Kung di mo pa napapanood ang Unboxing at First Impression ko dito sa Hot 20S, click mo lang itong link: https://youtu.be/nXKVEY5XgU8
PHP8,499 lang itong Infinix Hot 20S pero pwede niyong icheck ang link na ‘to: https://invol.co/clf822i Malay niyo discounted price ang maabutan niyo tulad nung nagcheck ako ng nakaraan, less than PHP8,000 na lang siya. Ang tindi talaga!
DESIGN
Katulad ng nabanggit ko sa Unboxing, ayoko ng glossy phones. Kung wala akong choice, lighter color talaga ang pipiliin ko. Yes, maganda ang design nitong Hot 20S to the point na aakalain mong more than PHP10,000 pesos siya. Pero dahil black ang nasa akin tapos glossy pa, sobrang kapitin talaga ng alikabok at fingerprints. Kaya suggestion ko, white na lang ang piliin niyong kulay. Pero overall, very modern ang design. Thumbs up sa Infinix kasi hindi nila kinompromise ang design kahit sobrang mura nitong Hot 20S.
DISPLAY
1080p 120Hz ang display nitong Hot 20S. Ulitin ko lang din, sobrang cool kasi ang dami nitong option sa refresh rate na dapat i-adopt ng ibang brand kasi habang mas nagiging familiar ang mga consumer ngayon sa refresh rate, mas nagiging in-demand din ang iba’t-ibang setting ng refresh rate. Halimbawa, okay na sa akin ang 90Hz pero ‘yung iba, mas okay sa kanila ang 60Hz lang para tipid sa battery. Kaya isa ito sa mga nakaka-proud na bagay dito sa Hot 20S. Pero if ever na ilagay natin sa Auto ang refresh rate, makakatipid pa din tayo sa battery kasi kusa naman siyang bababa sa 60Hz kung talagang kailangan.
BATTERY
Malaki din ang effect niyan sa battery performance. Kapang naka-120Hz tayo, 12 hours & 6 minutes ang inabot. Kapag 90Hz, 10 hours and 47 minutes. Kapag 60Hz, 13 hours and 34 minutes. At kapag naka-Auto, 13 hours and 14 minutes. Dalawang bagay ‘yung mapapansin natin. Una, ang pinakamagastos sa battery life ay ‘yung 90Hz which is weird. Ikalawa, konti lang ang difference ng battery consumption ng 60Hz at Auto kaya kung ako sa inyo, mag Auto refresh rate na lang kayo. Sa totoo lang, nakulangan ako sa 13 hours na nakuha natin kasi ine-expect ko na 15 hours sana ang SOT. Pero malaking factor kasi talaga ‘yung Helio G96 na chipset ng phone na ‘to kasi medyo aggressive talaga ang chipset na ‘yan.
Pagdating sa charging, from 17%-100%, 1 hour and 19 minutes ang inabot.
PERFORMANCE
Speaking of performance, nag-excel talaga dito ang Hot 20S. hindi mo aakalaing ganito kaganda ang performance nito kasi nga PHP8,499 lang ang SRP.
Halimbawa, dito sa Rush Rally 3, sagad ang ang graphics settings pero aabot pa din ng 40fps ang game play natin paminsan-minsan. Sa Asphalt 9 naman, halos lahat ng graphics na-generate niya at bihira pa ang lag at framedrops. Very impressive ‘yan. Sinubukan ko din siya sa Ark:Survival, kaya niya naman ang Epic Settings o sagad na resolution pero medyo struggle talaga kaya Medium Settings lang tayo at naging smooth naman ang performance. Overall, very capable sa gaming itong Hot 20S pero huwag natin kakalimutan na PHP8,499 lang ito kaya meron pa din siyang limitations. Hindi pa din flagship level ang performance niya pagdating sa gaming.
Very decent din ang nakuha natin na mga Antutu Scores. Kapag naka-60Hz tayo, nakakuha tayo ng 343,912. Kapag 90Hz, 334,069. Kapag 90Hz, 340,464. At kapag naka-Auto, 340,802. Kung gusto natin ng kaunting push sa performance, doon na lang tayo sa 60Hz. Tipid na sa battery, hindi pa siya madaling uminit.
Tinest sa Wildlife Stress Test itong Hot 20S habang naka-Auto lang ang refresh rate. Hindi ako ganun ka-happy sa result kasi from 34°C, pumalo siya ng 40°C. Inulit ko pa ‘yung test para sure. From 30°C naman, umabot ng 41°C. Medyo alarming talaga yan kaya inulit ko pa ng isa pang beses at this time, naka 60Hz lang siya. Pero halos ganun pa din, from 31°C umabot ng 41°C. Para sa akin, borderline alarming heat na talaga ‘yan! Buti na lang may nilagay na Cooling System dito ang Infinix kaya kung tutuusin, controlled na ang temperature na ‘yan. Suggestion ko, hinay-hinay pa din tayo sa paggamit sa phone na ‘to.
CAMERA
2K 30fps ang pinaka-sagad na resolution ng video selfie camera which is same sa resolution ng camera niya sa likod. Napaka-decent ng kanyang quality, wala akong maireklamo sa kanya kasi kagaya ng sinabi ko kanina, PHP8,499 lang ito at sobra-sobra ang 2K resolution para sa video recording ng selfie camera. Although, wala tayo ditong stabilization which is, again, okay lang kasi nga mura lang ito. Gusto ko ding malaman ang opinion ninyo, okay ba sa inyo ‘yung quality ng camera? Comment kayo diyan sa baba!
Makikita niyo din sa image samples ng kanyang 50MP rear camera na decent din ang quality. Hindi mo iisipin sa unang tingin na kuha lang ‘yan sa PHP8,499 na phone. Sa super night mode, na-enhance niya ‘yung image na kuha sa low light condition. Makikita ninyo na mas okay ang quality kapag naka-super night mode tayo. Overall, pagdating sa camera, satisfied na satisfied ako lalong-lalo na ‘yung 50MP at Super Night mode.
Sa video recording naman ng rear camera, 2K 30fps din at ang pinakasagad na zoom na pwede nating gawin ay 10x. Digital lang ‘yan at wala itong stabilization sa rear camera.
CONS
- Design – very subjective lang naman ‘yan kasi ayaw ko ng glossy phone. Sana matte finish naman ang ibang part ng phone sa susunod na alteration nitong Infinix Hot 20S
- Bloatwares – pwede naman natin i-uninstall ‘yung mga application pero sana dumating ‘yung time na Stock Android feel na ang experience natin sa mga Infinix phones in general.
Overall, mare-recommend ko ba itong Infinix Hot 20S? Easy answer, yes na yes! Ang gandang phone nito para sa PHP8,499 na price. Plus, wala din akong nakitang major issue sa 3 weeks na nasa akin ang phone na ‘to. So kung naghahanap ka ng budget gaming phone o phone na less than PHP9,000 pero maganda ang performance, mare-recommend ko itong Infinix Hot 20S. Para sa updated price, click mo lang itong link: https://invol.co/clf822i