Price
Unboxing
Nasa special gift box itong Infinix NOTE 40 Pro+ 5G. Meron silang partnership sa JBL, dahil tuned by JBL ang dual speaker nito. Sa loob ng gift box ang box ng NOTE 40 Pro+ 5G at JBL GO3 na speaker. Ang ganda nito at gustong-gusto ko na orange ang ipinadala nila sa akin, parang STR orange. Bluetooth 5.1 na ito at may IP67 waterproof and dustproof. Kaya rin nito ang 5 hours of playback time in one charge, so not bad. Para sa mga nagpaplano na magpunta ng beach or resort at gusto niyo ng sound trip, pwede ito sa inyo.
Balikan natin itong NOTE 40 Pro+ 5G. Makapal ang box dahil dalawa ang laman nito, ang phone at free wireless charger. Pag-open ng MagPad, una agad nating makikita ay ang mismong MagPad. Bilog ito at may USB-C port. Maganda ito gamitin kapag nagga-games tayo dahil walang cable na nakaharang kapag naka-landscape mode tayo. Kaunting specs lang sa MagPad, output nito ay 15W pero kaya ng phone ang up to 20W of wireless charging. Slow charging ito at maganda iyan para hindi mabilis uminit. Meron din ditong MagPower wireless power bank, pero hindi ito available sa Philippine Market. Meron itong 3020mAh at 18W charging speed.
Open naman natin itong NOTE 40 Pro+ 5G, nasa atin ngayon ang vintage green pero meron pa itong isang kulay na vintage black. Makikita natin ang document sleeve na may logo ng All-Round FastCharge2.0. Sa loob nito ay may SIM ejector pin, Infinix NOTE 40 series stickers, case, tempered glass, at pang-apply ng tempered glass. Natuwa talaga ako dahil karamihan ng mga curved screens ngayon ay napakahirap hanapan ng tempered glass, tapos nagsama sila kaya good job sa Infinix. Itong case naman ang kailangan natin para magamit natin ang accessory na ipinakita ko kanina dahil nandito ang magnet. Hindi rin madaling matangal ang mga accessory kapag nakadikit na sa case. Sunod na makikita sa box ay ang phone. Ang ganda ng likod ng phone at leather back talaga. Malaki rin ang camera module nito at napaka-modern. Curved ang back panel nito at curved din ang display kaya napaka-comfortable hawakan.
Nakakatuwa dahil na sa ganitong presyo, meron ng wireless charging na usually nae-experience lang sa mga premium mid-range to flagship phones.
Battery
Specification:
4600mAh? Parang anliit nun, and I agree. Sa ganitong presyo, minimum dapat na battery capacity ay 5000mAh.
Hindi talaga natin pwede i-expect na mabilis ang charging speed kapag wireless. Para sa akin ay tamang-tama lang iyon kasi mabilis uminit kapag wireless charging pero dahil sa slow charge ito, hindi ito mabilis uminit.
Pwede tayong pumunta sa Settings > Battery & Power Saving > Charge > Charging Speed. Meron itong dalawang option, Smart Charge at Low Temp Charge. Kung ayaw natin ng laging 100W ang charging speed at makapag-generate ng alarming heat, pwedeng piliin ang Low Temp Charge. Kung hindi tayo nagmamadali or matutulog tayo sa gabi at magcha-charge, pwede ang option na iyan. Kung gusto naman natin na ma-reach ang 100W na speed, pwede natin piliin ang Smart Charge. Pero dahil Smart ito, babagal ito kung kinakailangan. Halimbawa, naramdaman nito na ang charging habit natin ay kapag matutulog tayo, babaan nito ng kaunti ang charging speed.
Ang setting ng phone ng nakuha nating SoT ay 50% brightness at naka-auto ang refresh rate. Gaganda pa ang SoT kung bababaan natin ang refresh rate at brightness, pero most of the time ay ganito talaga ang makukuha nating SoT. Okay lang ang SoT, hindi naman impressive at hindi naman nakaka-disappoint. Pwede rin ito ma-improve sa mga susunod na software updates.
Tandaan natin, hindi natin maididikit ng maayos ang accessories kung wala ang case. Ingatan niyo ang case at if ever na masira ay bumili na lang kayo ng bago.
Display
Specification:
Ang masasabi ko lang after ng ilang weeks ng paggamit sa phone na ito ay napakaganda ng color reproduction ng phone. Flagship level na at nag-enjoy talaga ako kapag nanonood ng videos. Sa display settings > color style, pwede tayo mag-customize dito. May dalawang preset, original color at bright color. Kung gusto natin maging vibrant pa ang kulay ay bright color ang piliiin natin. Pwede rin natin i-adjust ang color temperature sa ibaba. Kung lalabas tayo at nakukulangan sa brightness, pwede natin i-enable ang High Brightness Mode. Good news dahil Level 1 ang Widevine Security Level nito, makakapag-play tayo ng Full HD content sa mga streaming services.
Kapag naka-auto ang Refresh Rate ay kusang bumababa ito to 60Hz kapag hindi na ginagalaw ang display. Ang ganda rin ng haptic ng phone, mukhang Php18,000 ang feels ng haptics. Meron din itong Active Halo Light, iilaw ito kapag meron tayong notification, tawag or kapag nagcha-charge. Magandang feature ito kapag nakabaliktad ang phone at hindi na natin kailangan palaging tingan ang display kapag may notification.
Performance
Specification:
Meron itong MemFusion or virtual RAM na up to 12GB, in total ay meron itong 24GB of RAM. Ang Antutu score ay 452163 kapag naka-on ang MemFusion. Very decent at mataas na iyan. Kapag naka-off ang MemFusion, tumaas ang score at naging 453637. Para sa akin ay kung sapat na ang 12GB na physical RAM ay wag na natin i-on ang virtual RAM. Meron din itong IP53 na rating kaya splash and dust resistant na ito. Kung magbabakasyon tayo at dadalhin sa dagat ay okay lang dahil hindi ito agad-agad mapapasukan ng alikabok at tubig.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
Verdict
Iyan na ang update ko sa Infinix NOTE 40 Pro+ 5G mula ng i-release ito. Para sa akin, ang presyo nito na Php13,999.00 ay sapat na sapat lang sa dami ng feature na makukuha na tin sa phone na ito. Napaka-premium nito para sa presyo at meron pang wireless charging.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://bit.ly/note40pro5G-Lazada
Shopee – https://bit.ly/Note40Pro5G-Shopee
TikTok Shop – https://bit.ly/Note40pro5G-Tiktok
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: