Price
Ang presyo nitong Doogee T20 Ultra ay Php14,067.24. Nasa baba ang link kung gusto mo i-check ang updated price.
Unboxing
Bihirang-bihira sa mga Android tablet ngayon na ganito ang presyo at 12GB na ang RAM. Sa harap ng box makikita ang itsura ng tablet. May talong kulay ang tablet: Blue, Gray, at Black. Ang iu-unbox natin ngayon ay color Black. Pag-open ng box ay makikita ang tempered glass. Meron na rin itong naka-install na screen protector. May kasama na rin itong Folio Case. Meron din itong 24W charging brick na USB-A ang port, documentation, screen protector accesories, SIM ejector pin, at USB-C to USB-A cable.
Design
Ang laki ng tablet na ito at manipis din. Sa likod ng tablet ay matte finish at may Doogee Branding at Hi-Res Audio sticker. Sa isang side ay may dalawang speaker. Ang Kabilang side naman ay may dalawang speaker ulit, USB-C port, SIM tray, at headphone jack. Hybrid ang SIM tray, pwedeng dalawang SIM or isang SIM at SD card. According to Doogee, up to 2T micro-SD card ang pwede isalpak dito. Sa ibabang part ng tablet makikita ang pogo pins para sa wireless keyboard. Sa top part ay ang power lock button at volume up and down button.
Pantay ang bezel ng tablet. Premium ang feels at mas immersive ang paggamit dito. May selfie camera ito sa gitna kapag naka-landscape mode.
Display
Specification:
Sa website ng Doogee, ang resolution nito ay 2K. Pero ang 2K kasi ay 1440p at ang resolution nito ay 1200 lang. Kaya 1.5K lang talaga ang resolution nito. Pero sa YouTube, ang max resolution ay 1440p kaya baka ito ang reason kung bakit nila inilagay ang 2K. Ang Aspect Ratio ay hindi 16:9, kaya may empty part sa taas at baba kapag nag-play ng video. Hindi naman noticeable at hindi naman sobrang kapal. Sharp naman ang images nito. Malakas din ang speaker ng tablet at maganda ang quality.
Maganda din dahil ang Widevine Security Level nito ay Level 1. Sa Netflix, ang Max Playback Resolution ay Full HD. Kahit na 1200p ang resolution ng tablet na ito, masasabi ko na hindi ganun kaganda ang quality. Kapag tiningnan niyo ang mga letters at icon ay hindi sharp. May doubt talaga ako na legit 1200p ang resolution nito dahil sa chipset na G99. Ang Helio G99 ay may limitation, 1080p lang ang resolution na supported nito.
Performance
Naka Doogee OS ang tablet, Android 13, Helio G99 chipset, 12GB physical RAM, at 256GB internal storage. Ang Doogee OS na inilagay dito ay hindi ganun ka-polished. Ang laki ng mga gap ng icons pero nalalakihan naman sa settings. Kapag nilakihan naman ay magco-compress ang mga text sa settings. Ang mga icons din na nasa loob ng dock ay hindi nakagitna. Ang laki ng space sa bandang gitna.
Pagdating sa gaming dito sa Asphalt 9, na-handle nito ng maayos ang game. Wala namang frame drops at lag. Supported naman nito ang 60Hz na gameplay. Acceptable na ang na-generate nitong graphics at very playable naman for the most part. Ang Antutu score na nakuha ay 384790.
Battery
Itong tablet ay may 10,800 mAh na battery capacity. So far, ito ang pinakamalaking battery capacity na nakita ko sa Android tablet. Ang problema ay ang 18W na charging speed nito. Nang i-charge ko ang tablet from 8% to 100%, inabot ako ng 3 hours. Ang SoT naman ay umabot ng 12 hours and 10 minutes. Malaki na iyan para sa isang tablet. Usually, ang nakukuha ko sa Android tablet ay 8 to 10 hours lang. Ang ganda rin ng pagkaka-design nila dito sa tablet. Hindi mo ramdam na malaki ang battery capacity nito dahil sa gaan ng tablet.
Verdict
Itong Doogee T20 Ultra ay designed talaga para sa mga naghahanap ng tablet na malaki ang display. Malaki rin ang storage nito at RAM. Kahit ilang application ang buksan natin at once, hindi agad magha-hang itong tablet. Yun nga lang ay hindi pa ganun ka-established ang reputation ng Doogee pagdating sa software update. May natangap naman akong dalawang software update dito, pero hindi natin sure kung hanggang kailan iyun. Stable ang mga skin ng ibang brands pero hindi pa maayos ang skin nitong Doogee.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://doogeemall.com/products/pre-o…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: