Mag-review tayo ngayon ng TWS or headphones. Ito ang TWS ng Edifier, meron silang pinadalang tatlong product. Dalawa doon ay TWS at isang headphone.
Price
Ito ang NeoBuds Pro 2. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price. Meron itong dalawang color option, Black at Ivory, Ivory ang nasa atin.
Unboxing
Nakabalot ito sa brown box para sa added protection. Color white ang box nitong TWS kaya siguradong spotless ang mare-receive nating NeoBuds Pro 2. Nasa harap ang ilan sa top feature nito kasama na ang Hi-Res Audio at 22 hours of battery life. Tangalin lang ang sleeve at pag-open ay makikita na ang NeoBuds Pro 2. Sobrang elegante ng Ivory colorway. Ang ganda rin ng LED light sa harap ng charging case at USB-C na ito.
Medyo nakulangan lang ako kasi sa ganitong presyo ay wala pa ring wireless charging. Sa ilalim naman ng box ay may maliit na box na may lamang USB-C to USB-C cable, free pouch, at extra ear tips.
Masasabi ko na kapag suot na natin ang NeoBuds Pro 2, comfortable ito. Hindi awkward at hindi naka-protrude sa tenga natin. Kahit suotin ko ito sa public ay hindi ako mahihiya. Lapat na lapat rin ito sa tenga kaya kumpiyansa tayo na hindi ito basta-basta malalaglag.
Tapos ang design ng earbud ay hindi tipikal na itsura na makikita natin sa ibang brand. Mas futuristic ang dating nito pero at the same time ay napaka-disente naman. Meron din itong IP54 na rating, splash and dust proof ang TWS na ito. Hindi tayo magaalala kung sakaling matalsikan ng tubig at maalikabukan, hindi ito agad-agad papasukin.
Battery
Pagdating sa battery life, kagaya ng sa box ay 22 hours daw. Pero ang 22 hours na iyun ay kasama ang battery life ng charging case. Kapag naka-on ang ANC at ginamit natin ng tuloy-tuloy ang earbud, tatagal ito ng 4 hours. Pero kapag hindi naman, tatagal ito ng 5 hours and 30 minutes at 16.5 hours sa charging case. Pagdating naman sa codec, may support ito sa LDAC, LHDC, at AAC. AAC ang default na codec na magagamit natin dito sa NeoBuds kapag kinonek na natin ito. Kapag kinonek natin ito sa iPhone or Android na walang support sa LHDC at LDAC, AAc ang gagamitin nito.
Kailangan ninyo tandaan, na para magamit ang LDAC at LHDC codec ay kailangan compatible ang device mo dito. Meron tayong Xiaomi 13T Pro dito at isa ito sa mga phone sa ngayon na may support sa LDAC at LHDC version 5 na codec. Itong NeoBuds Pro 2 ay may support sa Google Fast Pair, pag-open natin ay automatic na made-detect na agad ng google phone.
Make sure din natin na naka-install ang companion app na Edifier Connect. Para ma-maximize natin ang mga features ng TWS na ito. Sa app makikita na natin ang battery status ng bawat earbuds at charging case. Pwede rin natin i-enable ang ibang feature kagaya ng noise cancelation, ambiance sound, at wind reduction.
Sa sunod naman na page makikita ang ilang sound mode, music mode, at game mode. Yung game mode dito sa NeoBuds Pro 2 ay aabot ng 18 milliseconds na latency. Mababa naman iyun pero maraming earbuds sa ngayon ang may support sa 14 milliseconds na latency. Kung focus natin talaga ay gaming, hindi ito para sa inyo. Pagdating sa sound ay doon mage-excel itong NeoBuds Pro 2. Meron din itong support sa spatial audio.
Next page ay pwede natin i-customize ang equalizer, meron din itong preset na classic at dynamic. Sa last page naman ang LED effects. Yung ilaw sa harap ng charging case ay pwede natin palitan ng kulay.
Balik ulit tayo sa first page. Para ma-enable ang LDAC at LHDC, punta lang sa settings > HD audio codec. Make sure na naka-enable ang LDAC at LHDC. Tapos, kapag pinuntahan natin sa Bluetooth settings, kailagan makikita sa codec ay LHDC or LDAC. Pero AAC pa rin ang nakalagay. Para mabago ay puntahan lang ang settings ng earphones, i-enable lang natin ang LHDC.
Meron pa kayong isang kailangang tandaan. Sinubukan ko sa Spotify itong NeoBuds Pro 2 sa pagaakala na mae-experience ko ang LDAC or LHDC pero hindi pala. Kasi ang Spotify ay walang support sa LDAC or LHDC. Supported lang nito ang AAC at nasa 48.1 kilohertz lang ang sound quality na maririnig natin dito. Napakalayo sa lossless quality. Tinry ko rin ang Apple Music, meron itong lossless audio pero ang codec ay ALAC. Gagana lang ang ALAC sa AirPods at sa iba pang TWS na may support sa ALAC. Pero itong TWS ay walang support sa ALAC.
Ang may support daw na streaming service sa LDAC ay Tidal at Deezer. Chineck ko guys ang Tidal na application, ang monthly service nito ay mahigit Php500 kaya hindi ko na tinry. Hindi din compatible ang Tidal sa lahat ng Android phones. Kung gusto mo magamit ang LDAC or LHDC habang nakikinig ng music ay pwede niyo gamitin ang Tidal na application. Ang sasabihin ko ngayon na audio quality nitong NeoBuds Pro 2 ay base sa default audio codec na AAC.
Pagdating sa maximum volume nitong Edifier NeoBuds Pro 2, hindi ako na-satisfy. Hindi ito ganun kalakas kahit i-enable natin lahat ng features sa companion app at itodo ang volume sa phone, talagang nabitin ako. Hindi ito mahina pero para sa isang earbuds ay hindi sapat ang maximum volume nito. Pero pagdating sa bass ay okay naman, may nafe-feel akong palo pero hindi sobrang lakas. Pwede naman natin customize ang equalizer para ma-satisfy tayo sa palo ng bass. By default, medyo soft ang palo ng base but in a good way. Saktong-sakto naman ang audio quality at mage-enjoy ka pa rin naman. Okay naman ito pero nag-expect ako ng mas mataas pa, lalo na sa maximum volume. Sa tingin ko, kung mas maganda pa ang maximum volume ng TWS ay mas ma-appreciate ko ang bass.
I-try natin ang spatial audio. Ang spatial audio ay parang live na sound stage, at kung saan mo i-turn ang ulo ay magbabago din ang tunog. Para magawa iyan, puntahan lang ang Edifier connect. Sa susunod na page ay may spatial audio, pindutin niyo yan. Makikita niyo na kapag ginagalaw ang ulo ay sumusunod din ang nandito sa application. Sobrang trippy talaga, dahil kapag nakikinig tayo sa music at naka-spatial audio tayo, talagang sumusunod ang sound at nagbabago ang volume ng TWS. Sobrang immersive nito at lalo na kung ang pinapakinggan mo ay live concert. Ang laking factor nito para bilhin natin itong Edifier NeoBuds Pro 2, kung gusto natin maranasan ang spatial audio sa isang Android phone.
Price
Sunod naman natin pagusapan ay itong Edifier X3 Lite. Ang color option naman nito ay gray at ivory.
Price
Huling paguusapan nating Edifier product ay ang kanilang headphones. Ito ang WH700NB headphones. Maraming color option ito, black, ivory, at navy blue. Magaan lang din ito WH700NB, 271 grams lang kaya hindi sasakit ang ulo natin dito. Yun nga lang ay medyo makapal talaga ang headphones na ito kaya halatang-halata sa ulo natin. Pero kung gagamitin natin ito indoor, byahe, or sa eroplano, ay okay lang.
Verdict
Maraming salamat sa Edifier sa pagpapadala ng mga product na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Neobuds Pro2:https://s.zbanx.com/r/tMT6Zb5S7P96
X3 LITE:https://s.zbanx.com/r/7b0jO822ga22
WH700NB:https://s.zbanx.com/r/g13Y150U70x6
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: