Price
Paguusapan natin ngayon ang Infinix NOTE 40 5G. Para sa mga naghintay ay matutuwa kayo, Php12,999.00 ang official SRP nito. Pero from May 23 to May 25 sa kanilang TikTok Shop, Php9,999 nalang ang magiging presyo nito. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
May kasamang MAGPAD itong NOTE 40 5G kapag binili natin. Ang charging speed nitong MAGPAD ay 15W. At eksakto dahil ito talaga ang wireless charging speed nitong phone. Pag-open natin ay MAGPAD agad ang makikita at meron itong user manual. Napakanipis lang nito at pwedeng-pwede natin dalhin kahit saan. Meron itong USB-C port para mai-connect ang charger.
Ang NOTE 40 5G na nandito sa atin ay Titan Gold colorway na 12/512GB ang variant. Pag-open ng box, ang document sleeve ang una nating makikita. Sa loob ng document sleeve ay may SIM ejector pin, installation guide ng tempered glass, tempered glass, user manual, at case.
May tempered glass na kasama ito kaya hindi na natin kailangan maghagilap at sukat ito para sa phone. Ang case ay important para mapagana natin ang wireless charging. Ididikit lang ang MAGPAD at hindi na ito malalaglag. Hard case ang meron dito at frosted na rin. Maganda rin ang protection sa camera bump pero exposed pa rin dahil sa laki ng butas ng camera. Exposed din ang mga buttons sa gilid at ang ilalim ng phone.
Sa ilaim ng document sleeve ay may stickers. Meron itong Splash Proof na sticker kasi itong NOTE 40 5G ay may IP53 na rating. Hindi ito waterproof pero kung matalsikan ng ulan or tubig habang naglalaba ay walang problema. Sa ilalim ng box ay may 33W charger na USB-A ang port at charging cable.
Sunod ang NOTE 40 5G na ang balot ay may top specs. Napakaganda ng Titan Gold lalo na kung outdoor. Nagiiba ito ng kulay depende sa tama ng ilaw pero madalas ay color gold ito. Pero may colorway pa ang phone na Obsidian black at Raising gray.
Present pa rin sa phone ang Active Halo Lighting effect. Pwede natin ito magamit kapag merong notification, calls, or kapag nagcha-charge tayo. May ibat-ibang light effect settings na pwede pagpilian, may Rhythmic, Lively, at AI.
Ang biometrics dito ay In-display fingerprint scanner. Nau-unlock naman nito 90% of the time. May mga situation lang na nagfa-fail ito. Dual speakers ang meron dito na nasa taas at ilalim ng phone. Tuned by JBL ang speakers kaya mae-expect natin na maganda talaga ang tunog, hindi distorted kahit max ang volume, at ang max volume naman ay hindi nakakabitin. Ang SIM tray nitong phone ay may dual SIM slot at micro-SD card slot. Expandable ang storage dito.
Display
Specification:
Sa quality ng display nitong NOTE 40 5G, wala akong masabing kahit anong issue. Napakaganda ng display nito, pop na pop at napaka-vibrant ng kulay. Mage-enjoy talaga tayo dito sa media consumption. Napaka-sharp din at proportioned ang bezel kaya immersive ang experience natin.
Kahit pa dalhin natin ito outdoor, kitang-kita pa rin natin ang display dahil meron itong High Brightness Mode. Meron din tayong dalawang color style presets dito, bright colored para mas maging vibrant pa, at kung mas accurate naman ay original color ang piliin. Pwede rin natin timplahin ang color temperature nito. Remind ko lang kayo guys na up to 1 billion colors ang kaya i-produce ng display nitong Infinix NOTE 40 5G. Kapag tiningnan natin ang display settings ay may option ito para sa screen refresh rate. Maliban sa Auto ay may 60Hz, 90Hz, at 120Hz. Good job sa Infinix dahil may tatlo pang option na pagpipilian. Kapag naka-auto switch at hindi na ginagalaw ang display ay kusa naman itong bumababa to 60Hz. Mabilis naman ang pagbaba nito kaya makakatipid tayo sa battery.
Performance
Specification:
Meron itong MemFusion or Virtual RAM. Pwede tayo magdagdag ng hanggang 12GB of virtual RAM sa 12GB na physical RAM. So in total ay may 24GB of RAM. Ang Antutu score kapag naka-off ang MemFusion ay 509928. Kapag naka-on naman ay 508437, bumaba ng kaunti ang score although hindi sobrang laki. Pero advice ko sa inyo na huwag niyo na i-on ang MemFusion kung hindi naman talaga kailangan. Ang 12GB na physical RAM ay malaki na talaga.
Try natin ito sa Ark Survival, sa option ng video settings ay naka-epic at max ang resolution. Make sure niyo lang din sa game management na naka-add ang game na gusto niyo laruin para ma-boost ang performance. Sa gameplay, napatakbo nito ang game at playable pa rin. Although hindi ito nakaka-60fps na gameplay kasi mabigat ang epic na settings pero nakaya ng phone. Try natin babaan ang resolution pero epic pa rin ang graphics quality. Okay naman at mas naging smooth. Kahit sa mabibigat na game ay kaya nitong Infinix NOTE 40 5G.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Sa mga sample photos, makikita na okay na okay ang quality overall. Maganda ang dynamic range kahit na sobrang tirik ng araw ay naba-balance naman nito. Minsan ay medyo overly saturated ito at hindi ganun ka-natural pero pleasing pa rin ito sa mata. Kung ipo-post natin ito sa social media ay maganda pa rin tingnan.
Ito ang mga sample video screenshots:
Sa 2K/30fps na selfie video recording, kung magsho-shoot tayo ng video na naka-steady lang ang phone ay okay lang. Ito ang highest quality possible sa selfie video recording. Pero if ever na gusto natin mag-record ng selfie video recording habang naglalakad tayo, pwede natin i-on ang stabilization pero magdo-downscale ito to 1080p. Magco-crop in din kaunti dahil EIS lang ito pero at least stable.
Battery
Specification:
Sa Battery settings > Charging Speed settings na pwedeng piliin. Pwedeng Smart Charge or Low Temp Charge. Kung gusto natin umabot ng 33W ang charging speed at ibabagay sa behavior ng phone, smart charge lang tayo. Kung okay na sa atin yung mabagal lang na charging speed pero mas safe sa battery life span, okay na ang Low-Temp Charge.
Pero sa test na ginawa ko ay naka smart charge tayo at tingnan natin kung gaano katagal umabot. Ang SoT na nakuha natin kapag naka-50% brightness at auto switch ang refresh rate ay 13 hours and 22 minutes. Decent naman at maasahan ang battery overall.
Verdict
Sa tingin niyo ba sulit itong Infinin NOTE 40 5G? Pwede mo i-check ang sale ng phone sa baba.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee: https://bit.ly/NOTE405G-Shopee
Lazada: https://bit.ly/NOTE405G-Lazada
TikTok Shop: https://bit.ly/NOTE405G-TikTok
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: