Ito ang slimmest budget gaming phone na may G100 chipset at 5-year TUV fluency. Ito yung isa sa pinakaunang kinabiliban ko, ito ang Infinix HOT 50 Pro+. Unbox natin ito at ibibigay ko yung first impression ko pati na ang specs ng phone. Abangan ninyo yung full review ko kung saan ibibigay ko yung AnTuTu score, ilang SoT, gaano kabilis ma-charge, mga sample photos at videos, at gaming test.
Unboxing
Kagaya ng ibang Infinix phones ay may green accent ito. Isa sa pinagmamalaki nila sa phone na ito ay yung 6.8mm na nipis ng phone. Makikita rin natin ang ilang sa mga specs ng phone. Pag-open, makikita natin yung HOT 50 Pro+. Ang ganda, napaka-premium ng itsura, at sobrang nipis talaga. Sa ilalim ng box ay may hard case na expose sa ilang part pero protected naman ang phone. Meron ding documentation, tempered glass, 33W charger na USB-A port, USB-A to USB-C cable, at SIM ejector pin. Nakakatuwa na nagsama sila ng tempered glass dahil mahirap makahanap ng tempered glass para sa isang curved display.
Design
Balikan natin yung pagiging manipis ng phone, to be exact, 6.88mm yung nipis ng phone na ito. Ini-compare ko ito sa pen, USB-A cable, relo, at iPhone 15 Pro pero mas manipis pa rin itong HOT 50 Pro+. Naging possible yung pagiging sobrang nipis nitong HOT 50 Pro+ dahil sa dalawang technology na ginamit ng Infinix. Yung una ay yung Titan Wing Architecture at Titan Armor Protection. Dahil sa Titan Wing Architecture ay naging possible yung pagiging sobrang nipis at sobrang gaan nitong phone. Yung weight nito ay 162 grams lang. Sa ini-compare nating iPhone 15 Pro, mas mabigat at mas makapal ang iPhone 15 Pro kaysa sa Infinix HOT 50 Pro+. Pero considered na as magaan itong iPhone na 187grams.
Tapos yung nabanggit ko kanina na 5-year TUV SUD certification nitong phone ay magbibigay ng smooth and consistent performance for up to 5 years. Ibig sabihin, hindi magde-degrade yung performance ng phone kahit umabot pa ng limang taon. Dahil din sa Titan Armor Protection na ginamit sa phone ay meron itong high density battery pero manipis pa rin. Kapag sinabing high density battery ay malaki pa rin yung capacity pero manipis yung form factor. 5000mAh pa rin yung capacity nito pero napanatili nilang manipis. Meron din itong IP54 na rating, matalsikan man ng tubig ay hindi ito papasukin ng tubig o alikabok.
Display
Meron itong 6.78″ AMOLED, 120Hz, 360Hz na TSR, 100% DCI-P3 color coverage, at Corning Gorilla Glass protection. Under Php9,000 yung presyo ng phone na ito pero hindi lang yung design at form factor yung makukuha nating value pati na rin yung napakagandang display nito. Almost flagship level yung makukuha nating quality ng display. Kaya kapag nag-play tayo ng 4K videos ay maganda yung quality at ang ganda ng kulay. Color accurate talaga dahil sa 100% DCI-P3 yung color coverage nito.
Sa display settings may option na High Brightness Mode para sa brightness kapag outdoor. Color style settings na may dalawang option; Bright colored or Original color. Naa-adjust din yung color temperature. Yung screen refresh rate ay may tatlong option; 120Hz, 60Hz, at Auto switch. Makikita ninyo sa Test UFO na naka-60fps ito kapag hindi ginagalaw ang display pero once na galawin ay magiging 100+fps. Talagang adaptive ang refresh rate at maga-adjust depende sa ginagawa natin.
Sa settings > special function, present pa rin yung Dynamic Bar. Meron itong parang Dynamic Island sa taas kapag may call, notification, charge, at iba pa.
Performance
Naka-XOS 14.5 na ito out of the box, Android 14, Helio G100 yung chipset, 8GB physical RAM, up to 8GB Virtual RAM, at 256GB internal storage. Baka isipin natin na walang halos pinagkaiba sa G99 yung Helio G100. Meron kasi nasa 4% yung performance boost at mas matipid sa battery yung G100 compared sa G99. Abangan ninyo sa full review kung anong epekto sa performance kapag naka-on at naka-off ang MemFusion. Kung maglalaro tayo sa Infinix HOT 50 Pro+, kapag may in-open tayong game ay swipe lang natin para ma-open yung X-Boost feature para ma-select kung anong klaseng performance yung gusto natin.
Camera
Meron itong 50MP na main camera, 2MP na depth sensor, Auxiliary camera, at ang Selfie camera naman ay 8MP.
Ito ang mga sample photo:
Ito ang sample video screenshot:
2K 30fps ang video recording sa selfie camera nitong HOT 50 Pro+. Meron itong Ultra Steady kung gusto natin ng EIS pero magdo-downscale ito to 1080p 30fps. Ganun din sa rear camera. Pagdating sa video quality ay sharp naman yung quality. Nasa cool side lang yung temperature kaya medyo blueish yung kulay pero okay naman yung skin texture dahil hindi soft ang kuha. Okay naman ito at magiging maganda pa yung quality kung gagamit tayo ng gimbal.
Battery
Meron itong 5000mAh, 33W yung charging speed, at aabot ng 4 years ang battery health nitong HOT 50 Pro+. Sa isang charge ay nasa 10 hours of TikTok yung pwede nating ma-play bago maubos. Pero para sa actual SoT ay abangan ninyo sa full review. Good news dahil may Bypass Charging ito at may Charging Speed option din. Kung hindi tayo nagmamadali ay piliin lang natin ang Low Temp Charge option para hindi uminit ang phone pero pwede rin namang Smart Charge.
Conclusion
Overall, na-impress ako sa Infinix HOT 50 Pro+ na under Php9,000 ang presyo pero ang nipis, ang ganda ng display, decent performance, at maganda rin yung battery life. Abangan ninyo yung full review ko sa phone na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllsyg0
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: