Pag-usapan natin ngayon itong kakarelease lang ng Infinix na Zero 30 5G. Ang presyo nito ay PHP14,999 na may 12GB RAM at 256GB internal storage.
UNBOXING
May pagka-rainbow effect ang kulay ng box niya at may pagka-carbon fiber na effect. Hindi lang ang 12/256GB ang kayang i-offer nito kasi meron pa itong 4K 60fps na video recording sa kanyang 50MP selfie camera. Dinesign talaga ng Infinix itong Zero 30 5G para sa vlogging. Tignan natin mamaya kung na-achieve ba ang Infinix ang feature na ‘yan.
Pag-open ng box, makikita kaagad ang Zero 30 5G na nakabalot sa printed na plastic na may nakasulat na top specs. Merong tatlong color way itong Zero 30 5G pero ang nandito sa atin ngayon ay itong Rome Green. Meron itong Eco Leather kaya hindi siya makinis at hindi kapitin ng dumi at fingerprints. Tapos, gold ang kanyang accent sa gilid at camera module. Bukod sa Rome Green, meron pa itong colorway na Golden Hour at Fantasy Purple kung saan glass ang likod at protected ng Corning Gorilla Glass 5.
Sa ilalim ng box, makikita pa ang ibang accessories tulad ng documentation, warranty card, jelly case, USB-A to USB-C cable at 68W charger.
DESIGN
Meron itong IP53 dust and splash resistant kaya hindi tayo mag-aalala na masisira agad ang phone na ‘to. Sa taas makikita ang secondary speaker at secondary microphone. Sa ilalim, meron itong main speaker, USB-C port, main microphone at sim tray na dual sim lang at walang dedicated na micro SD card slot. Sa may right side naman makikita ang volume up and down buttons at powerlock button. Sa left side ay malinis na malinis, sa likod ay ang camera module at sa harap ay ang punch hole selfie camera. pantay na pantay din ang bezel nitong phone at meron na itong naka-install na screen protector.
Kung pag-uusapan naman natin ang haptics nitong Zero 30 5G ay sakto lang para sa price niya. pasado din sa akin ang dual speakers nito kasi malakas siya, hindi ako nabitin sa maximum volume at maganda ang tunog.
DISPLAY
Meron itong 6.78″ Curved Amoled FHD+, 388 ppi, 1B colors ang kayang i-produce nito, 144Hz maximum refresh rate, 360Hz Touch Sampling rate at aabot ng 950 nits ang peak brightness. Meron itong DCI-P3 coverage at protected ng Corning Gorilla Glass 5. para sa presyong PHP14,999 sobrang siksik na specs ng display ang nilagay dito ng Infinix! Tignan pa natin ang iba pang features.
Una sa lahat, kapag tinignan natin ang Settings, pwede nating i-enable ang High Brightness Mode para hindi tayo mahirapan tumingin sa display kapag tayo ay nasa labas. Pagkatapos, meron din itong Eye Care at Color Style na may dalawang preset na Bright-colored at Original color.
Pagdating sa screen refresh rate settings, meron itong apat na option: 144Hz, 120Hz, 60Hz at Auto-switch. Wala tayong makikitang difference sa kanila kasi bumababa pa din to 60Hz kahit naka-lock naman ang refresh rate sa 144Hz o 120Hz.
Dahil AMOLED ang display nitong Zero 30 5G, makikita niyo sa Personalization na meron itong Always On Display. Pero hindi ko mairerecommend sa inyo iyan kasi 144Hz pa din ang refresh rate. So, malaking consumption iyan sa battery.
Good news naman kasi Level 1 ang Widevine Security Level kaya makakapag-play tayo dito ng mga HD contents sa mga streaming services. kahit sa Netflix ay Full HD anf maximum playback resolution.
PERFORMANCE
Naka-XOS 13 na itong Zero 30 5G, Dimensity 8020 chipset, 12GB LPDDR4X RAM at 256GB UFS 3.1 internal storage.
Kumuha ako ng tatlong Antutu Score at ito ang mga result: kapag naka-60Hz, 757510, kapag naka-144Hz, 763994 at kapag naka-auto switch, 756051. Alinman sa mga setting ang i-select natin sa refresh rate nitong phone ay talaga namang mataas ang nakuhang score. Kaya maaasahan natin na maganda ang performance nito anumang application ang ibato natin sa kanya.
makikita sa Wild Life Stree test na nabawasan ng 11% battery life at nadagdagan ng 12°C sa temperature. Oo, maganda ang performance nito pero ingat-ingat pa din kasi pwedeng magkaroon ng alarming heat ang phone na ‘to kung sosobrahan natin ang paggamit.
Pagdating sa gaming, umaabot ito ng 60fps kapag naka-auto switch. Pero kung ilalagay natin sa 144Hz o 120Hz ang refresh rate setting, papalo sa 100+fps ang magiging game play. Kung gusto niyo naman na naka-auto switch pero aabot ng 100fps, swipe and hold niyo lang sa upper left then i-click niyo ang Performance Mode. Sa Asphalt 9, na-generate niya lahat ng graphics at wala ding framedrops at lag na makakasira sa laro natin.
CAMERA
Meron itong 108MP, f/1.7, OIS main shooter na may Samsung ISOCELL HM6 sensor, 13MP ultrawide, 2MP na isa pang camera at 50MP selfie camera. Ito ang mga sample shots:
Sa selfie video recording, kaya nitong mag-record ng 4K 60fps. Big deal ‘yan kasi merong mga flagship phone sa ngayon na hanggang 1080p selfie recording lang ang kayang gawin. ‘Yun nga lang, wala itong EIS o OIS kaya kung gsto niyo gamitin ang 4K 60fps, dapat meron kaong gimbal. Or kung gsto niyo ng built in, pwede niyo naman i-enable kaso bababa siya to 1080p.
BATTERY
Meron itong 5000mAh na capable sa 68W fast charging. Tatlong beses ko din ito tinest sa PC Mark itong Zero 30 5G depende sa refresh rate setting para mas magkaroon kayo ng idea. Kapag naka-lock lang sa 60Hz, nakakuha ako ng 12 hours and 2 minutes SOT. Kapag naman ni-lock to 144Hz, 9 hours and 30 minutes na lang ang SOT. At kung ilalagay naman sa auto-switch, nakakuha tayo ng 12 hours & 20 minutes SOT. Pagdating sa charging, sabi ni Infinix na sa loob lang ng 30 minutes, tutungtong na ito ng 80%.
Kung kayo ang tatanungin, sulit ba itong Infinix Zero 30 5G? Kung ako naman ang tatanungin ninyo, okay na okay ang phone na ‘to para sa presyo niya. Pero siyempre, kayo pa din ang magde-decide kung bibilhin niyo ito o hindi.