Another HMD phone ang paguusapan natin ngayon, ito ang kanilang Fusion 5G. In a way, modular ang phone na ito kasi kakaiba yung mga accessories or Outfits na pwede nating ilagay sa likod ng phone.
Price
Nabili namin ito for around Php15,000 pero as of March 13, 2025, ang presyo nito ay Php11,990. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing










Sealed na sealed naman ang mismong package nung dumating. Maayos ang pagkakabalot at naka-bubble wrap. Black at manipis lang ang box allover kaya masasabi natin na walang charger sa loob. Sa likod ng box ay makikita natin ang ilan sa top specs nito. Pag-open ng box, Fusion 5G ang makikita natin. Nakakabit na agad ang case nito or Outfit na tawag nila. Napansin ko lang na may gasgas yung case na kasama. Medyo nakaka-disappoint lang na maganda yung package pero may gasgas naman yung case. Maliit na bagay lang naman pero sayang naman at sana pristine condition kapag binili natin. Sa ilalim ng box ay meron itong SIM ejector, documentation, at USB-C to USB-C cable.
Tingnan naman natin yung kakaibang design nitong Fusion 5G. Ang dating ay parang expose yung parts nito sa likod pero ito lang talaga yung design nito. Makikita niyo rin ang mga screws allover sa likod, kapag in-unscrew natin ang mga ito ay matatangal talaga ang likod ng phone. Sinabi ng HMD na compatible ito sa Gen 2 Repairability. Ganun kadali ito i-repair, palitan ng LCD, battery, at iba pang components. Meron din itong pogo pins sa likod, na pwede nating ma-experience gamit ang mga Outfits ng phone.
Outfits


Kagaya ng sinabi ko kanina, isa ito sa mga phone ng HMD na napakadali i-repair. Isa ito sa pinapanindigan ng HMD na magkaroon ng reputation na hindi lang matibay, madali rin ayusin. Napaka-customizable ng phone dahil pwede tayong mamili ng mga Outfits na tawag nila sa back cover ng phone. Tapos ang mga back cover na iyun ay pwede magkaroon ng kakaibang functionality. Halimbawa meron itong case na pwede nating gamiting LED light yung frame ng camera sa likod ng case. Meron din itong accessory na kapag inilagay natin ay magiging game controller ito. Hindi na natin kailangan ng Bluetooth connection kasi meron na itong pogo pins sa likod.
Sinabi pa sa website ng HMD na pwede tayong mag-download ng CAD file or API access. Para makabuo tayo ng sariling outfit para sa HMD Fusion 5G. Ang medyo ironic lang, sa Lazada ay dalawa lang yung Outfits na pwede nating bilhin para sa HMD Fusion. Yung case na may LED light sa likod at yung game controller. Sigurado naman na madami pang accessories na pwede tayong ma-order online sa mga susunod na panahon. Pero sa ngayon ay hindi tayo masyadong mage-expect na mae-enjoy natin yung magandang functionality ng likod ng Fusion. Kaya labas na ang reason na kaya natin bibilhin ang phone ay dahil sa pagiging modular.
Design





Itong HMD Fusion 5G ay may IP54 na rating. If ever na mapunta tayo sa maalikabok na lugar or mapatakan ng ulan ay wala itong problema. Sa taas ay makikita natin yung secondary microphone. Sa may right side ang volume up and down button at power lock button na fingerprint scanner na rin. Nasa left side naman ang SIM tray na hybrid; pwede tayo maglagay ng dalawang nano SIM, dalawang nano SIM + e-SIM, at isang nano-SIM + micro-SD card. Sa may ilalim ay makikita natin na meron itong headphone jack, main microphone, USB-C port, at single firing speaker.
Considering na nasa Php15,000 ang regular price nitong Fusion ay medyo disappointing na iisa lang ang speaker nito. Pero dahil sa OZO Audio ay ang lakas talaga ng quality ng single firing speaker at maganda rin ang tunog. Pero mahirap pa rin i-justify na hindi ito dual speakers. Pagdating naman sa haptic, hindi ko na-enjoy. Okay naman kung gagamitin niyo, nasa border ito ng mid-range at entry level. Nabitin pa rin ako sa quality kung iko-consider natin na nasa Php15,000 ang presyo. Isa pa sa nabitin ako ay wala itong pre-installed na screen protector. Mapapagastos pa tayo sa phone dahil kailangan pa natin humanap ng eksaktong screen protector or tempered glass. Medyo outdated din ang design ng harap dahil makapal ang chin.
Display
Specification:

Pagdating sa outdoor ay medyo nabitin ako sa max brightness nito, kita pa rin pero kulang sa brightness. Para sa presyo ay 720p lang yung resolution, again isa na naman sa nakaka-disappoint na bagay sa phone. However, pagdating sa overall quality ng display ay hindi naman nanununtok na 720p ang quality. Maganda naman ang quality at maganda naman yung kulay pero mahirap pa rin i-justify dahil sa presyo.



Ang Widevine Security nito ay Level 1 at makakapag-play tayo ng up to FHD na resolution sa mga streaming services. Sa Test UFO, kapag ginagalaw ang display ay umaabot talaga sa 90Hz pero kapag hindi na ginagalaw ay babagsak ito to 60Hz. Makakatipid tayo sa battery.


Sa display settings, pwede nating matimpla ang color temperature or White Balance. Ang Screen refresh rate ay dalawa lang ang option; Adaptive para kusang baba to 60Hz, or lock to 60Hz para makatipid sa battery. Pero before kayo mag-decide i-lock to 60Hz, abangan niyo mamaya yung SoT na nakuha ko sa phone.
Performance
Specification:

Sine-setup ko pa lang ang phone ay meron na agad akong natanggap na mahigit 3GB na update. Talagang pakitang gilas ang HMD pagdating sa software update. Ang ipapakita kong dalawang AnTuTu score ay kapag naka-on ang virtual RAM at naka-off ang virtual RAM. Unang AnTuTu score natin ay 443753, iyan ay kapag naka-off ang virtual RAM. Kapag naman naka-on ay 440870 na lang. Malaki-laki ang nabawas sa performance kung gagamitin natin ang virtual RAM. Hindi natin alam kung magi-improve pa iyan sa mga darating na software update. Pero sa ngayon, kung hindi naman kailangan ay huwag niyo nang gamitin.



Makikita natin sa Wild Life Stress Test result na nabawasan tayo ng 3% sa battery at nadagdagdan ng 3°C sa temperature. Okay na okay naman kahit sa mabigat na application. Pagdating sa gaming sa Asphalt Unite, sa casual gaming ay walang problema. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero smooth na smooth naman. Wala naman itong noticeable na frame drops at stutter pero syempre huwag kayong mag-expect ng malaki. Hindi naman ito flagship level phone. Kung magga-games kayo ay walang problema.


Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:




Battery
Specification:

Almost 20 hours yung SoT na nakuha natin, 19 hours and 33 minutes. Maasahan natin pagdating sa battery performance itong HMD Fusion 5G. Sa charging naman, 18% to 100% ay 1 hour and 55 minutes ko ito na-charge. GaN charger ang ginamit ko at malamang na hindi ito compatible kaya inabot tayo ng almost 2 hours.
Conclusion

Iyan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa HMD Fusion 5G. Kung ako ang tatanungin, medyo maganda yung future ng HMD pagdating sa phone na ito. Kasi parang nagii-start sila ng trend na naglagay sila ng pogo pins pero hindi naman na ito bago. Maganda na binabalik ng HMD ang technology na ito. Kahit na dalawa pa lang yung accessory na pwede natin piliin ay malamang na dumating yung time na napakadaming pwedeng ilagay sa likod.
Ang isa sa naiisip ko na gusto kong makita in the future sa phone ay extra battery. Sana magkaroon ng case na kahit manipis lang ay merong additional na 1,000mAh or 2,000mAh na battery. Malaki na iyun lalo na’t tipid sa battery ang phone na ito. Abangan natin ang ganung klaseng mga case at mga Outfits nitong Fusion in the future. Para sa akin, kung stock Android ang habol niyo, magandang battery life, magandang design, magandang future dahil sa software update, ay ito na ang phone na para sa inyo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clmif97
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: