Price
Minsan, nagsa-sale ang Infinix Hot 40 Pro kaya mas maganda ay i-check mo ang link para sa updated price.
Unboxing
Kapag tini-tilt natin ang box ng phone ay may makikita tayong words na lilitaw, “Fast and Fun“. Pag-open ng box, unang makikita ay ang phone na nakabalot sa printed plastic. Sa ilalim ng box ay may SIM ejector pin, warranty card, case, 33W charging brick na USB-A ang port, at USB-A to USB-C cable.
Design
Sa taas ng phone makikita ang secondary speaker. Sa left side naman ang SIM tray na may dedicated SD card slot at dual SIM. Sa right side naman ang volume button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa ilalim ang main speaker, USB-C port, main mic, at headphone jack. Naka-punch hole selfie camera na rin ito at may pre-installed na screen protector. Pagdating sa bezel ng phone ay mas makapal ang chin compared sa ibang sides.
Ang ganda ng back ng phone. Matte finish at smooth naman ang texture. Nagbabago ng kaunti ang kulay kapag tini-tilt natin. May pagka-brush finish ang patterns ng phone. Napakalaki rin ng camera module at parang iPhone. Flat ang sides ng phone at smudge magnet. May Magic Ring ang phone at lilitaw sa bandang camera side. Sa fingerprint scanner, subtle lang ang animation at reliable naman ang pag-scan. Sa quality naman ng speaker, okay naman at hindi nakakabitin ang max volume, mas immersive kasi dual speaker na. Natitimpla rin natin ang equalizer sa settings.
Display
Specification:
Okay na okay pa rin ang kulay at hindi na masama. Hindi tayo mage-expect ng true to life colors kasi entry level lang ito pero mage-enjoy pa rin tayo. Ang Widevine Security Level ay Level 1. Sa Netflix, ang Max Playback Resolution dito ay Full HD. Sa Refresh Rate naman ng phone, bumaba naman ito kung kinakailangan kapag naka-auto.
Performance
Specification:
Ang Antutu score ay 422705, not bad para sa less than Php8,000.00 na phone. Ang settings niyan ay naka-50% brightness, naka-auto ang refresh rate, at naka-game mode ang Antutu. Test natin ang phone sa CarX Street, sa graphics settings ay hanggang 4 lang ang kaya. Hindi natin masasagad ang graphics settings dito sa game pero decent naman ang graphics. Test din natin sa SpongeBob – Cosmic Shake, high lang ang max settings dito at hindi kaya ang epic settings. Hindi naman struggle ang phone pero i dont think na nakaka-120fps tayo dito. Hindi naman lag at kayang-kaya naman. Kaya naman ng phone ang mabibigat na games pero hindi lang max ang graphics.
Battery
Sa WildLife Stress test, nabawas sa battery ay 5% at nadagdagan ng 4 degrees Celcius sa temperature. 5000mAh naman ang battery capacity nito at 33W ang charging speed. Meron din itong reverse wired charging. Nasa mga 13 to 16 hours ang SoT depende sa paggamit natin.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photo screenshots:
Ito ang sample video sreenshots:
Sharp naman ito sa pag-auto focus. Impressive naman ang quality at wide pa ang video. May LED flash din ito kung sakaling madilim ang paligid natin.
Verdict
Sulit ba itong Infinix HOT 40 Pro? Para sa akin, suli ito. Recommended ko ito sa mga naghahanap ng budget friendly android phone na maganda ang specs. Para sa akin ang pinaka-highlight ng phone ay ang 120Hz na display, 108MP na main shooter na maganda naman ang quality, at 256GB na ang internal storage.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkixg5
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: