More than a week na yung lumipas mula ng ma-unbox natin itong Infinix Zero 40 5G. Binalikan ko yung battery performance ng phone, umulit ako ng isa pang PCMark para ma-sure kung mababa ba talaga yung SoT na makukuha natin sa phone? Meron pa akong ibibigay na isang sample gaming performance para sa mga nagpaplano na gamitin itong phone sa gaming. Makikita niyo kung worth it ba bilhin itong phone para sa gaming. Gusto rin natin makita yung mga sample photos at videos na kuha sa phone. Lalo na yung video performance nito kasi pinagmamalaki ng Infinix na 4K video recording sa rear at selfie camera.
Battery
Meron itong 5000mAh na capacity, capable sa 45W na wired charging, wireless charging na 20W, at reverse charging na 10W. Yung last na SoT na nakuha natin sa PCMark ay 8 hours and 56 minutes. Inulit ko ito at naging result ay 8 hours and 40 minutes. Mas mababa pa ng kaunti at take note na hindi ito naka-auto refresh rate kundi 60Hz lang. Isa talaga sa nakakalungkot sa phone na ito ay hindi ganun kaganda yung bettery performance. Maasahan naman natin na may mga darating pa na mga software updates and sana ma-address nila yung battery performance ng phone. Siguro hindi pa ganun ka-optimize yung chipset nito sa Android skin na nilagay sa phone.
Performance
Naka-Dimensity 8200 Ultimate na chipset, 12GB LPDDR5X, at 512GB UFS 3.1 yung storage. Gagamitin nating pang-test ang PPSSPP na emulator. May dalawang games tayong susubukan.
Gamit nating version ay Gold or premium version ng PPSSPP. Sa settings, sagad ang rendering resolution, at yung Anisotropic Filtering ay naka-16x, at yung texture filtering ay naka-Auto Max Quality. For the most part ay sagad-sagaran yung setting natin at ang Backend ay Vulcan. Gamit nating controller ngayon ay GameSir Controller, nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unahin nating i-test ay Need for Speed. Pagdating sa quality ng graphics ay talagang ang smooth, ang ganda tingnan, at nakaya nitong Zero 40 5G na sagad-sagaran yung graphics na di kaya ng ibang phone. Yung fps counter natin ay hindi bumababa ng 30fps kaya optimal yung performance natin. Sa Need for Speed ay walang problema kaya punta naman tayo sa mas mabigat na game na Daxter na open world. Maganda naman yung graphics at yung fps ay hindi rin bumababa ng 30fps. Kung racing or open world yung lalaruin nating game sa PPSSPP emulator ay walang problema. Nakaka-enjoy lalo na kapag may ganito kang controller. USB-C itong controller at connect lang sa phone ay good to go na. Pagdating sa performance ay satisfied ako sa phone na ito.
Camera
Ang camera nito ay 108MP f/1.8 OIS na main camera, 50MP na Ultrawide, 2MP Depth Sensor, at 50MP na selfie camera. Spoiler lang, overall, ay nagustuhan ko yung camera performance nitong phone.
Ito ang mga sample photos:
Sa first sample, kuhang-kuha yung leather texture ng manibela at ilang buttons sa paligid. Naka-bokeh naman yung nasa likod ng manibela. Yung mga dark parts ay hindi noisy, hindi grainy, at malinis na malinis. True to life naman sa kulay. Sa second photo, tirik yung araw kaya madali para sa camera na makakuha ng sapat na information. Pleasing naman overall yung kulay pero medyo saturated lang siguro ng kaunti at medyo blueish. Hindi ko masabing true to life yung timpla ng photo. Sa pangatlo, makikita natin na mage-excel sa landscape photography itong phone. Very obvious na maganda yung timpla kapag plants or green yung kinukuhanan. Medyo saturated pero almost accurate yung kulay. Sa last sample photo, test natin yung dynamic range ng camera ng phone. Kahit against the light yung building ay madami pa ring na-preserve na details. Nagustuhan ko rin yung kulay dahil tamang-tama lang.
Hindi naman puro goods yung masasabi natin sa camera nitong Zero 40 5G. Meron ding mga kailangan ng improvement. Makikita ninyo sa picture yung difference ng ultrawide lalo na sa exposure. Noticeable talaga na mas madilim yung ultrawide compared sa main camera.
Ito ang mga sample video screenshot:
Sa video naman ay hanggang 4K 30fps yung may Ultra Steady Mode. Effective naman yung stabilization nito sa rear camera. Meron itong Ultra Steady Pro pero magiging 1080p ang quality. Sa Selfie camera ay maalog talaga at parang walang stabilization. Pero kung quality ang paguusapan sa selfie camera ay maganda talaga at parang main camera.
Conclusion
Ito na lahat guys ang additional information tungkol sa Infinix Zero 40 5G. Sana makatulong itong video para makapag-decide kayo. Sana ma-address ng Infinix yung napagusapan natin, especially yung battery performance, at yung 4K selfie video recording ay maging stable na.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllq3q0
GameSir Game Controller – https://invol.co/cllr9n9
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: