, personally gustong-gusto ko siya kasi sobrang premium at simple ng kanyang design. At hindi siya kapitin ng smudges o ng fingerprint kung sakaling gagamitin mo siya ng walang jellycase.
Sa taas, makikita natin yung secondary speaker pati yung kanayang microphone.
At sa may right side, makikita natin yung kanyang volume up&down buttons pati narin yung kanyang power lock button.
At sa may ilalim, makikita natin yung USB-C port, main Mic, sim tray, at ang kanyang main speaker.
Sadly para sa kanyang sim tray, dual sim lang ang meron tayo hindi tayo naka-hybrid or walang dedicated na micro sd card slot.
Ang kanyang punch hole selfie camera ay nasa gitna. At halos proportion na ang kanyang bezel, ang ganda ng kanyang itsura para talagang flagship phone yung kanyang itsura.
Display
Itong Infinix ZERO ULTRA ay naka 6.8″ 3D AMOLED, 1080×2400 resolution, 387 ppi, 120Hz ang kanyang max refresh rate at 360Hz Touch Sampling Rate.
Ang mga gilid nitong Infinix ZERO ULTRA ay curved marami sa atin na hindi gusto itong curved display at kasama na ako dyan kasi may konting discoloration na makikita dito sa may gilid. Pero sa ayaw at gusto natin talagang marami paring flagships phone ng android na naka-curved yung display.
Ito naman yung nagustuhan ko dito sa display ng Infinix ZERO ULTRA dahil pwede na nating timplahin yung kulay ng kanyang display. Sa settings ng Display makikita natin ang COLOR STYLE at dito makakapili tayo kung Bright-color o Original color o pwede nating timplahin o i-adjust ang color temperature.
Performance
CHIPSET | MEDIATEK DIMENSITY 920 5G |
OPERATING SYSTEM | ANDROID 12 XOS 12 |
MEMORY | RAM 8+5 MEMFUSION ROM 256GB |
BATTERY | 4500mAh |
Benchmarks
Mataas ang nakuhang nating AnTuTu score kapag naka-120Hz tayo 484,164, pero mas tataas pa yan kapag naka-disable ang memfusion or virtual ram at ito ay naging 487,350 kaya may boost talaga. Pero kapag naka 60Hz refresh rate tayo medyo bumaba ng kaunti nakakuha tayo ng 479,926 pero kapag naka-disable yung memfusion 485,208 yung score.
Gaming Perfomance
Sa Asphalt 9 ay naka-High Quality na yung ating graphics settings pero hindi parin niya na-generate lahat ng graphics pero napaka-decent na ng graphics na na-generate niya dito tapos walang malalang framedrops o lag. At sinubukan din natin sa kanya ang PPSSPP na emulator at nag set tayo sa kanyang Rendering Resolution ng 5x at Display Resolution ng 5x at kaka-30FPS parin tayo.
200MP CAMERA
Ang kanyang main shooter ay 200MP Ultra Vision w/ OIS (Optical Image Stabilization), 13MP na Ultrawide at meron pang 2MP Depth sensor at ang kanyang Selfie Camera naman ay 32MP.
Ang tanong ay paano nagawa ng Infinix na mapagana dito yung 200MP na camera tapos yung chipset nito ay Dimensity 920 5G na may maximum support lang sa 108MP na camera? Kaya paano napagkasya dito ng Infinix ang 200MP na camera? Walang ibinigay na explanation ang Infinix dito pero kung titingnan natin yung track record ng Infinix meron na silang ginagawang technique noon sa kanilang previous phones para ma-extend or mahatak yung specs o hardware limitation ng chipset na ginamit nila sa isang phone.
Example, yung Infinix Zero X Pro na may 120Hz AMOLED display din ay nilagyan nila ng Display Chipset na kasama ng mismong chipset na helio G95 para hindi mahirapan yung main chipset at iba yung mag-asikaso sa mismong display. Kaya posible na may ginawa din ganung klaseng technique ang Infinix dito sa ZERO ULTRA para mapagana yung 200MP. Habang hinihintay natin yung sagot dyan ng Infinix ang importante sa ngayon ay kung maganda ba talaga yung mga 200MP na pictures dito sa ZERO ULTRA.
Sample Photos
Para sa akin maganda naman siya, very decent kaya lang hindi gaano ka-accurate yung kulay medyo bluish na siya para sa akin. Pero okay naman, sharp, may natural depth of field okay din yung dynamic range. Pero hindi ko parin siya pwedeng i-compare sa ibang photos ng ibang 200MP na camera phones na may mas mataas na chipset dito.
Ang talagang na-enjoy ko sa camera ng Infinix ZERO ULTRA ay ang kanyang Sky Shop na camera effect. Grabe talaga yung camera effect nito talagang mapapaniwala ka! At kahit may kable pa ng kuryente ay na-handle parin ng filter ng maayos.
180W THUNDER CHARGE!
Kapag Fast Charging o sobrang bilis i-charge ng phone ay nagpoproduce ng alarming heat habang nagchacharge tayo. Pero binigyang solusyon yan ng Infinix dito kasi ginawa nilang 2 yung battery sa loob syempre para mablis mag-charge at hindi mabilis iinit. At yung 180W na charger nya ay GaN charger pa ibig sabihin para hindi uminit yung ating phone habang nagchacharge tayo kahit pa na sobrang bilis magcharge.
At gumawa ako ng charging test yung una ay yung Normal Charging na 17-100% ay umabot ng 30mins 51sec at dyan palang ay solve na solve nako sa bilis. Pero kapag naka-on Furious Mode 3-100% ay umabot ng 12mins 51sec siya. Pero gusto ko lang i-remind sa inyo na kapag naka-Furious Mode ay magpoproduce siya ng alarming heat habang chinacharge natin, kaya i-suggest kung hindi niyo naman talaga kailangan ng sobrang bilis ng charging speed ay pwede niyo nang i-off yung Furious Mode.
Ang nakakalungkot lang dito ay ang kanyang SOT(screen on time) kasi isa ito sa may pinakamababang SOT para sa isang mid-range phone. Dahil almost 7hrs lang kapag naka 60Hz na refresh rate at kapag naka-120Hz naman umabot ng almost 9hrs. Pero sa real-life usage hindi naman ganun kabilis bumaba yung battery ng phone na’to kahit pa na mabigat yung app na ginagamit natin. Kaya medyo strange talaga para sakin na yun lang yung nakuha nating SOT kaya malaki yung chance na marami pa silang i-fifix o i-ooptimize sa UI ng ZERO ULTRA.
Verdict
Sobrang ganda ng design parang flagship talaga at kahit yung kanyang display sobrang ganda din. At kung gusto ninyo ng sobrang bilis i-charge na phone, magandang camera, at maganda din yung performance ito na yung hinahanap niyo Infinix ZERO ULTRA. At yan na lahat ng mga imformation na gusto kong i-share sa inyo tungkol sa phone na’to. Sulit ba siya sa presyong P21,999? I-comment mo diyan sa baba. At kung hindi ka pa naka-subscribe sa ating Youtube Channel ay mag-subscribe kana at i-click mo na rin yung notification bell para alam mo agad kapag may mga bago tayong upload.