Smartwatch naman ang pag-uusapan natin ngayon. Ito ang Haylou RS5. Matagal-tagal na rin nung huling makapag-review at makapag-unbox ako ng smartwatch.
Price
Napakamura ng smartwatch nito at naka-AMOLED na. Nasa baba ang link para ma-check mo ang kung active pa discount codes at updated pricing.
Unboxing
Nakabalot sa plastic itong box ng RS5. Sa harap naman ng box makikita natin yung itsura ng smartwatch at malapit ang itsura nito sa apple watch. Meron din itong crown. Nasa ibaba naman ng box makikita kung anong strap ang nakuha natin at nasa atin ngayon ang braided strap at Silver na RS5. Sa likod naman ng box ang top specs.
Pag-open ng box ay makikita na agad natin ang RS5. May sticker ito sa harap at silver ang katawan nito. May sensor ito sa ilalim. I-make sure lang natin na tangalin ang sticker bago gamitin para accurate ang reading. Nasa ilalim din ang pogo pins para sa charging. May quick release ang strap nito at ang default strap na nakakabit sa RS5 ay beige na strap. Pero sa ilalim ng box ay may kasama pa itong braided strap at maganda naman. Nasa ilalim na rin ng box ang magnetic charger na USB-A ang dulo at user manual.
Ang ganda ng braided na strap dahil orange at kaparehas ng color ng Sulit Tech Reviews. Ang ganda ng size at shape ng mismong smartwatch.
Setup
Kailangan natin i-install ang app na Haylou Fun at i-scan ang QR code ng wach para ma-setup ito. Tapos ko na rin i-setup ang app at nag-sign up na rin ako. Mabilis lang ang pag-sign up at hindi naman tedious ang process.
Tap lang natin ang add button > scan > Allow permission para ma-connect ang smartwatch sa phone. Gamit ko palang phone ngayon ay ang Infinix GT 20 Pro 5G. Continue lang natin at allow ang mga permission. Pwede rin tayo mamili kung anong application ang magno-notiff sa watch.
Display
Specification:
Ang nipis ng bezel nito at pwede natin palitan ang watch face, iikot lang natin ang crown. May tatlo itong pre-installed na watch face. Hindi ito laggy kapag ginagamit natin dahil 60Hz ito. Ang ganda at napaka-responsive din nito. Meron din itong always on display para hindi lang sa pagangat ng wrist makikita ang oras.
Design
Manipis lang ang watch at may speaker para sa notification at kapag may nagca-call. Ang ganda rin ng crown nito dahil kapag tinu-turn ito ay may tunog at malutong, ang satisfying. Kung gusto natin ma-access ang main menu ay click lang natin ang crown at pwede rin natin ito gamitin pang-scroll. Sa ibang smartwatch kasi ay hindi functioning ang crown or walang crown, may crown na design pero hindi naro-rotate pero itong watch ay rotatable talaga.
Sabi ng Haylou na ang body nitong RS5 ay Aircraft grade metal, lightweight pero durable. Sa ilalim naman ay plastic lang. Aabot ng 150 watch faces ang pwede nating piliin sa companion app. Sa companion app ay touch lang natin ang face gallery at madami na tayong pagpipilian. Ang maganda dito ay free lang ang mga watch faces. Hindi ganun sobrang bilis ang pag-download ng watch faces pero pwede na, at least ay nakikita natin ang status kasi sa ibang smartwatch ay hindi nakikita.
Ang ganda at ang linaw ng display nito. Para sa ganitong presyo ay nagagandahan talaga ako sa watch na ito. Kung 5K ang price nito ay baka magdalawang isip pa ako sabihin na maganda ito pero dahil 3K or 2K lang kung maabutan niyo ang sale, ang ganda nito. IP68 na rin ito na dust and water resistant kaya pwede natin ito mabasa ng tubig. Ang ginagawa ko nga sa mga smartwatch ko ay sinasabon ko lalo na kapag nababad sa pawis. Pero hindi ko magagawa yun sa strap dahil tela.
Itong RS5 ay pwede natin magamit para mag-answer or mag-decline ng calls sa phone. Hindi natin kailangan hawakan ang phone kapag may tumatawag. Meron din itong SOS emergency call kaya sa panahon ng emergency na hindi natin ma-access ang phone dahil nasa bag or bulsa, may shortcut na pwedeng gawin para sa watch nalang natin ito i-dial. Meron din itong blood oxygen tracking, hearth rate monitoring, sleep monitoring, stress relief, female health care, at emotion detection. Tapos meron din itong 150+ workout mode kaya napakaganda talaga ng features na makukuha natin sa RS5 para sa presyo.
Ang bilis din ng pagbukas nito kapag tinaas natin ang wrist natin. Ang battery life ay aabot ng 9 days sa isang full charge. Pero kapag i-enable natin yung low power mode or battery saving mode ay aabot ito ng 20 days, basic usage lang yun. Nine days ang itatagal kung gusto natin gamitin ang lahat ng features, not bad. Yung iba diyan ay ang mahal pero 1 or 2 days lang ay kaylangan nang i-charge ulit.
Conclusion
Maraming salamat sa Haylou sa pagpapadala nitong RS5 smartwatch. Pwede mo panoorin ang video ko para makita mo yung discount codes ng Haylou watches. Check mo na rin kung maabutan mo ang giveaway ko ng isang Haylou RS5 smartwatch na black.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee: https://s.zbanx.com/r/0k21Q58i2KIO
Lazada: https://s.zbanx.com/r/kBE15x95Gu6X
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: