Excited tayo ngayon dahil for the first time ay meron ng Flip phone ang Infinix, ito yung kanilang ZERO Flip 5G. Ito rin yung world first 4K ProStable Vlog Camera.
Price
Specification:
Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price at promo:
Unboxing
Makikita natin sa box ng Infinix ZERO Flip 5G yung storage at total RAM. Sa gilid naman makikita yung ilan pang specs at sa likod ng box yung top specs nitong ZERO Flip 5G. Kapag in-open yung box ay aangat ito ng kaunti at makikita na natin yung laman. Kasama na ang ZERO Flip, 70W charger, charging cable, SIM ejector pin, case, at warranty policy.
Design
Itong Infinix ZERO Flip 5G ay 195 grams lang ang weight. Kapag ini-unfold natin ito ay sobrang nipis talaga. To be exact ay 7.6mm lang kapag naka-unfold at talagang napaka-nipis pero kapag naka-fold ay 16mm naman yung kapal. Pero unlike sa mga first gen na flip phone na nakita natin before, itong Infinix ZERO Flip 5G ay walang gap kapag nakatupi. Talagang flat na flat at pantay na pantay yung pagkakatupi. Pinapangako rin ng Infinix na yung hinge na inilagay nila sa phone ay matibay. Ini-test nila ito ng 400,000 folds at naka-survive. Mapapansin ninyo na maganda ang pagkaka-design nila sa hinge, may branding at parang ang tibay ng itsura. Pero dahil flip phone, itong ZERO Flip ay walang IP rating kaya ingatan natin ito sa alikabok o tubig.
Sa may right side ay makikita yung power lock button na fingerprint scanner na rin at volume up and down button. Wala namang makikita sa left side. Makikita natin sa ibaba yung SIM tray, main mic, USB-C port, at main speaker. Sa taas naman makikita yung main microphone at yung secondary speaker ay nasa earpiece. Sa quality naman ng dual speaker, malakas, tuned by JBL, maganda yung tunog, crispy, hindi sabog, at kahit naka-max volume ay hindi distorted yung tunog. Magandang gamitin yung stereo speaker ng ZERO Flip 5G. Kapag naka-open ay makikita natin yung punch hole selfie camera at yung mga bezel ay pantay na pantay.
Cover Screen Display
Specification:
Pang-flagship na yung specs ng cover screen display nitong phone. Sobrang dami na pwede nating magawa sa cover screen nitong phone. Pwedeng mag-call, i-check yung weather, pwedeng buksan yung camera, buksan yung clock para makapag-stopwatch or makapag-set ng alarm, sound record, mag-TikTok, YouTube, Messenger, at kahit mag-browse sa Chrome. Lahat ng mga everyday application natin ay pwede na nating ma-open sa cover screen. Malaki yung matitipid natin sa battery at the same time ay may additional privacy dahil sa maliit na display. Isa sa main advantage nito ay magagamit natin as selfie camera yung main camera nitong ZERO Flip. Highest video quality yung makikita natin at pwedeng bagu-baguhin yung angle kapag in-adjust yung angle ng pagkakatupi.
Meron pa itong instant na stand kapag nagvo-vlog kaya hindi na ganun kapansin kaysa sa paggamit ng mono pad or tri-pad. Hindi na rin natin kailangan ng tagahawak at kahit mag-isa tayo ay pwede. Pwedeng gesture yung gamitin natin kapag nagta-take ng photo para hindi na natin i-set yung timer tapos bigla tayong lalayo sa camera. Ang maganda pa sa ZERO Flip, Kapag ako yung magta-take ng picture at gusto makita ng subject kung ano yung itsura niya sa camera, pwede natin itiklop at ipakita yung cover screen sa kaniya. This way, makikita niya yung itsura niya at siya na mismo yung maga-adjust at hindi tayo.
Ang dami rin nating pwedeng magawang personalization sa cover screen. Buksan lang natin yung Folding Screen Zone sa setting at napaka-daming themes at faces ang pwede nating piliin. Pwede rin na sariling photo natin yung gamitin natin as cover wallpaper. Kahit protected na ito ng Corning Gorilla Glass Victus 2 ay meron pa itong pre-installed na screen protector. If ever man na gusto natin tanggalin ay pwede dahil may protection naman.
Main Display
Specification:
Kagaya sa cover screen ay meron din itong pre-installed na screen protector. Pero unlike sa cover screen ay huwag na huwag natin tatangalin ito dahil may ibang purpose pa iyan. Isa sa main concern ng mga tao sa paggamit ng mga flip phone na kagaya nito ay yung crease or lukot sa may gitnang part. Meron pa rin itong crease pero minimal na. May konting lubog pa rin tayong mafe-feel pero hindi na ganun kalala compared sa mga nagdaan na generation ng ibang mga flip phone. Sa ganitong presyo ay nakakabilib na napaka-minimal na lang ng crease. Thumbs up sa Infinix kasi binigyan nila ng pansin yung crease ng kanilang unang flip phone.
Yung Widevine Security ay Level 1 at makakapag-play tayo ng Full HD as max playback resolution. Kapag tiningnan ninyo yung aspect ratio ng main display ay sobrang lapad compared sa mga normal phones. Kapag nag-play tayo dito ng 16×9 na mga videos ay ang laki ng black bars sa dalawang gilid. Kung i-zoom naman natin para ma-cover yung buong display ay mas madaming information yung mawawala.
Camera
Specification:
Yung main camera lang yung may OIS pero pwede pa natin ito dagdagan ng EIS. Mako-crop lang ng kaunti kapag nag-video recording tayo gamit yung OIS at EIS. Pero yung dalawang camera na ultrawide at selfie camera ay pwedeng gamitan ng EIS. Pero pagdating sa quality ng photos at videos ay natuwa ako dahil maganda talaga.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample videos screenshot:
Performance
Specification:
Pino-promise ng Infinix na up to 3 years security patches ang pwedeng matanggap sa phone at hanggang Android 16 yung major Android update. Ito yung AnTuTu score kapag naka-off yung MemFusion, 787798. Akala ko ay iyan na yung pinakamataas na makukuha nating score pero ini-on ko yung MemFusion at naging 801970. Ang laki ng ini-jump sa performance kaya may advantage kapag ginamit ang virtual RAM sa ZERO Flip.
Ang isa lang siguro sa sana ma-improve pa ng Infinix sa susunod na software updates ay yung thermals. Medyo mabilis uminit ang phone na ito kahit na nagta-take lang ako ng mga photos at videos. Wala pa sa 15 minutes yung pagta-take ko ng photos at videos ay nakaramdam na ako ng medyo alarming heat. Kahit sa pag-test ko sa AnTuTu, nag-start ito ng 26.2°C at umabot ito ng 37°C. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 11% sa battery at nadagdagan naman ng 15°C sa thermals. Ang laki dahil 49°C yung naging final temperature kaya hinay-hinay lang tayo sa phone na ito.
Ang main reason kaya siguro iyan nangyayari ay dahil folding phone ito at hindi na ganun kalaki yung space para sa cooling system. Yun lang naman yung theory ko na na-compromise yung cooling system ng phone. Kayang-kaya ng ZERO Flip yung mabibigat na games pero dahil sa thermals ay hindi ko maa-advice na maglaro tayo ng heavy games sa phone.
Battery
Specification:
Pino-promise ng Infinix na magtatagal yung battery ng phone kasi up to 1,200 charge cycles ang pwede nating magawa. Equivalent iyan ng 3 years of battery life span pero depende iyan sa kung paano natin gagamitin or icha-charge yung phone. Ang SoT na nakuha natin sa ZERO Flip ay 11 hours flat, hindi ganun ka-impressive pero hindi rin nakaka-disappoint. Inulit ko pa yung SoT after ilang days at naging 11 hours and 9 minutes. Sana ma-improve ito ng Infinix sa susunod na software updates. Itong 11 hours ay sapat na sapat lang. Itong PCMark test ay ginawa natin sa main display pero usually yung mga basic application natin ay bubuksan natin sa cover display. Kaya mas malaking SoT yung makukuha natin sa real life usage. Mabilis din ma-charge ang phone, 16% to 100% ay 45 minutes lang na-charge ang phone.
Conclusion
Sa tingin niyo ba sulit itong Infinix ZERO Flip 5G para sa presyo? Kung ako ang tatanungin, sulit. Meron tayong mga nakitang mga kailangan pang i-improve ng Infinix lalo na yung thermals at battery performance pero the rest ay goods na goods ang phone. Ilang araw ko na rin ginagamit yung phone pero wala pa akong nakitang major issue kahit ilang beses ko na binabagsak yung pagsara sa phone. Maganda yung quality kahit ito yung first ever flip phone ng Infinix at mare-recommend ko.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllzpgv
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: