May bagong release na tablet ang Huawei na may PC-level productivity features, ito ang Huawei MatePad 11.5 2023. Hindi ito ang first time kong gumamit ng Huawei tablet kasi may mga nagamit na akong iba before at hindi ako na-disappoint, hindi lang dahil sa performance kundi pati na din sa mga features na magagamit natin for entertainment, sa mga basic office tasks at sa researching.
UNBOXING
Pag-open ng box, makikita kaagad ang tablet na may kulay na Space Gray. Napakaganda ng kulay na ‘to, malinis siya tignan, may mga smudges na maa-accumulate pero mabilis lang siya matanggal. Sa loob ng box, makikita din ang Huawei SuperCharge na 22.5W at USB-A to USB-C cable.
DESIGN
Kapag naka-landscape mode, makikita sa taas ang dalawang microphone. Sa left side naman ang dalawang speakers at powerlock button. Sa right side makikita ang USB-C port at dalawang speakers ulit. Sa baba naman ay ang magnetic pins na pagkakabitan ng magnetic case or magnetic smart keyboard. Sa likod, meron itong single camera na 13MP. Makikita naman sa harap na pantay na pantay ang bezels sa lahat ng sides kaya ang ganda niya tignan. Meron din itong selfie camera na nasa gitna kapag naka-landscape mode.
Tapos, napakagaan ng tablet na ‘to kasi 499g lang siya to be exact. Kaya kapag magta-travel tayo at ilagay sa backpack ay hindi tayo masyadong mabibigatan.
SMART KEYBOARD
Para itong leather na may design na guhit sa gitna. Para magamit, pwede nating magamit ang stand. At ang maganda pa dito, pwedeng matanggal ang keyboard at meron na tayong instant na case. Kapag kinabit natin ang tablet sa keyboard, automatic na niyang made-detect. Ang kailangan na lang gawin ay i-click ang connect.
HUAWEI HISENSE QUAD SPEAKER
Pasadong-pasado sa akin ang sound quality nito! Maganda ang tunog, hindi ako nabitin sa maximum volume at hindi siya muffled. Plus, hindi lang siya maganda sa entertainment kundi maganda din siya sa mga video calls at video conferencing kahit hindi tayo gumamit ng earphones.
DISPLAY
Meron itong 11.5″ Huawei FullView display, 120Hz maximum refresh rate, 2.2K resolution, 3.2 aspect ratio, TÃœV Rheinland Flicker-Free certification, TÃœV Rheinland Low Blue Light at 100% sRGB color coverage.
Para sa mga mahilig mag-stream ng TV Series at movies, ang Widevine Security Level nitong Huawei MatePad 11.5 ay Level 1, kaya makakapag-play tayo ng HD contents sa mga streaming services.
Pero baka maitanong niyo kung paano makakapaglagay dito ng streaming apps tulad ng Netflix, Disney+ o YouTube. Madali lang! Punta lang kayo sa AppGallery, tapos search lang natin kung anong application ang gusto niyong i-install at tap lang ang Install. Kapag Google naman ang sinearch sa search bar, lalabas ang Facebook, Google Maps, Instagram, Twitter at Gmail. So, halos lahat ng kailangan nating application ay nasa AppGallery na. Pero, kung gusto niyo talaga ng Netflix, punta lang kayo sa Gbox, click niyo ang Netflix at i-tap ang Install.
HUAWEI M-PENCIL
Ang ganda nitong M-pencil kasi matte-finished siya. Kapag kailangan naman itong i-charge, meron din itong dongle. Isasaksak lang ang dongle sa Huawei Matepad then, macha-charge na ang M-Pencil via magnet. Ito lang ang di ko nagustuhan sa dito sa Huawei MatePad kasi kung gusto mong i-charge ang M-Pencil, dapat lagi kong dala ‘yung dongle which is hindi ideal.
PERFORMANCE
Naka-Harmony OS 3.1 na itong Huawei MatePad 11.5 out of the box. Snapdragon 7 Gen 1 ang chipset, 8/6GB RAM at 128GB internal storage.
Pwede din tayong mag-open ng apat na magkakasabay na application dito. Magbukas lang tayo ng isang app, i-swipe natin pataas at pa-left side. Tapos, pwede na ulit magbukas ng isa pang app. Para sa pangatlo at pang-apat na app, swipe lang sa right side, then pipili ka na ng dalawang gusto mong floating app.
Meron din itong WPS na app na ginagamit natin for word processing. Pero, meron din itong WPS na app na desktop version, kung saan ang interface niya ay parang sa PC ka nag-e-edit at pwede din itong i-resize at i-maximize.
Ang nakuha namang Antutu Score dito sa Huawei MatePad 11.5 ay 666947. Napakagandang score niyan kaya mae-expect natin na maganda ang magiging performance nito.
Sa Real Racing 3, nakaka-60fps lang tayo pero pagdating sa quality ng game, maganda siya. Lahat ng graphics ay na-generate niya. Wala din akong nafe-feel na lag o framedrops, sobrang smooth lang. Sa Asphalt 9 naman, smooth din siya, okay din ang game play pero hindi niya na-generate lahat ng graphics. Kaya masasabi natin na may limit pa din itong Huawei MatePad 11.5 sa gaming pero tandaan din natin na hindi naman talaga siya designed for games.
CAMERA
Ang maximum resolution na pwedeng i-set sa selfie video recording ay 1080p 30fps at 16:9 ang aspect ratio. Okay naman ang quality at magagamit natin siya sa mga video conferencing basta tama lang ang ilaw na ipo-produce natin. Meron din itong tinatawag na Follow Cam kung saan kapag gumagalaw tayo ay sinusundan din tayo ng camera.
BATTERY
Meron itong 7700mAh battery capacity na compatible sa 22.5W Huawei FastCharge. According to Huawei, tatagal ito ng 10.5 straight hours of video playback. Pero siyempre, kumuha ako ng sarili kong result at nakakuha ako ng 13 hours and 24 minutes na SOT. Impressive iyan para sa isang tablet kasi kapag nagre-review tayo ng tablet, ang usual na nakukuha natin ay 8-10 SOT lang. Pagdating naman sa charging, 1 hour and 47 minutes ang inabot from 18-100%.
Iyan na lahat ng information na gusto kong i-share tungkol dito sa Huawei MatePad 11.5. Ang price nito ay PHP15,999 kapag 6/128GB ang variant at PHP19,999 naman kapag 8/128GB ang variant. Meron ding mga promos and freebies ang Huawei pagdating dito sa Huawei MatePad 11.5 kaya check niyo na lang ang mga link na ito:
HUAWEI – https://consumer.huawei.com/ph/tablet…
Shopee – https://shopee.ph/product/127208192/2…
Lazada – https://c.lazada.com.ph/t/c.YroHIy?in…
Anong masasabi niyo sa tablet na ito? Comment niyo diyan sa baba.
Kung ako naman ang tatanungin ninyo, meron lang itong minor cons pero natakpan naman siya ng napakadaming features ng tablet na ‘to kaya maire-recommend ko ito sa inyo.