Unbox natin ngayon ang personal favorite ko na phone. Ito ang Google Pixel 8. Alam ko na medyo behind na itong unboxing dahil parang 9 months ago na mula ng ma-launch ang phone. Ganun talaga dahil medyo mahirap makahanap ng trusted na store na may warranty para sa phone dito sa Pilipinas.
Nabili namin ito sa Game Xtreme SM North Edsa Branch. Hindi ito sponsored ng Game Xtreme at talagang sa kanila lang kami nakakita ng units. Meron din sa Kim Store at tumatawag kami sa kanila pero walang sumasagot. Nabili namin ito ng Php33,990, ito ang US version. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili. Kapag bumili kayo ng kahit anong Google Pixel dito sa Pilipinas ay meron kayong versions na pwedeng pagpilian, US version or Japan version. Ang alam kong difference ng Japan ay hindi mo matu-turn off yung sound ng camera. Hindi ko lang alam kung may difference sa pagsagap ng signal. Anyways, malalalaman natin iyan sa in-depth full review ko sa phone after weeks ng paggamit.
Unboxing
Napakasimple lang at napakanipis ng box nitong Google Pixel 8. Ang liit lang talaga ng box ng phone na ito at almost same lang ito ng dimension ng iPhone 15 Pro. Yung nakuha namin ay ang Black at wala ng ibang available na color. Sealed na sealed ang phone. Ang ganda nitong Google Pixel 8. Glossy ito at hindi ko talaga preferred yung ganitong klase ng phone pero ang ganda pa rin. Yung camera module nito ay reminds me ng Dynamic Island sa mga iPhone ngayon. Ang nipis lang ng phone at magaan.
Sa ilalim ng box ay may documentation, OTG adapter na USB-C to USB-A to transfer files, at USB-C to USB-C cable. Wala itong kahit anong charger at accessories. For Php33,990 ay medyo disappointing talaga, pero yung mga phones ngayon na may premium build tapos galing sa malaking brand like Google, Samsung, at Apple ay hindi sila masyadong nagbibigay ng mga accessory.
After setup and 12 hours na paggamit sa Pixel 8 ay ipapakita ko sa inyo yung nakuha kong data tungkol sa phone. Disclaimer, hindi pa ito full review or in-depth camera full review. Gagawin ko iyun 2-3 weeks at mapu-publish ko na iyun sa channel. Pero ngayon, tingnan muna natin kung kamusta ba yung performance ng phone, battery consumption, at iba pa.
Design
Glossy ang phone at talagang smudge and fingerprint magnet. Pero hindi ko in-expect na hindi ito ganun kalala. Maghapon ko itong hinawakan at madali lang din itong linisin. Pasmado yung kamay ko at medyo humid kanina pero ang linis pa rin nito tingnan, kahit wala akong gamit-gamit na case. Matte yung paligid ng camera module. Dahil diretso ang camera module nito ay hindi ito aalog-alog kapag inilapag natin sa table. Hindi kagaya ng ibang phone sa ngayon na dahil hindi pantay ang camera module sa likod, kapag inilapag natin ay umaalog ito at hindi ka makakapag-type ng maayos. Pero itong phone ay pantay na pantay at flat na flat.
Yung bezels nito ay pantay na pantay din sa bawat side. Sobrang comfortable nito gamitin dahil hindi ito ganun kalaki compared sa ibang mga phones sa ngayon na almost 7″ na ang size. Grabe yung haptic feedback ng phone na ito. Ilalagay ko ito sa number 1 sa lahat ng phone na nasubukan ko. Ang gamit kong iPhone 15 Pro ay natalo ng Pixel 8 yung haptics. Ang ganda ng haptic feedback ng phone na ito.
Pagdating naman sa speakers ay meron ito sa bandang baba at ang secondary speaker ay nasa earpiece. Malakas ang speaker, maganda ang tunog, hindi sabog kahit max volume, at hindi ako nabitin. Mage-enjoy ka sa media consumption. Ang isa siguro sa hindi ko nagustuhan sa Google Pixel in general ay yung SIM tray nito. Hindi tayo makakapaglagay ng micro-SD card. Kung 128GB yung nabili nating internal storage sa Pixel 8 ay hindi na natin ito mababago. Nakaka-disappoint lang na nasa almost Php34K ang price ng phone pero hindi man lang ito malagyan ng SD card. Dual SIM naman ito, ang isa ay physical SIM at pwede pa tayo maglagay ng eSIM kagaya ng iPhone.
Itong Pixel 8 ay may IP68 na rating, pwede natin ito ilubog sa tubig for 1.5 meters for 30 minutes. Ang likod at harap ng phone ay Corning Gorilla Glass Victus protected kaya hindi ito ganun kadali magasgas. Hindi naman natin ito gagamitin ng walang case lalo na may kamahalan ang phone. Napansin ko lang din na ang volume up and down button at power lock buttons ay magkabaliktad ng pwesto compared sa mga typical na Android phone. Mas madalas talaga na mapindot ko yung volume up and down button kapag gusto kong i-lock or iun-lock ang phone pero makakasanayan naman.
Display
Meron itong 6.2″ OLED, FHD+ Resolution, 120Hz max refresh rate, at aabot ng 2000 nits peak brightness. Yung typical brightness naman ay aabot ng 1400nits. Dahil alam natin na Google Pixel ito, napaka-accurate ng display nito at maasahan natin ang color reproduction nito ay sobrang ganda talaga at walang exaggeration. Mae-enjoy natin ang panonood ng movies at videos dahil ang ganda ng kulay. Yung Widevine Security Level nito ay Level 1 kaya ang max playback resolution nito sa Netflix app ay Full HD at compatible pa ito sa HDR 10 content.
Performance
Naka-Android 14 na ito out of the box. In-promise ng Google na ang pixel 8 series ay makakatanggap ng 7 years na major OS updates at security patches. Natalo pa yung Apple pagdating sa Software updates. Kasi ang Apple ay 5 years yung support sa mga devices nila para sa software updates. Sa loob ng 7 taon ay makakatanggap ang phone ng mga bug fixes, improvements sa performance, at battery performance. Bawat lumilipas na buwan at natatanggap nating software update ay paganda ng paganda yung phone.
Naka-Google Tensor G3 chipset ito, 128GB na UFS 3.1, at 8GB ang RAM. Ang AnTuTu score na nakuha natin ay 1056292. Actually, nagulat talaga ako dahil ine-expect ko lang ay mga 500k to 700k na score. Lumampas ito ng 1 million at pwede pa itong tumaas sa susunod na software update. Pagdating naman sa battery consumption ay medyo malaki-laki ang nabawas sa Wild Life Stress Test. Sa result ng Wild Life Stress Test ay hinay-hinay pa rin tayo sa phone kung gusto natin gumamit ng mabibigat na apps dahil magkakaroon ito ng alarming heat. Pero magi-improve pa ito sa susunod na software update.
Overall, masasabi natin na mabilis talaga ang phone na ito. At sa experience ko sa almost 12 hours na paggamit ay napaka-snappy, ang bilis mag-load ng mga apps, ang bilis i-close ng mga apps, walang hang at sobrang smooth lang. Para akong gumagamit ng iPhone. Pagdating sa gaming, dito sa Asphalt Unite. Lahat ng graphics ay na-generate nitong Pixel 8 at hindi naman ako nagtaka dahil ang ganda talaga ng performance ng phone na ito. Walang lag, walang frame drops, at sobrang smooth lang. Kung magpapatakbo tayo ng mabibigat na games ay mage-enjoy tayo.
Camera
Ang main shooter nito ay 50MP f/1.7 OIS, Ultrawide ay 12MP f/2.2, at 10.5MP Selfie Camera. Ang selfie video recording nito ay 4K video recording at grabe dahil maganda rin ang audio. Pagdating sa vlogging, pwedeng-pwede natin ito gamitin dahil meron itong EIS at hindi ito ganun kaalog. Nagustuhan ko rin ang overall na skin tone dahil hindi maputla, hindi madilaw, at hindi overly saturated. Naba-balance din nito ang exposure at kung gagamitin natin ito sa labas at maaraw ay hindi tayo magaalala.
Ito ang sample video screenshot:
Ito ang mga sample photos:
Battery
Meron itong 4575mAh na malaki-laking jump sa 4300mAh ng 7a last year. Pagdating sa charging ay compatible ito sa 27W na wired charging, 18W na wireless charging, at may reverse wireless charging.
Conclusion
So far, nagustuhan ko itong Pixel 8. Hindi naman ako nabigo at hindi rin naman ako na-disappoint sa phone. Kahit na Php34K ay enjoy na enjoy ako at sobrang ganda ng performance. Kung gusto niyo ng pure stock Android, as in walang halong bloatware, at walang kahit anong ads, Google Pixel ang makakapagbigay sa atin ng ganitong experience.
Nabili namin ito sa Gaming Xtreme, hindi ito sponsored, gusto ko lang i-recommend kasi alam kong marami sa inyo ang naghahanap ng safe na mabibilhan ng Google pixel phones. Meron din silang mga past na Google Pixel, Tablet ng Google, at kahit Pixel Buds ay meron din sila.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada: https://invol.co/cllhpuj
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: