Less that PHP9,000 lang itong Infinix Hot 20S na may 120Hz refresh rate, 5000mAh battery capacity, 8GB RAM, 128GB ROM at 50MP Main Camera. Talagang eksaktong-eksakto ‘yung slogan ng Infinix sa kanilang Hot 20series na “More than what you pay for”. Na-launch ito ng Infinix noong November 27, 2022 at nagkaroon din ito ng First Sale Exclusive on Lazada noon November 28-30, 2022.
UNBOXING
Kapag natamaan ng ilaw ‘yung box ng Infinix Hot 20S, merong words na lilitaw na “Fast and Fun”. Sa bandang baba naman ng box, merong text na nakasulat na Helio G96 processor which is ‘yung kanyang chipset at 120Hz FHD+ HyperVision Display.
Pagkabukas natin ng box, makikita natin agad ang Hot 20S na unit. Ang nandito sa akin ngayon ay ang Sonic Black na super reflective, super glossy at sobrang kintab. Kapag natatamaan siya ng ilaw, meron siyang pattern na nabubuo na akala mo may texture itong Hot 20S pero sa totoo lang ay wala. Sa ilalim ng box, makikita naman ang documentation, jelly case, 18W charger break, USB-C to USB-A cable at sim ejector pin.
Sa may right side, volume up and down buttons ang makikita natin pati na rin ang fingerprint scanner na powerlock button na rin. Sa left side naman makikita ang sim tray na pwede ang dalawang sim at micro SD Card (12GB ang pinaka-sagad ang pwede nating ilagay). Sa ilalim, makikita naman ang USB-C port, main microphone, headphone jack at speaker. Sa harap, meron siyang punch hole selfie camera na nasa gitna at meron na din itong naka-install na screen protector.
Ang first impression ko sa overall na itsura nitong Infinix Hot 20S is papasa naman sa akin kung PHP9,000 o PHP10,000 ang presyo nito. Meron siyang konting kapal sa bandang chin compared sa forehead which is okay na okay sa akin dahil sa presyo niya. Kahit na notch ang ilagay nila sa selfie camera, pasado pa din sa akin dahil sa presyo niya kasi meron tayong makikitang mga phone na naka-punch hole selfie camera pero umaabot ng PHP20,000.
Gusto ko ding i-mention na itong Hot 2S ay hindi lang compatible sa 2.4GHz kundi sa 5GHz Wifi connection. Hindi natin iyan na-experience dati sa mga ganitong presyo ng phone. Kung gusto natin ng 5GHz connection, baka lumampas tayo sa PHP10,000. Pero ngayon, less than PHP9,000 na lang.
DISPLAY
Meron itong 6.78″ FHD+, 120Hz refresh rate kung saan ang tawag dito ng Infinix ay HyperVision Gaming-Pro Display with Variable Refresh Rate, at 240Hz and Touch Sampling Rate.
Kapag tinignan natin ang Refresh Rate nitong Hot 20S, hindi lang dalawa kundi apat na option ang ibibgay sa atin. Meron itong Auto, kung saan OS na ng Hot 20S ang magde-decide kung anong refresh rate ang bagay sa ginagawa natin. Pwede din itong i-lock sa 60Hz, 90Hz at 120Hz. Kaya hindi tayo mabibitin sa settings ng refresh rate.
Kapag tinignan naman natin ang settings sa Display, wala tayong makikitang option na pwede nating mabago ang timpla ng kulay pero nakita ko sa website ng Infinix na dadating ang software update para ma-calibrate natin ang kulay ng kanyang display.
Isa pang good news dito sa Hot 20S ay Level 1 ang kanyang Widevine Security kaya makakapanood tayo ng mga HD content sa mga streaming services.
PERFORMANCE
Naka-XOS V12 at naka-Android 12 na din, Helio G96 ang chipset, 8GB LPDDR4X RAM na may additional 5GB Virtual RAM at 128GB internal storage. Abangan niyo sa Full review ang apat na Antutu Scores na nakuha ko dito sa Hot 20S. Pero para magkaroon kayo ng idea sa performance nito, magbibigay ako ng isang Antutu Score. Nakakuha tayo dito ng 334,340. Para sa less than PHP9000 na phone, mataas na talaga ang score na yan. Pero hindi ito ang pinakamataas na phone na nakuha ko sa phone na ‘to.
Ishe-share ko din sa Full Review ang naging experience ko sa gaming nitong phone na ‘to. Isa sa mga main highlight ng Infinix sa Hot 20S ay ang bagong-bagong Cooling System na kung saan ang tawag nila ay Bionic Breathing Cooling System. Titignan natin sa Full Review kung effective ba talaga ang cooling system na yan sa Hot 20S kasi alam naman natin na medyo aggressive talaga ang performance ng Helio G96.
CAMERA
Meron itong 50MP main shooter, 2MP depth sensor, 2MP macro lens at 8MP selfie camera. Abangan niyo sa Full Review ang iba pang samples ng mga kuha dito sa Hot 20S. Pasadong-pasado din ang quality ng 2K video recording ng selfie camera nitong Hot 20S. Pero kung kayo ang tatanungin, pasado na ba sa inyo ang ganitong quality para sa less than PHP9,000? Comment kayo diyan sa baba!
BATTERY
5000mAh ang battery capacity nitong Infinix Hot 20S at capable siya sa 18W na fast charging. Sa full review, ishe-share ko sa inyo ang SOT na nakuha ko dito para magkaroon kayo ng idea kung okay ba ang battery life niya. Pero again, para magkaroon kayo ng idea, bibigyan ko kayo ng isang result: 12 hours & 6 minutes. Abangan niyo din sa full review ang kaniyang charging speed.
Comment kayo sa baba kung anong masasabi niyo sa phone na ‘to para sa presyo niya. Para sa akin grabe ‘tong phone na ‘to! Siksik na siksik sa specs at sa ngayon, ito ang best budget gaming smartphone ng Infinix under PHP9,000. Kung meron man akong naencounter na issue or cons, sasabihin ko lahat ‘yan sa Full Review.