Bago natin i-unbox itong Infinix NOTE 40 Pro+ 5G na Racing Edition. Gusto ko lang i-mention na bakit magkaiba yung price nito sa Lazada at Shopee?
Price
As of writing this article, ang presyo ng phone sa Lazada ay Php14,479 samantalang sa Shopee ay Php14,159. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price.
Unboxing
Malaking box ang ipinadala ng Infinix sa akin dahil hindi lang ang NOTE 40 Pro+ 5G ang naka-racing edition. Meron din itong ibang mga devices na naka-racing edition. Kapag hinatak natin ang drawer sa box, meron itong Shades, Magnetic Wallet, GaN Charger, Key Chain, at braided na USB-C Cable.
Kapag binuksan natin ang top part ay meron pang mga boxes dito. Nandito ang XWatch 3 na racing edition yung straps, XBuds 3 na racing edition, Mag Power, at box ng NOTE 40 Pro+ 5G. Ang ganda ng pambalot ng box sa mismong NOTE 40 Pro+ at parang naka-carbon ang texture. Pero I doubt na ganitong sleeve din ang matatangap natin kapag bumili tayo ng Racing Edition.
Sobrang ganda ng mismong box ng NOTE 40 Pro+ Racing Edition. Yung mga nakalagay na text ay same na same lang sa normal na box ng NOTE 40 Pro+ 5G na hindi racing Edition. Pag-open ay document sleeve pa rin ang una nating makikita na may SIM ejector pin, Mag Power Case na leathery texture at color black, tempered glass, at stickers. Sana may additional stickers sila na exclusive lang para sa Racing Edition.
Sunod naman ang phone at tanggalin natin ang plastic wrap. Sobrang ganda ng itsura nitong Racing Edition. Wala na akong na kitang reason para piliin ko yung ibang colorway ng NOTE 40 Pro+. Sa ilalim ng box ay mayroong 100W na charger at lastly ang USB-C to USB-C cable. Same lang ang presyo nitong Racing Edition sa ibang NOTE 40 Pro+ na ibang colorway. Kaya nasabi ko kanina na wala na akong makitang reason na piliin pa natin yung ibang kulay. Ang ganda talaga at ang premium ng itsura ng Racing Gray Edition.
Design
Kagaya pa rin dati, kapag nakalagay ang case ay naka-expose yung gilid ng phone. Ang cover na cover ay yung itaas at ibaba pero tanggalin muna natin ang case. Gandang-ganda talaga ako sa design ng phone na ito. Yung mga stripes sa likod ng phone ay may texture talaga ng kaunti. Curve pa rin ang likod at same na same pa rin sa NOTE 40 Pro+ na hindi Racing Gray. Ang isa pa na mapapansin niyong kakaiba dito ay ang racing stripes na katabi ng halo or flash.
Isa pa sa makikita nating unique or exclusive lang para sa Racing Edition ay yung wallpaper at lock screen. Ito yung default na makukuha nating itsura kapag ini-setup natin ang phone. Unique din ang icons at half ng mga icon ay exclusive sa phone lang.
Nung ini-setup ko ang phone ay wala naman akong na-receive na software update or auto update. Ang latest na security patch ng phone ay April 5, 2024, at mag-August 1 na kaya medyo behind na yung security patch ng phone. Wala namang special sa phone maliban sa itsura, wallpapers, at icon. Pero tingnan natin ang update sa score nito sa AnTuTu after ma-release.
Performance
Sa Special Function ay meron itong MemFusion na up to12GB. Technically ay pwedeng maging 24GB yung total na RAM ng phone na ito. Sa Special Function settings ay nandito rin ang Game Mode, huwag natin kalimutan i-add sa game management manually yung ibang mga games. Yung AnTuTu ay in-add ko para makuha natin yung full potential ng performance.
Ang AnTuTu score nito kapag naka-on ang MemFusion ay 483501. Kapag naka-off naman ay tumaas ito at naging 485271. At kung hindi ako nagkakamali ay iyan din ang na-point out ko sa full review ko sa phone na ito. Kung hindi naman talaga natin kailangan ng 24GB or more than 12GB na RAM ay huwag na natin i-on ang MemFusion kung hindi naman talaga kailangan.
Sa Asphalt, naka-performance mode ito at okay naman. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero very acceptable yung gameplay natin. Wala namang lag or frame drops na makakaapekto sa gameplay. Ito ang ipino-promote ng Infinix sa phone na okay ito sa gaming. Hindi naman ito flagship phone kaya huwag tayo mag-expect na sobrang ganda yung magiging graphics natin sa gaming. Kung maglalaro tayo ng mabibigat na game ay huwag natin isagad ang graphics, okay na okay naman yung performance.
Camera
Ito ang sample video screenshot:
Kahit sa selfie video recording ay wala pa ring nabago. 2K/30fps pa rin ang sagad na video recording sa selfie camera. Kung gusto natin ma-activate ang EIS ay pwede natin i-on ang Ultra Steady Mode pero magdo-downscale ito to 1080p.
Conclusion
Ito muna ang gusto kong ipakita tungkol sa Infinix NOTE 40 Pro+ 5G Racing Gray Edition. Before niyo bilhin ay pwede niyo panoorin ang full review ko sa YouTube or basahin ang review ko.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllhd49
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: