As of writing this article, wala pang exact price itong Infinix NOTE 40 Pro+ 5G dito sa Philippines.
Design
Nasa atin itong Obsidian Black na colorway pero meron din itong Vintage Green. Matte finish ang likod kaya hindi kapitin ng smudges at fingerprint. Ang sosyal ng design ng phone na ito. May kalakihan kaunti ang camera module, at may kakapalan ang camera bump. Pero ang kabuuan ng phone ay napakanipis at flat ang itaas at baba. Ang phone ay may IP53 dust and splash resistance, walang problema kahit matalsikan ng tubig o dalhin sa maalikabok na lugar. Sa taas ng phone ay ang secondary speaker, IR Blaster, secondary microphone, at may JBL branding. Sa right side naman ay ang volume up and down button at power lock button. Sa left side naman ay malinis na malinis. Sa bandang ibaba ay ang USB-C port, main mic, SIM tray, at main speaker. Dual SIM lang ang tray at hindi tayo makakapaglagay ng SD card. Sa harap ay ang punch hole selfie camera. Ang bezel ay proportioned lahat, at curved ang display. Kagaya ng napansin niyo, dual speaker ito at JBL na. Makakaasa tayo na maganda ang separation ng left and right. Maganda ang quality kahit naka-max ang volume, at mas immersive kapag nanonod tayo.
Sa loob ng camera module makikita ang Active Halo Lighting. Ang astig ng effect kahit maliit lang ang Halo Lighting. Hindi nakakasira sa kabuuang ganda ng phone at naco-costumize pa iyan sa settings. Itong Active Halo Lighting ay magagamit natin kapag may incoming call, notification, charging, at marami pang iba. Present din ang Magic Ring, or parang Dynamic Iland ng mga iPhone. Kapag meron tayong call, nag-charge at iba pa ay lilitaw ang Magic Ring. Pagdating naman sa haptic, goods na goods at ang ganda ng vibration. I suggest na gamitin niyo at huwag patayin para maging realistic ang pagty-type ninyo.
Battery
Specification:
Magkakaroon tayo ng mixed opinions pagdating sa capacity ng battery nito. Karamihan kasi ngayon sa mga mid-range phone ay 5000mAh, pero binawi rin kasi ng Infinix sa charging speed na 100W. Napakabilis mag-charge nito, nag-charge ako ng phone from 6% to 100%, umabot ng 43 minutes lang. Pagdating naman sa Screen-on Time, nakuha natin ay almost 12 hours, 11 hours and 53 minutes. Napaka-decent na niyan kahit 4600mAh lang ang capacity.
Display
Specification:
Napakaganda ng color reproduction dahil AMOLED. Vibrant ang display, at ang pleasing sa mata ng images and videos. Natitimpla rin ang kulay sa settings. Napansin ko lang sa Bright Color display na medyo saturated ang kulay, kagaya ng makikita niyo sa picture. May tatlong options naman tayo sa Screen Refresh Rate. Napansin ko na kahit naka-auto ang refresh rate ay nag-stay pa rin ito sa 120Hz kahit hindi na ginagalaw ang display. Pero kapag nag-open tayo ng hindi naman kailangan ng mataas na refresh rate, halimbawa sa settings, bumababa naman ito. Ang Widevine Security Level ay Level 1, makakapag-play tayo dito ng HD content sa mga streaming services.
Performance
Specification:
Napaka-light naman ng UI ng phone, pero meron pa rin mga pre-installed na application na pwede naman natin i-uninstall. May virtual RAM ito o MemFusion na 12GB, in total of 24GB of RAM. Ang Antutu score na nakuha natin kapag naka-off ang MemFusion ay 433152. Kapag naka-on naman ay tumaas ng kaunti, naging 434747. Nang tinest natin ito sa Asphalt 9, smooth naman at walang frame drops. Pero hindi nito na-generate lahat ng graphics. Decent na yung na-generate para maging pleasant sa mata ‘yung gameplay natin. Sa NBA Infinite, halos lahat sa graphic settings ay pwedeng ilagay sa super. May ilan na hanggang high lang talaga. Ang Anti-aliasing ay naka-off kaya wala itong enhancement pagdating sa texture ng gameplay. Sa gameplay naman, magaan ang feels. Hindi hirap, at responsive ang display. Napaka-capable ng phone na ito sa game pero pagdating sa graphics ay huwag natin i-expect na kaya nito ang high settings.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshot:
Sa selfie camera ay 2k/30fps ang sagad na pwedeng ma-record. Okay naman, sharp pero walang stabilization. Pero kung i-enable natin ang EIS, magiging stable pero nabawasan ang quality. Sa photos ng rear camera, na impress ako sa quality. Maganda ang color reproduction, maganda ang details ng photos. Dahil sa 108MP na ang main camera, siguradong hindi masyadong maco-compromise ang quality kapag in-upload natin sa Social Media. Pagdating sa video ng rear camera, may 2k/30fps pero hindi stable. May stabilization pero hanggang 1080p nalang.
Verdict
Sulit ba itong Infinix NOTE 40 Pro+ 5G? Abangan niyo kasi possible na may follow up pa ako tungkol sa phone na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada –
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: