Pag-usapan natin ngayon itong bagong Infinix Note 30 VIP. Ang presyo nito ngayon ay PHP13,999 at kung gusto niyong malaman ang updated price nito, click niyo lang ang link na ‘to:
Lazada – https://invol.co/clj38xv
Shopee – https://invl.io/clj38y5
TikTok – https://bit.ly/NOTE30VIP_YT_KOLs
UNBOXING
Pahaba na at mas makapal na ng konti ang box niya compared sa mga normal box ng mga Infinix phones ngayon. Ang dahilan ay dahil meron pang maliit na box sa loob. Makikita sa labas ng box ang top features nitong Infinix Note 30 VIP tulad ng Sound by JBL, Wireless Charging, 256GB Internal Storage, up to 21GB na RAM, 65W Wired Charging at 50W Wireless Charging.
Pagkatanggal ng sleeve, makikita ‘yung mismong box ng phone at box ng wireless charging pad. So, hindi na tayo kailangan bumili ng separate na charging pad kaya makakatipid talaga tayo. Glossy, manipis at may Infinix logo sa gitna ang kanyang wireless charging pad. Naka-USB-C na din siya na merong LED indicator para malaman kung fully charged na o kung nagcha-charge ang ating phone. Good job sa Infinix sa pag-include nito sa box!
Sa loob naman ng box ng phone, makikita ang Infinix Note 30 VIP na nakabalot sa plastic sleeve. Ang simple ng design niya, matte-finish, hindi smudge magnet at hindi fingerprint magnet kaya mananatili siyang malinis all the time if ever hindi tayo gagamit ng kahit na anong case. Makikita din sa loob ng box ang sim ejector pin na nakabalot sa plastic, warranty card, tempered glass, hard case, 68W charger na may USB-A na port at USB-C to USB-A cable.
Wala na tayong masasabing bago sa design niya kasi napaka-familiar niya. Nakita na natin ‘to sa ibang Infinix phone. Pero para lang sa kaalaman ng lahat, flat pa din ang bawat side kaya mas comfortable siyang hawakan at mas maganda ang magiging grip natin dito. ‘Yung likod niya ay glass kasi nga meron siyang wireless charging at ang kanyang frame ay plastic.
Sa taas, meron itong Sound by JBL na branding , secondary microphone at secondary speaker. Nasa ilalim naman ang USB-C port, main microphone, main speaker at headphone jack. Sa right side ay makikita ang volume up and down button at powerlock button. Sa left side naman ay sim tray lang ang makikita. Hindi hybrid ang sim tray niya, talagang dedicated ang kanyang micro SD Card slot.
Itong Infinix Note 30 VIP ay merong IP53 Rating kaya hindi tayo masyadong kakabahan sa talsik ng mga tubig. Pero siyempre, huwag natin ‘to ilubog sa tubig kasi hindi ito IP68 or IP69.
Sa harap makikita naman ang punch hole selfie camera at meron na itong pre-installed na screen protector. Mapapansin niyo din na pantay pantay ang kanyang bezels, talagang proportioned siya kaya nakadagdag ‘yan sa pagiging premium ng phone na ‘to.
SPEAKER
Na-satisfy ako sa maximum volume at kahit pa naka-maximum volume pa ito, hindi distorted ang tunog at walang nababasag. Maganda ang tunog niya all throughout. Ang maganda lang sigurong i-improve nila sa mga susunod na alteration ng phone ‘to ay ‘yung placement ng secondary speaker. Kasi sa ngayon, nakalagay siya sa bandang baba ng palm natin kapag naka-landscape mode tayo. Buti na lang, ‘yung main speaker ay hindi natatakpan. Pero ‘yung secondary speaker ay matatakpan if ever naglalaro tayo o nanonood tayo ng video or movie kapag naka-lanscape mode tayo.
DISPLAY
Meron itong 6.67″ AMOLED FHD+ 1080 x 2400 resolution, 120HZ maximum refresh rate, 395 ppi at 900nits peak brightness. Pagdating sa default na kulay, okay naman siya, medyo may konting pagka-bluish by default pero pwede naman nating timplahin ‘yan sa Color Settings.
Good news din dahil ang kanyang Widevine Security Level ay Level 1 kaya makakapag-play tayo ng mga HD content sa mga streaming services. Para din sigurado tayo, tinignan din natin siya sa Netflix at ang kanyang Maximum Playback Resolution ay Full HD at Level 1 ang kanyang Widevine.
Kagaya ng nabasa niyo kanina, pwede nating matimpla ang kulay ng display niya. Punta lang kayo sa Settings > Display & Brightness > Color Style. Meron itong dalawang preset: Bright-Colored at Original Color. Kung gusto niyo na medyo saturated, piliin niyo lang ang Bright-Colored.
Pagdating sa Screen Refresh Rate Setting, meron itong 120Hz, 90Hz, 60Hz at Auto-switch. Pero andito na naman ang issue natin sa Infinix kapag naka-Auto-switch. Kapag naka-Auto-switch ang refresh rate, from 120Hz bababa siya to 60Hz which is okay. Pero kapag ni-lock natin siya sa 120Hz o 90Hz, bumababa pa din siya ng kusa to 60Hz kapag wala tayong ginagawa o hindi natin ginagalaw ang display. Sana ma-fix siya ng Infinix sa mga susunod na software update.
PERFORMANCE
Naka-XOS 13 ito on top of Android 13. Ang kanyang chipset ay Dimensity 8050. 12GB ang Physical RAM at 256GB naman ang Internal Storage. Kapag in-on naman natin ang kanyang MemFusion, pwede kayong mamili kung 3GB, 6GB o 9GB ang kukuhanin niyong Internal Storage para maging Virtual RAM. Pero again, hindi ko ina-advise na i-on niyo yan kasi 12GB naman na ang RAM nitong Infinix Note 30 VIP.
Tignan naman natin ang Antutu Score na nakuha ko dito sa Infinix Note 30 VIP. Bigyan ko lang kayo ng idea sa naging setting: naka-Auto ang refresh rate, 50% ang bightness at naka-off ang MemFusion. Kapag naka-off ang Game Mode, nakakuha ako ng 698,931 na Antutu Score. Almost 700,000! Kapag naka-on naman ang Game Mode, 674,707 ang nakuha kong score. Medyo strange lang na ang laki ng binaba ng score nung in-on ang Game Mode na kung tutuusin ay dapat tataas ang score. Meron pa akong napansin sa Antutu Score kapag in-on ang Game Mode. Tumaas nga ang CPU Score pero bumaba naman ng kaunti ang GPU Score. Sana ma-fix ng Infinix itong maliit na issue na ‘to sa mga susunod na software update. Pero overall, anuman ang score na nakuha natin, mataas talaga ang score kaya maganda ang performance na maibibigay sa atin ng phone na ‘to.
Na-generate din ng Infinix Note 30 VIP ang lahat ng graphics sa Asphalt 9 at pwedeng-pwede siya sa 60fps na Game Play, kaya optimized siya sa game na ‘to. Lahat ng graphics ay napaka-smooth at halos walang framedrops na mae-experience. Kaya mae-enjoy nating maglaro dito kahit sa mabibigat na games tulad nitong Asphalt 9.
Kahit maganda ang performance niya sa gaming, hinay-hinay pa din tayo sa paggamit ng phone na ‘to kasi from 29°, umabot ito ng 49°. Again, ingat tayo sa phone na ‘to at huwag natin abusuhin ang kanyang performance kasi madedegrade natin ng mabilis ang battery performance nito kung palaging mainit.
CAMERA
Ang kanyang Main Shooter ay 108MP, 2MP ang Depth Sensor at meron siyang AI Camera. Ang kanyang Selfie Camera naman ay 32MP. Pagdating sa quality ng mga photo, sakto lang siya. Walang nakaka-wow sa totoo lang. Minsan okay, minsan di naman okay lalo na kung indoor shots ang gagawin natin. May mga times din na kailangan kong mag-take ng ilang shots bago ko magustuhan ang output. Most of the time, may blurry shots siya lalo na kung hindi masyadong malayo ang phone natin mula sa subject. para sa isang phone, sakto na sana ang layo ko sa subject pero meron pa din siyang blurry sa kanyang sides at sa gitna lang ang malinaw.
Kung outdoor shots naman, mas maganda siya katulad ng ine-expect natin. Nakukulangan lang ako sa contrast at brightness. Yes, gloomy ang weather nung kumuha ako ng sample shots pero mas maliwanag pa sana diyan ‘yung ineexpect kong output. So, for me, pagdating sa photos, hindi ito ang strongest aspect ng Note 30 VIP.
Sa video naman, wala itong stabilization sa 4K. Kung gusto natin ng EIS, magda-downscale siya sa 1080p. Sa 2K 30fps ng selfie camera, wala din siyang stabilization. Pero kung gusto niyong gamitin ang EIS, magda-downscale din siya to 1080p. Para sa presyo niya, okay na okay ang quality nito.
BATTERY
Pagdating sa battery performance, 5000mAh ang capacity at 68W ang wired charging speed at 50W naman kapag wireless charging.
Nakakuha tayo ng 10 hours and 41 minutes na SOT. Pagdating naman sa charging, mabilis siya talaga kasi 52 minutes lang ang inabot sa wired charging from 23%-100%.
Kapag wireless charging naman ang ginamit niyo, gusto ko lang kayo i-remind na talagang iinit siya. ‘Yun naman ang normal behavior ng mga phone kapag naka-wireless charging. Umabot ng 41° ang nakuha kong temperature kapag naka-wireless charging at 29.1° lang kapag naka-wired charging. Makikita niyo ang difference na almost double ng temperature ng wired ang nakuhang temperature kapag naka-wireless charging. kaya talagang mag-iingat tayo lalo na kapag mainit sa location natin. Mas maganda kung huwag na kayong mag-wireless charging kung hindi niyo naman talaga kailangan.
‘Yun na lahat ng information na gusto kong i-share dito sa Infinix Note 30 VIP. Kung kayo ang tatanungin, sa tingin niyo ay sulit ba ang phone na ‘to? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako ang tatanungin, kahit na meron pang dapat i-improve itong Infinix Note 30 VIP sa mga susunod na software update, hindi naman siya deal breaker at maire-recommend ko pa din ito kasi sulit talaga siya para sa presyo niya. Doon pa lang sa Antutu Score at performance pagdating sa gaming, sulit na sulit na siya para sa PHP13,999 na presyo. Maganda din ang display, naka-AMOLED, 120Hz ang refresh rate, meron pang wireless charging at marami pang iba. Kaya para sa akin, sulit na sulit ang phone na ‘to para sa presyo niya!