Drop Test
Marami yung nagsabi sa inyo na dahil sa sobrang nipis ng phone na ito ay baka na-compromise na yung durability or yung tibay. Ido-drop test natin ang phone from pocket level para mas realistic. May slomo camera ako para makita ninyo yung impact sa sahig. Dalawang beses ko binatawan ang phone pero working pa rin at walang dents.
Tinutukan natin sa nakaraan yung unboxing at first impression nitong Infinix HOT 50 Pro+. Grabe yung nipis ng phone na ito na 6.88mm ang nipis. Sa nipis nito ay nakakabilib na napagkasya pa rin ng Infinix yung malaking battery capacity, magandang chipset, magandang camera, pero at the same time ay matibay na phone. Paguusapan natin ngayon yung overall performance nitong Infinix HOT 50 Pro+. Kasama na yung gaming test, battery performance, SoT, at charging time.
Price
Nasa baba ang link para ma-check mo yung updated pricing nitong phone.
Sound by JBL yung dual speaker ng phone at pagdating sa max volume ay hindi ako nabitin. Kahit naka-max volume ay maganda pa rin yung tunog at hindi sabog. Maganda rin yung separation ng left and right at hindi ganun kalaki yung difference nung secondary speaker sa main. Goods na goods yung speaker quality. Sa haptic feedback naman ay sakto lang sa presyo. May tatlong colorway itong HOT 50 Pro+; Sleek Black, Titanium Gray, at Dreamy Purple.
Display
Specification:
Level 1 yung Widevine Security nito at ang max playback resolution ay Full HD. Talagang mae-enjoy natin yung curve AMOLED display ng phone na ito. Ang ganda ng refresh rate behavior nitong HOT 50 Pro+. Sa TestUFO, nasa 60Hz kapag naka-stay ang display pero kapag ginalaw ay tataas ito. Ang laking tipid sa battery kapag ganito ang behavior.
Pagdating sa display setting ay makikita natin na meron itong High Brightness Mode. Sinubukan ko sa outdoor yung display habang naka-on ang High Brightness Mode at kitang-kita pa rin. Meron pa itong Color style na may dalawang preset; Bright-colored at Original color. Pwede rin natin ma-adjust yung color temperature. Pagdating sa screen refresh rate setting ay may tatlong option; 120Hz, 60Hz, at Auto Switch.
Ang maganda pa sa phone ay kahit under Php9,000 ay pantay na pantay yung curve bezel ng phone. Nakakabilib na napagkasya nila sa ganitong kanipis na form factor, ganito kagaan, at ganito kamurang presyo.
Performance
Specification:
Ang AnTuTu score na nakuha natin kapag naka-on ang MemFusion or Virtual RAM ay 435890. Kapag naka-off ay tumaas ng kaunti lang, 435960. Advice ko, gamitin niyo yung virtual RAM kasi malaking tulong ito at compliment sa performance. Pagdating naman sa thermals at battery consumption, makikita ninyo sa Wild Life Stress Test na nabawasan ito ng 3% sa battery at 1°C ang nadagdag sa temperature. Nakakabilib na maganda yung magiging thermals kahit manipis yung phone. Usually, sa mga phone na ganito yung form factor ay damang-dama natin yung pag-increase ng temperature after ng Wild Life Stress Test.
Makikita natin sa Asphalt 9 na goods yung performance, walang frame drops, lag, at hindi natin nafe-feel na nahihirapan ang phone. Pero hindi nito na-generate lahat ng graphics. Kaya pagdating sa graphics ay hindi natin ie-expect na magiging sobrang ganda yung makikita natin sa HOT 50 Pro+. Pero pagdating sa mismong performance ay okay ang phone at pasadong-pasado sa casual gaming. Try naman natin ito sa PPSSPP.
Gusto ko lang i-mention na sobrang swak sa phone itong GameSir controller na ginagamit ko. Highly recommended tong controller na ito dahil hindi na kailangang i-charge at walang latency dahil naka-connect sa USB-C. Sa settings, makikita ninyo na naka 4x 1080p yung rendering resolution, Texture Filtering ay naka 16x Anisotropic Filtering, at Texture filtering ay Auto Max Quality.
Sa First game na open world, smooth naman ang galawan at nakaka-30fps ito. Next game ay okay pa rin ang galaw. Pagdating sa emulation ay hindi tayo makaka-feel ng struggle sa HOT 50 Pro+. Casual gaming ay walang problema sa phone na ito.
Camera
Specification:
Lahat ng makikita ninyong sample photo sa rear camera ay naka-50MP na mode. Para makita talaga natin yung maximum quality na kaya ng main camera.
Ito ang mga sample photos:
Kung quality ang usapan ay papasa naman sa mata ko itong camera ng phone. Detailed at tamang-tama lang yung sharpness. Meron din tayong makikitang natural depth kaya naka-bokeh yung likod ng subject. Tingin ko ay hindi na kakailanganin na mag-switch pa palagi sa Portrait Mode. Hindi na ganun ka-natural yung edge detection sa buhok kapag naka-Portait Mode. Kung gusto natin ng natural looking bokeh ay enough na enough na yung 1x na 50MP.
Ito ang mga sample video screenshot:
Pagdating naman sa video capabilities ng phone ay up to 2K 30fps yung pwede natin makuha. Pero yung makikita ninyo ay maalog talaga. Malaki yung difference ng stabilization ng 2K 30fps sa 1080p Ultra Steady. Pero mas maganda yung quality kapag naka-2K 30fps. If ever na meron tayong gimbal ay mas okay. Ganiyan din yung case sa selfie video recording.
Battery
Specification:
Ang SoT na nakuha natin ay 13 hours and 1 minute. Hindi impressive pero good enough. Makaka-last naman ito ng isang buong araw sa atin. Sa charging time naman ay from 20% to 100% ay 2 hours and 5 minutes ito na-charge.
Conclusion
Sa tingin niyo ba ay sulit itong Infinix HOT 50 Pro+ para sa presyo? Kung ako ang tatanungin, sulit ito at madali ko itong mare-recommend. Kung meron man akong gustong i-improve sa phone ay yung battery performance. Sa mga sususnod na software updates ay sana ma-address nila yung battery performance. Overall, sa ngayon ay mare-recommend ko ito. Maganda yung itsura, manipis, magaan, madaling gamitin, maganda yung display, okay yung camera, at okay yung performance. Maganda rin yung speaker ng phone. Iyan yung ilan sa nagustuhan ko sa Infinix HOT 50 Pro+.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllsyg0
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: