Isa sa mga phone brand na alam nating gumagawa ng gaming focus phone ay ang Infinix. Pinasok na rin nila kahit ang paggawa ng gaming laptop. At ang pinakauna nilang gaming laptop ang paguusapan natin, ito ang Infinix GTBOOK. Hindi ito ang first laptop nila at meron na silang mga laptop before. Pero pagdating sa gaming, ito ang pinakauna. Ang simple lang ng name ng Infinix GTBOOK at siguro sa susunod ay meron na itong kasunod na number gaya ng GTBOOK 2, 3, etc.
May dalawang itong configuration. Unang configuration ay Intel i5, 16GB RAM, 512GB SSD, at may RTX 4050 na dedicated GPU. Ang current price nito as of writing this article, ay Php64,999. Pero ang ire-review natin ngayon ay ang highest configuration na Intel i9, 32GB RAM, 1TB SSD, at RTX 4060 naman ang dedicated GPU. As of writing this article, ang presyo nito ay Php84,999.
Alam natin na ang Infinix ay makamasa ang presyo. For the most part, talagang mura yung mga phones nila. Itong gaming laptop, masasabi ko na nasa tamang presyo pa rin. Kasi ang ganda ng specs nito, i9, tapos may dedicated ka nang GPU, tapos 32GB pa ang RAM, at para sa akin, saktong-sakto lang ang presyo. Tingnan niyo muna ang buong specs, mga nakuha kong benchmark, at sa pag-test ko sa laptop parra makapag-decide kayo kung ito na ang gaming laptop na hinahanap mo.
Unboxing
Pagdating sa akin ng Infinix GTBOOK ay naka-crate ito kaya ginamitan ko ito ng martilyo para mabuksan. Makapal ang box ng GTBOOK kasi kapag in-open ay dalawa yung box sa loob, isang para sa laptop at isa para sa mga peripherals. Unahin natin itong box ng peripherals, pag-open ay nandito yung gaming mouse, gaming headset na napakalambot ng cushion at mayroong controls sa volume at iba pa, at desk mat or mouse pad na may RGB light.
Open naman natin ang mismong box ng GTBOOK, napakalakas ng gaming vibes ng box pero hindi ito exaggerated kaya nagustuhan ko pa rin. Pag-open, may makikita tayong maliit na box na sa loob ay may power cable at napakalaking charger na 210W. Sunod naman ang GTBOOK na nakabalot at may kasamang manual. Ang ganda ng design ng laptop na ito, very unique, simple lang, elegante pero gaming na gaming yung itsura.
Design
Una kong na-notice sa laptop na ito ay yung almost full circle na logo sa gitna sa may likod. Para itong may RGB LED pero hindi, kapag natamaan ng ilaw ay may rainbow effect na mabubuo. Ang ganda pa rin at napaka-professional pa rin tingnan. May makikita rin tayong patterns sa bawat edge at sa kabilang edge ay may makikita rin tayong Infinix GTBOOK na branding. Sa likod ng laptop ay meron kayong makikitang RGB lighting at pwede natin ito ma-set. Napakalaki ng exhaust nito sa likod at ang ganda ng ilalim nito. Sobrang astig dahil nilagyan nila ito ng orange accent. Actually, noong una ay naiisip ko, bakit kaya orange yung napili nilang kulay kasi ang color scheme ng Infinix ay yellow green? Kung yellow green sana yung color nung mesh sa ilalim ay mas okay sana. Pero for the most part, nagustuhan ko pa rin kahit bright orange yung napili nilang kulay.
Kapag tinitigan niyo ng mabuti yung mesh or exhaust sa ilalim, makikita niyo na nandun yung ating speaker at iba pang mga kailangan para sa cooling system. Speaking of cooling system, meron itong dalawang fan at dalawang pipe. Malaking tulong ito para hindi mabilis uminit at hindi magkaroon ng CPU throttling ang GTBOOK habang naglalaro tayo sa full performance mode. Meron din itong webcam at napaka-classic naman ng pagkaka-pwesto at ng itsura.
Ito ang sample webcam video screenshot:
2.1MP ang meron tayo sa webcam at 1080p/30fps yung pinakasagad na video recording na pwede nating magawa. For a webcam ay okay na okay na ito. Maayos naman ito basta sapat yung liwanag na meron tayo sa room. Ngayon nasa labas ako kaya mas okay yung liwanag. Pero ibang usapan na kapag nasa loob tayo ng bahay. Make sure niyo lang na maganda yung ilaw kapag nagvi-video call gamit yung built-in webcam nitong GTBOOK. Pero I suggest na gamit pa rin kayo ng external para mas maganda yung quality.
Pagdating naman sa keyboard, full size or 100% yung keyboard at may numpad sa right side. Malaking tulong ito sa gagamit ng laptop for office works. Maganda yung pagkaka-layout or key travel nito kaya mas feel na feel natin yung pagta-type although hindi pa rin ito mechanical. Yung apat na letters sa left side for gaming purposes ay merong borders. Meron ding RGB lighting yung keyboard. Pero sa totoo lang, kapag nasa labas tayo o kaya ang liwanag ng environment natin ay hindi natin masyadong ma-appreciate yung RGB lighting sa keyboard. Might as well na i-off na lang natin kung lagi naman tayong nasa maliwanag na environment o hindi naman talaga natin kailangan.
Sa right side sa may bandang taas, meron tayong makikitang tatlong dedicated buttons para sa performance mode. Meron itong office mode, performance mode, at gaming mode. Pwede natin pindutin for easy access ang bawat isa sa mga iyan. Napansin ko rin na hindi ito kalaking tulong dahil hindi natin malaman kung ano ang status ng performance. For example, kapag pinili natin ay ang office mode ay wala itong indicator sa keyboard kung ano yung current na performance profile na napili natin. Manghuhula tayo or bubuksan natin yung companion app. Sana sa susunod na alteration nitong GTBOOK, kahit isang button lang tapos nag lo-loop na ito at may indicator. Or dahil RGB naman yung backlit nitong keyboard ay pwede siguro na ang button for performance profile ay nagbabago yung kulay depende sa mode na napili natin.
Yung trackpad nito ay saktong-sakto lang din ang laki. Hindi sobrang laki na parang naka-MacBook Pro ka na kasyang-kasya yung limang daliri natin. Saktong-sakto lang ito at hindi sobrang laki pero hindi rin naman natin masasabi na kapos. Yun nga lang ay mapapansin niyo na kahit saan tayo tumingin sa keyboard at trackpad ay walang fingerprint scanner. And for Php84,999, para sa akin ay medyo disappointing na walang kahit anong biometrics or Windows Hello. Kahit sana yung 3D or infrared na webcam para sa face detection or kahit simpleng fingerprint scanner ay sana naglagay sila. Sa susunod siguro na alteration ng GTBOOK ay makikita natin ito.
Pagdating naman sa ports, sa left side ay makikita natin yung DC-in para sa charger, HDMI 2.0, USB-A 3.2, at USB-C for charging. Sa may right side naman ay makikita natin yung Kensington lock, USB-A 3.2 ulit, audio jack, at dedicated na SD card. At dito talaga ako natuwa dahil maraming video editors ang talagang magugustuhan ang laptop na ito dahil sa specs at napalaking plus na meron itong SD card reader. Pero according sa website ng Infinix, ang dalawang USB-A 3.2 ng GTBOOK ay version 1 at version 2. At hindi natin masabi kung sa left side or right side ang version 1 or version 2 dahil parehas itong color black. Ang isa pang disappointing sa ports ng GTBOOK ay wala itong LAN port. Napakaimportante sa maraming gamers ngayon na meron sana itong LAN port. Ang pwede na lang nating gawin ay bumili ng USB dangle para magamitan natin ng LAN port.
Display
Meron itong 16″ IPS LCD, 1920×1200 resolution, 120Hz max refresh rate, at ang aspect ratio ay 16×10. Dahil 16×10 ang aspect ratio ng laptop ay mas malaki-laki yung screen real estate. Yun nga lang, kapag manonood tayo ng movies ngayon na 16×9 yung aspect ratio ay magkakaroon ito ng black bars sa taas at baba. Anyway, dahil gaming laptop ito ay okay naman iyun. Tapos, ang isa pang nagustuhan ko sa display nitong GTBOOK ay matte ang screen. Kahit na nakaharap ang laptop sa maliwanag na ilaw ay hindi magkakaroon ng nakaka-distract na reflection yung display kaya plus ulit iyun. Ang isa pa sa maganda sa display nitong GTBOOK ay yung VRR or variable refresh rate display. Ibigsabihin, hindi ito palagi naka-120Hz na refresh rate at pwede ito bumaba up to 48Hz tapos tataas ulit ito to 120Hz depende sa ginagawa natin. Malaking factor iyan para makatipid tayo sa battery. Hindi man nag-declare ang Infinix na VRR ang display nito pero maraming nakapansin sa ibat-ibang articles kapag nag-research kayo. Ang peak brightness na makukuha natin sa Infinix GTBOOK ay 300 nits which is sapat na sapat for indoor use.
Performance
Meron itong Intel i9 13900H CPU, 14 Cores 20 Threads iyan, na may base frequency na 2.60GHz, 5.40GHz na turbo boost max frequency, 32GB na 6400MHz LPDDR5X na RAM, 1TB NVMe SSD, NVIDIA RTX 460 na GPU, naka-Windows 11 Home na, at merong companion app na pre-installed. Keep in mind lang natin na ano mang configuration yung piliin natin, soldered na ang RAM at hindi na natin mau-upgrade. I suggest na kung kaya lang naman ng budget ay go for the highest configuration, which is i9 para 32GB na. Para sa akin, kung gaming gaming or video editing yung habol mo sa laptop na ito ay medyo kapos yung 16GB. Mabilis naman dahil LPDDR5X yung RAM at mas mababa rin ng kaunti yung frequency ng RAM ng i5 version. Ang pwede natin i-upgrade ay ang NVMe SSD na 1TB. Tatangalin natin iyun at papalitan ng bago at hindi natin ito madadagdagan ng additional SSD kasi wala ng slot.
Pagusapan naman natin ngayon yung pre-installed companion apps, una ay ang Control Center. Kapag binuksan natin ito ay pwede natin makita yung status ng CPU, mga fan, at GPU. Sa bandang gilid ay makikita natin yung performance mode na napili natin: office mode na pinakatipid sa battery at pinakamabagal din, performance mode na pwedeng-pwede para sa mga gustong mag-video editing, at gaming mode for gaming.
Meron din itong controls para ma-customize natin yung ilaw ng keyboard. Nahati sa apat na parts yung keyboard para mas ma-customize natin ilaw ng bawat part. Kahit yung numpad ay may dedicated na control para ma-customize natin yung lighting. Kahit yung RGB lighting sa likod ay pwede natin ma-customize. Sa pinakadulo ng companion app ay pwede nating i-max ang fan nito. Sa test na ginawa ko, kapag naka-max ang fan ay maingay at malakas talaga. Malaking tulong naman sa performance at in fairness na kahit medyo compromise sa atin yung pagiging tahimik ng laptop ay okay lang kung mabigat-bigat yung application na pinapatakbo natin.
Ito yung ilang benchmarks score sa Geekbench at ang read and write speed ng SSD:
Pagdating sa gaming, ini-test natin ito sa Forza Horizon. Lahat sa settings ay naka-max pero sisiw na sisiw sa GTBOOK. Kung magga-games tayo ng mabigat ay kayang-kaya talaga ng laptop na ito. Kahit sa Ark Survival, naka-epic ang graphic settings at naka-full resolution din pero sisiw pa rin para sa GTBOOK. Take note lang na para magamit niyo yung gaming mode profile sa GTBOOK ay make sure na nakasaksak ito sa charger. Kung hindi natin ito gagawin ay hindi natin ma-maximize yung performance ng laptop. Mabilis pa rin dahil i9 at malaki ang RAM pero hindi masasagad ang graphic settings.
Battery
Meron itong 70WH at 210W na charger na kasama sa box. Malaki-laki yung headroom na makukuha natin sa charger. Kailangan naman iyun kung sakaling kailangan i-boost ng CPU ang frequency. Ini-test ko ito gamit ang powerbank pero hindi ko makuha yung performance. Kaya mas maganda kung gagamitin niyo yung charger na kasama sa box kung talagang magga-games kayo. Pero for video editing na magre-render kayo, office works, or manonood kayo ay pwedeng-pwede na yung naka-power bank basta mabilis yung charging speed nun like 100W para may kaunting headroom
Conclusion
Overall, sobrang nagustuhan ko itong Infinix GTBOOK. Kahit ito yung first time na nag-release ang Infinix ng gaming laptop ay masasabi ko na successful sila. Talagang aabangan ko yung mga susunod na laptop nila kasi siguradong marami pa silang mao-offer sa atin sa mas affordable na presyo pero mataas na specs.
Kung gusto niyo bumili, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.io/clllnwy
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: