Price
Na-release na itong Infinix GT 20 Pro 5G. Ang presyo nito ay Php15,999, nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing. Sa presyo nito ay meron nang decent na gaming phone. Pagusapan natin kung ano ang mae-expect natin pagdating sa performance, battery life, camera, at display.
Unboxing
Napakalakas ng gaming vibe nitong GT 20 Pro. Sa buong box ay may mga design at patterns na makikita. Napaka-unique and special ng unboxing experience nitong phone. Bubungad sa atin ang document sleeve na may “Grand Gaming Tour Outplay The Rest” na text. Sa loob ay may SIM ejector pin, tempered glass, at case. Ang case ay gaming na gaming ang design at may precise cutout para sa LED light ng phone. Kahit sobrang ganda ng design ng case ay protected pa rin ang phone kaya maganda ito gamitin.
Sunod naman ang GT 20 Pro na nakabalot sa plastic. Maa-amaze ka sa pagkaka-design nila sa phone lalona’t Mecha Blue ang colorway na nasa atin. Kaya mas kitang-kita natin ang design, patterns, at LED light. Sa ilalim ng box ang 45W na charger at USB-A to USB-C cable.
Design
Eksaktong-eksakto naman ang LED light sa cutout ng case. Pwede natin i-customize ang LED light kagaya ng Breath, Meteor, Rhythm, at iba pa. May pagka-smudge magnet at fingerprint magnet naman ang phone kapag walang case. Tapos ang camera module nito ay medyo naka-protrude pero unique ang design na iba sa nakagawian natin.
Flat ang mga sides ng phone at dito sa right side ay may volume up and down button at power lock button. Sa taas naman makikita ang secondary speaker, secondary microphone, IR Blaster, at text na Sound by JBL. Sa left side ay walang makikita. Sa may ilalim naman ang main speaker, USB-C port, main mic, at SIM tray. Dual SIM lang ang SIM tray at hindi tayo makakapagsalpak ng micro-SD card. Sa harap makikita ang punch hole selfie camera at walang pre-installed na screen protector. Ang bezel ng phone ay proportioned sa bawat sides at napakanipis.
Nagustuhan ko na may kaunting curve ang bezel ng phone kaya kapag nag-swipe ay mas comfortable ito compared sa ibang mga phone na flat ang edge. Itong GT 20 Pro ay may IP54 kaya dust and splash resistant pero huwag natin ito ilulubog sa tubig. Kung mga talsik ng tubig ay okay lang. Pagdating sa haptic ng phone ay decent naman, hindi nakakabilib pero hindi ko pinatay dahil acceptable naman para sa presyo.
Performance
Specification:
On paper ay napaka-decent na ng specs na ibibigay sa atin ng phone na ito pagdating sa presyo. Subok na sa gaming ang chipset ng phone tapos ginawa pa nilang Ultimate. Itong GT 20 Pro 5G ay nilagayan nila ng pixelworks X5 gaming display chip. Sa website ng pixelworks, ang X5 gaming chip nila ay ”offloads rendering pressure from the smartphone GPU to deliver a longer and more stable high frame-rate and high-quality visual experience”. In short, ang pixelworks X5 chip na nilagay nila dito ay makakatulong sa Dimensity 8200 para hindi na nito asikasuhin pa yung display. Kaya Ultimate ay lahat ng potential ng 8200 ay maibibigay sa atin ng walang istorbo kasi iba ang nagha-handle ng display. Maasahan natin na hindi lang maganda yung makikita nating display sa phone, stable pa ang high frame rate na gaming.
Meron pa rin itong MemFusion if ever na hindi kasya sa atin ang 12GB na physical RAM. Pwede tayo mag-add ng additional 12GB of virtual RAM, technically pwede ito umabot ng 24GB yung RAM. Ang Antutu score ay 946762, yan ay kapag naka-on ang MemFusion. Kapag naka-off ang MemFusion ay tumaas ang score, 947023. Hindi naman dramatic ang difference ng dalawa pero meron. Hindi naman sobrang lala ng mababawas sa performance kung io-on natin ang MemFusion. Para sa phone na ito ay makakatulong ang virtual RAM kahit papaano.
Sa result ng Wild Life Stress test, pagdating sa battery consumption, after ng test ay nabawasan ito ng 12%. Pagdating naman sa thermals ay nadagdagan ito ng 18°C. Alarming ito at maiinit talaga ang phone after ng test kaya I suggest na kahit na gaming phone itong GT 20 Pro ay hinay-hinay tayo pero im sure na io-optimize pa ng Infinix itong phone sa mga darating na software update.
Test natin ito sa gaming. Kapag nilagay natin sa game management ang isang game na in-install natin ay magkakaroon ito ng X-Boost. Pwede natin piliin ang performance profile nito kagaya ng Power Saving, Equilibrium, at Performance Mode. Meron itong Bypass Charging na pwede i-enable, pwede tayo mag-charge habang nagga-games pero hindi ito kukuha ng power sa mismong battery kundi sa mismong charger. Hindi makaka-cause ng additional heat itong bypass charging.
Try natin itong SpongeBob Cosmic Shake. Ang settings nito ay naka-Ultra ang resolution at 144Hz ang fps limit. Sa advance video setting naman ay naka-epic din kaya sagad-sagad din. Visually ay napakaganda ng graphics nito at na-generate nito ng maayos. Tapos ang smoothness ay maganda rin at napaka-stable ng gameplay. Nakaka-60+fps kung minsan at kahit hindi umaabot ng 144Hz ay okay naman ito at playable dahil walang lag at struggle. Sunod naman ang Ark Survival, Epic ang graphics quality at sagad ang video resolution. Okay naman ang gameplay, walang lag at struggle. Nakaka-30fps ito at decent naman. Pagdating sa gaming ay maasahan naman ang phone.
Display
Specification:
Maganda ang quality ng display, accurate ang kulay, tama lang ang timpla, pwede rin natin ma-customize ang settings ng display kung gusto natin timplahin ang kulay. Sa color style ay may dalawang preset na Original at Bright Colored. Na-fix na rin ng Infinix yung off na kulay kapag naka-bright colored. Kapag original color naman ay mas natural ang kulay. I suggest na original color nalang ang piliin niyo dahil mas maganda ang timpla. Pwede rin naman natin ma-customize ang color temperature.
Pagdating sa Screen Refresh Rate setting ay medyo madami dami ang option, may 144Hz, 120Hz, 60Hz, at Auto. Sayang lang na itong 60Hz ay sana pinalitan nalang nila ng 90Hz para mas smooth pero tipid sa battery. Kapag naka-auto switch ay bumababa naman ito from 144Hz to 60Hz. Kapag naka-AOD or always on Display, hindi ito bumababa to 60Hz at fix lang sa 144Hz kaya magastos ito sa battery. Huwag niyo muna gamitin ang AOD at hintayin ang fix ng Infinix sa mga susunod na software update. Good news para sa mga magi-stream ng movies or TV series sa phone dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Ang max playback resolution naman nito ay Full HD.
Camera
Specification:
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
2K/30fps ang max video recording sa selfie camera ng phone. Meron din itong Ultra Steady Mode para stable habang naglalakad pero magdo-downscale ito to 1080p/30fps. Mako-compromise ang quality pero stable at kung gusto natin ng sagad na quality ay gumamit nalang tayo ng gimbal.
Na-appreciate ko rin ang Sky Shop Mode ng rear camera nitong Infinix GT 20 Pro 5G. Anlayo na ng narating ng AI nila kagaya ng makikita niyo sa sample photos na ang ganda ng edge detection. Ang linis ng mga cable at walang butas kaya I recommend na kung gusto natin ng creative na photo ay gamitin natin ang Sky Shop mode.
Ito ang sample photos:
Battery
Specification:
Medyo nakakalungkot lang ng kaunti yung SoT ng phone na 9 hours and 45 minutes. I-expect natin na dahil gaming phone ito ay aggressive talaga ang chipset nito. If ever na gusto natin na tumaas pa ang SoT natin sa phone ay i-set lang natin ito to 120Hz. Sana ma-improve pa ito ng Infinix sa susunod na software update.
May dalawang charging speed na pwede i-set, Smart Charge at Low Temp Charge. Kung hindi tayo nagmamadali ay Low Temp ang piliin natin para hindi mag-generate ng unnecessary heat ang phone kapag nagcha-charge. Kung gusto naman natin na ang phone ang mag-decide kung i-slow charge ba nito or sagad na charging speed, piliin natin ang Smart Charge.
Verdict
Sa tingin niyo ba ay sulit itong Infinix GT 20 Pro para sa presyo? May ilan lang akong napansin na pwedeng i-improve ng Infinix sa phone na kayang-kaya nilang idaan sa software update. Una, medyo mababa ang nakuha natin sa SoT na less than 10 hours. Tapos ang AOD na 144Hz pa yung inaabot kahit naka-off naman ang display. Lastly, ang thermals ng phone ay medyo alarming heat ang na-generate. Small details lang din ay sana may pre-installed na screen protector next time para hindi kami mapwersa na bumili agad ng accessory sa phone. Pero reminder lang na may Tempered Glass na ito sa loob ng box. Maganda na ang case pero wala lang itong screen protector. Okay sana na kahit walang screen protector pero merong Corning Gorilla Glass protection.
Overall, ang ganda ng phone na ito. mare-recommend ko ito sa mga user na gaming ang priority sa phone. Mataas-taas ang Antutu score nito at nakaya din ng phone ang high graphics setting na game. Sa mga typical user ay sobra-sobra pa ito sa atin dahil maganda ang performance nito para sa mga everyday application. Mataas na rin ang RAM na 12GB.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
TIKTOK – https://bit.ly/tiktokGT20PRO
SHOPEE – https://bit.ly/ShopeeGT20PRO
LAZADA – https://bit.ly/LazadaGT20PRO
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: