First time natin makakapag review at makakapag-unbox ng isang HMD Phone. Ito ang Pulse Pro, isa ito sa mga bago nilang release na Android Phone. Para sa mga hindi pa aware, sila na ang bagong Nokia ngayon. Sila na ang nagmamayari ng Nokia brand name. Makikita niyo sa product page nila na may nakalagay na HMD “makers of Nokia phones. Ang bumubuo sa HMD executives ay dating mga Nokia executives din. Technically, parang bumalik lang sa Nokia yung rights. Yun nga lang ay hindi na nila gagamitin yung Nokia na brand at HMD na or Human Mobile Devices.
Kung maalala natin 2014, nagkaroon ng collaboration yung Microsoft at Nokia para makapag-release sila ng Nokia phones na naka-Windows OS. Sobrang ganda ng mga times na yun kasi napaka-advance ng UI ng Nokia nun compared sa ibang mga phones. Yun nga lang ay hindi sila masyadong naka-catch up sa Samsung at Apple. Eventually, nag-decline yung sales nila at hindi na sila nakahabol. Ngayong HMD na ang may ari ng Nokia ay tina-try nilang ibangon ulit yung brand. Pero eventually nilang tatanggalin yung Nokia products sa atin.
Meron silang inumpisahan na mga HMD phones. Yung mga existing Nokia phones ay hindi naman nila agad-agad tatangalin or buburahin sa market. Pero darating ang time na hindi na tayo makakakita ng mga Nokia phones. At least ay mga Nokia executives pa rin naman yung nasa loob ng HMD kaya makakaaasa tayo na maganda pa rin yung mga product na ibibigay sa atin.
Price
As of making this video, itong HMD Pulse Pro ay may presyong Php8,390. Nasa baba ang link para makita mo ang updated price.
Unboxing
Maganda ang pagkakabalot sa parcel at may security seal allover. Sa loob ay naka-bubble wrap yung box ng phone kaya nasa very good condition yung phone. Wala namang special sa box, may makikita lang tayong HMD logo at Pulse Pro. Sa gilid ay may sticker na may 16GB of memory extension at sa likod makikita ang top features nitong Pulse Pro.
Pag-open, makikita natin ang Pulse Pro na nakabalot sa paper at nakalagay na ang jelly case. Sa ilalim ng box ay may documentation, USB-C to USB-A cable, wired earphones, at SIM ejector pin. Walang charging brick sa loob ng box at sobrang disappointing yun. Ingat-ingat tayo HMD sa galawan natin. Dahil technically, bago lang silang player dito sa tech industry kaya dapat sobrang ingat nila. Yung essential ay dapat nasa loob ng box, kasama na ang charger. Pero umpisa pa lang na budget friendly phone ay walang charging brick. Kung flagship phone ito ay baka ma-justify pa natin dahil mahal. Pero entry level ang phone kaya dapat meron itong charging brick sa loob.
Design
Itong Pulse Pro ay may tatlong kulay: Glacier Green, Twilight Purple, at Black Ocean. Meron itong IP52 na rating, okay lang malagyan ito ng alikabok at matalsikan ng tubig, Pero huwag nating ilulubog ito sa tubig. Glossy ang likod ng phone at makikita natin ang HMD logo. Yung camera module ay napakasimple lang. Flat ang sides or frame ng phone. Meron itong side mounted na fingerprint scanner at volume up and down button sa right side. Sa left side naman makikit ang SIM tray at sa taas ay malinis. Sa ilalim naman ay may headphone jack, main mic, USB-C port, at main speaker. Kumpleto naman ang pwedeng mailagay sa SIM tray, dalwang SIM at isang micro-SD card.
Isang nakakalungkot sa website ng HDM, itong SIM tray ng Pulse Pro ay kaya lang humawak ng 256GB. Isa na namang nakaka-dissapoint na bagay sa HMD Pulse Pro. Usually kasi sa mga entry level na ganito yung presyo, kaya ng humawak ng 1TB.
In fairness dahil meron na itong pre-installed na screen protector out of the box kaya hindi na natin kailangan maghanap ng screen protector. Medyo makapal-kapal yung chin compared sa ibang mga sides pero hindi naman ako nagulat dahil sa presyo. Overall, napakasimple ng itsura ng phone na ito. Okay naman ito, yun lang ay nakaka-disappoint na wala itong charging brick at 256GB lang yung max na micro SD card na pwede nating isalpak sa phone.
Pagdating naman sa side mounted fingerprint scanner, reliable naman. Hindi super bilis sa pag-unlock pero 100% of the time ay mau-unlock nito ang phone. Hindi ako na-disappoint pero medyo mabagal lang talaga. Pagdating sa speaker ng Pulse Pro, isa lang ang speaker nito pero nilagyan nila ito ng Audio Boost. Kapag naka-100% na ang volume at pinindot pa natin ng isa yung volume up button ay magiging 200% ang volume. Sobrang lakas talaga at hindi ako nabitin sa max volume ng phone. Hindi naman sabog pero nakukulangan ako bass dahil medyo flat ang tunog pero pwede na para sa presyo. Yun nga lang ay sa ganitong presyo, sa ibang brand ay naka-dual speaker na ang mga phone.
Pagdating naman sa Wi-Fi connection, hindi lang 2.4GHz ang pwede natin i-connect, pati na rin 5GHz. Pagdating sa haptics ay very entry level ang feels. Nasa borderline ito na io-off ko at sa konting-konti na pwede na. Nasa sa inyo kung io-on niyo ba or i-off ang haptics.
Display
Meron itong 6.56″ IPS LCD, HD+ 720p Resolution, at 90Hz na Max Refresh Rate.
Kung paguusapan yung color reproduction ng phone. Okay naman, hindi naman maputla at hindi rin naman bluish. Sa YouTube ay pwede itong makapag-play ng 1080p na video playback. Hindi ako nabitin sa color reproduction, hindi ito kasing ganda or kasing crispy ng mga flagship phone or mid-range phone pero pwede na. Yung peak birghtness ay aabot ng 600 nits which is para sa isang IPS LCD ay pwedeng-pwede na. Hindi na masama iyan kahit pa gamitin natin outdoor ang phone.
Sa display settings, ang pwede lang natin magawa ay ma-adjust yun white balance or color temperature. Medyo nakakalungkot ulit, 720p ang resolution ng phone at may ilan sa atin ang magtataas ng kilay. Dahil sa ibang mga brands na ganito ang presyo ay naka-1080p tapos 120Hz pa ang refresh rate. Itong phone ay 720p at 90Hz lang ang refresh rate. Isa pang nakaka-disappoint dito ay ang Widevine Security Level ay Level 3 lang. Hindi man lang tayo makapag-play ng High Definition or 720p na video sa mga streaming services. Kahit sa Netflix, Standard Definition lang ang max playback resolution.
Performance
Naka-Android 14 na ito out of the box, Unisoc T606 ang chipset, 8GB ang RAM at 256GB naman ang internal storage. Pagdating sa RAM at storage, medyo bumawi naman talaga itong Pulse Pro. Bihira na sa ganitong presyo ay naka-256GB na + 8GB na RAM. Ang virtual RAM or memory extension ay aabot ng 8GB. Nakita niyo kanina sa sticker ng box na may 16GB of RAM, 8GB na physical RAM + 8GB na virtual RAM.
Pino-promise ng HMD na itong Pulse Pro ay makakakuha ng 2 major Android update. Plus, meron pa itong 3 years, quarterly of security updates. At habang sine-setup ko ang phone ay nakatanggap na ako agad ng 1GB na security update or fixes. Maalagaan tayo sa software update sa Pulse Pro at isa ito sa mga hahangaan natin sa HMD dahil almost stock Android ang phone nila kaya napakadali sa kanila i-update. Kasama talaga sa binayaran natin yung update, less than Php9,000 aat may ilang compromises tayong nakita kanina. Pero pagdating sa software updates ay dun talaga tayo makakaasa sa HMD Pulse Pro. Maalagaan talaga tayo at mala-Pixel ang galawan ng HMD.
Pero to be transparent, makikita ninyo sa screenshot na madami-daming bloatware at pre-installed apps ang makikita natin after ma-setup ang phone. Yes, stock Android ang operating system pero may mga pre-installed apps ito pero lahat iyun ay pwede i-uninstall.
Ang AnTuTu Score kapag naka-off ang memory extension ay 276276. Kapag naka-on naman ay umabot ito ng 274436 na lang. Hindi naman sobrang laki ng ibinaba ng score pero meron pa rin. Nasa inyo na kung gusto ninyo gamitin ang memory extension. In fairness naman para sa isang entry level na phone, yung 8GB na RAM ay sapat na sapat na para sa media consumption, videos, at streaming. Very rare sa isang user na gumamit ng memory extension sa entry level phone na naka-8GB physical RAM na.
Ang Wild Life Stress Test result, from 53% ay nabawasan ito at naging 50% na lang. Pero pag dating sa thermals, 1 degree Celsius lang ang nagadagdag kaya hindi ito mabilis uminit kahit pa mag-games tayo o gumamit ng mabigat na application. Pagdating naman sa games, kagaya ng nakita antin sa AnTuTu score ay hindi tayo dapat mag-expect ng malaki. Dito sa Asphalt Unite, na-run naman ng phone ang game ng maayos. Very smooth naman dahil walang lag or framedrops pero yung graphics ay hindi talaga ganun ka-decent.
Camera
Meron itong 50MP na main camera, 2MP secondary camera na depth sensor, at selfie camera na 50MP.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang mga sample video screenshots:
1080p/30fps ang video recording sa selfie camera ng Pulse Pro. Pagdating sa quality, hindi ito ganun ka-sharp at mukhang 720p. Ang hirap paniwalaan na 1080p ito dahil sobrang soft ng quality, yung exposure ay hindi ganun kaganda, yung skin tone ay sobrang putla, at yun lang ay nakaka-disappoint din ang selfie camera.
Battery
Naka-5000mAh ito na 20W ang charging speed. Dahil walang charging brick itong kasama sa box, ang ginamit ko nalang ay GaN charger. Good news para sa mga gagamit ng phone sa trabaho na may GPS based apps, Ang SoT na nakuha naitn ay 15 hours and 11 minutes. Maasahan natin yung battery performance ng Pulse Pro dahil hindi ito agad-agad malo-lowbat. At the end of the day, baka may makuha pa tayong 20% to 30% left na battery. Pagdating sa charging ay medyo mabagal talaga. 17% to 100% ay umabot ng 2 hours and 17 minutes.
Conclusion
Yan na lahat ng gusto kong i-share sa HMD Pulse Pro. Sa tingin niyo ba ay sulit ito para sa presyo? May ilan tayong nakitang downside, sa unboxing ay wala tayong nakitang charging brick, 720p 90Hz lang yung display, 256GB lang ang kayang hawakan na SD card, hindi ganun kaganda yung camera performance kahit na 50MP yung main at selfie camera. Pero bumawi naman sila sa internal storage, physical RAM, software update, at battery performance ng phone. May mga downside pero meron ding nakakabilib sa phone.
Dahil sa software update, habang tumatagal ay mas magiging maganda yung performance nito. Hindi naman day and night difference pero meron. Lalo na pagdating sa battery, performance, at camera performance.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/cllinog
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: