DuoQin F22 Pro – ANDROID PHONE NA MAY KEYPAD?!

STR with DuoQin F22 Pro

Kung naghahanap ka ng phone na napaka-nostalgic ng feels. Parang mga phone noong early 2000s na mayroong keypad pero may Android operating system. Ito na siguro ang hinahanap mo, ang DuoQin F22 Pro. Meron itong keypad pero Android pa rin ang operating system. Gusto natin malaman kung, sino ba yung dapat bumili nito? At sulit ba talaga ito bilhin over other entry level phones sa market?

Price

As of writing this article, ang price nito ay Php7,013 at may kasamang freebies na makikita ninyo mamaya. Yung binili namin na F22 Pro ay mayroon ng pre-installed na Play Store. May option naman na ikaw na ang mag-install ng Play Store, may tutorial sa Lazada page. Nasa baba ang link para ma-check mo.

Unboxing

Ang liit lang ng box nitong DuoQin 22 Pro compared sa mga typical Android phones. May freebies itong kasama na USB-C earphones, 10W charging brick, dalawang tempered glass, at applicators. Pag-open ng box, una nating makikita ang F22 Pro. Mahirap ito matangal sa box dahil sa nakakabit na yung jelly case nito. Protected naman ang phone out of the box at meron nang naka-install na matte screen protector. Sa ilalim naman ng box ay may SIM ejector pin, cable, at documentation.

Bar phone talaga ito, pahaba at sobrang kakaiba, compared sa typical phones na mabibili natin sa ngayon. Meron itong keypad na T9 keyboard na kagaya ng mga early 2000s phones. Noong in-open ko ang phone ay naka-set up na ito kasi nag-install sila rito ng Play Store. Para ma-unlock ang phone ay may combination keys na kailangan pindutin. Kailangan nating pindutin ang function at asterisk button. Maliit lang naman ang bezels nito at pleasing pa rin sa mata. Flat na flat din ang keypad maliban sa bilog na navigation buttons.

Camera lang ang makikita natin sa likod at branding. USB-C port at main mic sa may ilalim. Sa taas naman ang IR Blaster. Ang selfie camera ang kakaiba sa phone. Malaking adjustment ito para makasanayan natin dahil nasa baba ito. Para ma-navigate ang screen ay pwede natin pindutin ang button at pwede ring i-touch.

Design

Good news dahil pwede ito sa 5GHz Wi-Fi connection kaya mabilis naman yung magiging connection natin. Meron din itong SIM tray at isang nano SIM lang ang pwede nating ilagay. Napakasarap pindutin ng keypad nito at may kaunting haptics na nakakadagdag sa experience. Sa Display settings, hindi natin magagawang dark mode ang interface. If ever na gusto niyo i-lock ang phone, pindutin lang natin ng isang beses ang end call at malo-lock na ang phone. Kapag mag-screenshot naman, volume down button + end call. Kung gusto natin ma-access yung recent apps ay press and hold lang natin yung return key.

Sa settings at Quick Key Settings, kung saan pwede kayo makapag-set ng application na mao-open sa bawat key from 1 to 0. Halimbawa, ini-set ko ang number 5 para ma-open ang camera application. Press and hold lang yung 5 at mao-open na yung camera. Pero tandaan niyo lang na mao-open lang yung application sa home.

Kamusta ang typing experience? Dahil nasanay na tayo ngayon sa touch screen. Comfortable ba mag-type dito? Hindi. Hindi ito global version kaya naman yung keyboard nito ay may Chinese characters. Kapag magta-type tayo ay kailangan natin pindutin yung numbers at number sign para lumabas ang alphabet. Mas matagal mag-type sa phone compared sa mga qwerty keyboard. Sana in the future ay magkaroon ng global version ang phone para mas madali sa atin na mag-type. Kapag ito yung ginamit nating phone para mag-send ng messages at SMS ay matatagalan talaga tayo. Talagang napakalaking adjustment ang kailangan ninyong gawin para masanay kayo sa pagta-type.

Performance

Yung operating system nito ay Android 12 and on paper ay naka-Helio G85 ito. Pero napansin ko lang sa Info HW app, Helio G70 yung lumalabas. Ang nakuha nating score sa AnTuTu ay 211380. Kapag ito ang phone natin ay huwag niyong i-expect na sobrang bilis ng performance, basic na basic lang talaga. Nakakalungkot na hindi tayo makakapaglagay ng micro-SD card.

Specification:

Display

Maganda yung display nito at hindi naman ako nabitin kasi maliit. 3.54″ to be exact at 640×960 yung resolution. Para sa ganitong kalaki na screen ay sapat na sapat yung resolution. Talagang sharp naman yung mga text at images na makikita natin. Pero pagdating sa media consumption ay mahihirapan tayo kasi kapag ini-landscape natin ay hindi na ito comfortable hawakan. Depende na lang sa inyo kung makakasanayan niyo. Sayang lang ay hindi tayo makakapag-swipe up sa navigation key kapag nagti-TikTok.

Camera

Specification:

Pagdating sa quality ay huwag na kayo mag-expect ng ganun kalaki. Hindi sharp pero pwedeng-pwede mag-take ng photos.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang sample video screenshot:

720p yung pinakasagad na resolution na pwede natin ma-record. Medyo awkward talaga dahil nasa may gilid yung camera. Pagdating sa quality ay medyo wash out na, hindi ganun kaganda, at hindi ganun ka-accurate yung kulay natin. Pero at least ay meron tayong magagamit na camera kung talagang kailangan natin.

Battery

Specification:

Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 10% sa battery at 1°C lang ang nadagdag sa temperature. Hindi ito ganun kabilis uminit dahil hindi naman powerful ang chipset nito. Pero pagdating sa battery consumption ay saktuhan lang. Hindi ito matipid kung magpapatakbo tayo ng mabigat na application. Kung basic social media application ay sigurado magtatagal ito sa atin ng 1 whole day sa isang charge.

Conclusion

Iyan na lahat ng mga gusto kong i-share tungkol sa F22 Pro. Sulit ba bilhin ang phone na ito? Nasa Php7,000+ ang presyo nito kung magpapadagdag kayo ng Google Play Store. Kung gusto mo ng makakatulong para mabawasan yung mga distractions from social media or pagcha-chat, okay itong phone na ito. Makakatulong ito para malayo muna tayo sa social media. Hindi nakaka-enjoy gamitin ang mga social media application sa phone na ito. Pero if ever na kailangan mo talaga gumamit ng social media ay possible dahil Android ito. Pero pagdating sa typing, hindi talaga ito comfortable gamitin.

Para sa akin, nakikita ko na magandang gumamit nito ay mga anak natin. Kasi hindi talaga sila makakagamit ng sobrang tagal. At sa mga naghahanap ng backup phone or secondary phone para sa calls or occasional na pag-text, ay pwedeng-pwede sa atin itong phone. Pero considering na nasa Php7,000 ang presyo nito na kung tutuusin ay makakabili na tayo ng magandang entry level phone, sa tingin niyo ba ay iko-consider niyo itong F22 Pro? Sana sa susunod na alteration ng DuoQin sa kanilang Android phone na may Keypad, ay sana parang Blackberry na naka-QWERTY na para hindi tayo struggle sa pagta-type.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clmh5nz

About Author