Samahan niyo ako sa quick review nitong kakarelease lang na Infinix Note 30 4G. Meron itong dalawang variant: 128GB na may price na PHP7,999 at 256GB na may price na PHP8,499. Napakamura niya pero gusto nating malaman kung ano ang pwedeng mai-offer ng phone na ‘to sa atin, sulit ba ito, magagamit ba natin ito sa gaming, at marami pang iba.
UNBOXING
Medyo similar ang box nito sa 5G version. Meron pa ding Note 30 na nakasulat sa box, may nakalagay din na Sound by JBL, 256GB internal storage, 8GB RAM + 8GB MemFusion at 45W All-Round FastCharge. Ang andito sa atin ngayon ay Interstellar Blue.
Pag open ng box, ang unang bubungad ay ang mismong phone na nakabalot sa protected plastic. Meron din itong sim ejector pin, warranty card, tempered glass, rubber case, 45W charging break at USB-A to USB-C cable.
DESIGN
Una sa lahat, napaka-elegante ng itsura ng phone na ‘to para sa presyo niya. Although, hindi natin pwedeng sabihin na napaka-unique ng itsura niya kasi madami na tayong nakita na ganito. Tapos, flat na din ang mga gilid niya. Sa taas, merong makikitang JBL branding, at secondary speaker. Sa ilalim makikita ang main speaker, USB-C port, main microphone at headphone jack. Sa may right side naman makikita ang volume up and down buttons, at powerlock button na fingerprint scanner na din. Sa may left side makikita naman ang sim tray na may micro SD card slot at dual sim slot. Ibig sabihin, expandable ang storage nito at hindi mako-compromise ang dual sim. Sa harap makikita ang punch hole selfie camera at may pre-installed screen protector. medyo makapal ang chin nito compared sa forehead pero hindi sobrang layo ang diperensiya nila.
Sa presyong PHP8,499, dual speakers na ang maibibigay sa atin nito plus Sound by JBL pa kaya talagang maganda ang tunog.
Isa pang kinabiliban ko dito sa Infinix Note 30 4G kahit mura siya ay ang kanyang haptics. Hindi sobrang panget, pwedeng hindi mo siya i-off kasi medyo maganda siya unlike sa ibang budget phones sa ngayon na hindi immersive ang feeling kapag nagva-vibrate siya.
Meron itong 6.78″ IPS LCD FHD+ resolution, 120Hz maximum refresh rate, 580 nits peak brightness at 338 ppi.
Pagdating sa color accuracy, hindi natin pwede i-expect na sobrang accurate niya kasi sobrang mura lang niya. Pero para sa presyo, not bad naman na. At ang maganda pa diyan, meron itong Color Style sa Settings. So, if ever na hindi natin magustuhan ang Color Temperature, pwede natin itong i-adjust. Meron din itong dalawang presets na Original at Bright-colored.
Ito pa ang isa pang nakakabilib. Para sa ganitong presyo, ang kanyang Widevine Security Level ay Level 1 na. Kahit sa mismong Netflix application ay Full HD ang Maximum Playback Resolution. Kaya mae-enjoy natin ang media consumption kahit sa ganitong presyo lang.
Pagdating sa refresh rate, meron tayong apat na option: 120Hz, 90Hz, 60Hz at Auto. Ang isang bug lang na nakita ko dito ay kapag sinelect ko ang 120Hz ay bumababa pa din siya to 60Hz kung kinakailangan. Kaya sana sa mga susunod na software update nito ay ma-fix iyan.
PERFORMANCE
Naka-Helio G99 na ito na chipset, 8GB physical RAM, 8GB MemFusion at 256GB internal storage.
Pwede nating i-enable ang MemFusion niya anytime at pwede tayong mamili sa 8GB, 5GB at 3GB. Pero kagaya ng palagi kong sinasabi, huwag niyong io-on ito kung hindi niyo naman kailangan kasi mako-compromise ang overall performance ng inyong phone.
Pagdating sa kanyang Antutu Score, nakakuha lang naman tayo ng 409485.
Sa Real Racing 3, 60fps lang at hindi tayo nakaka-120fps kaya hindi pa ito compatible sa high refresh rate gaming itong Infinix Note 30 4G. Pero pagdating sa mismong game paly, okay naman siya at walang naging problema. Sa Tuning Club naman, naka-high lahat ang graphic setting pero 60fps lang din ang kaya nito. Pagdating sa performance niya, medyo may struggle na akong na-feel sa kanya dahil mas mabigat ang game na ‘to.
CAMERA
Meron itong 64MP main shooter na may OmniVision OV64B40 camera sensor, 2MP depth sensor, AI camera at 16MP selfie camera. Ito ang mga sample photos:
Sa selfie video recording naman, pwede itong makapag-record ng 2K 30fps. Kung gusto naman natin maging stable ang selfie video, pwede nating i-enable ang EIS pero bababa lang ang resolution to 1080p.
BATTERY
Meron itong 5000mAh at 45W ang charging speed. Sa result naman ng Wild Life Stress Test, 5% lang ang nabawas after ng mabigat na test na ‘to at 3°C lang ang tinaas ng thermals niya. Hindi alarming ang result na nakuha natin kaya kahit magpatakbo tayo ng mabibigat na application o game dito, hindi natin poproblemahin ang thermals o overheating.
Para maextend pa ang battery health nitong Infinix Note 30 4G at para maiwasan ang pag-init ng phone kapag nagg-games tayo habang naka-charge, meron itong Bypass Charging. So, imbis na sa battery laging napupunta ang chare na nagko-cause ng init, mapupunta ito mismo sa ating phone.
Kung kayo ang tatanungin, sulit ba ang phone na ‘to para sa inyo? Comment kayo diyan sa baba.
Kung ako naman ang tatanungin, yes na yes! Sulit talaga siya kasi for less than PHP9,000, napakadaming features na ang makukuha natin dito. Kung gusto niyo itong bilhin, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cliuq6y