May ipinadala sa akin ang Doogee, ito ang kanilang bagong mini rugged phone. Bihira ako makahawak ng mga ganitong klase ng phone na ang liit ng form factor at rugged pa.
Price
Maniwala kayo sa hindi, almost Php17,000 ang presyo nito. Pero as of writing this article, may current price itong Php14,585.37. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price.
Unboxing
Ang lakas maka-Poco ng box. Pahaba ang itsura ng box, makikita din ang ilan sa specs ng phone. Pag-open ng box, makikita natin ang 18W charger na USB-A port at ang Smini na nasa plastic. Dahan-dahan lang tayo sa pagtangal sa cover ng screen protector. Meron din itong USB-C to USB-A cable, extra screen protector, user manual, at warranty card.
Design
May rear display ito at hindi ko sure kung ito ang nagpamahal sa phone. More on gimmick lang ito dahil nakalagay sa display na 83% ang battery remaining pero sa icon ng battery ay 20% nalang. Hindi ako nagtitiwala sa information na nasa rear display ng phone. Kahit wala ito ay magagamit pa rin natin ang phone. Hindi rin ito touch screen. Kahit ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano naa-activate ang display, minsan namamatay at kahit anong gawin ko ay hindi naga-activate.
Pagdating sa weight ng phone na ito, 155 grams to be exact. Ang S23 Ultra ay 234 grams, less than 100 grams ang weight ng phone at magaan talaga. Sa display, ang kapal ng bezel nito. Walang notch pero dahil rugged ay kinapalan talaga nila. Ang bawat gilid ng phone ay may rubber at half ng frame ng phone ay rubber. Pero ang ibang part ay stainless naman na may x design at turnilyo, rugged talaga ang itsura.
Meron itong customizable key at SIM tray. Ang SIM tray ay hindi na kailagan gamitan ng SIM ejector pin, kuko lang at hatak. Hybrid ang SIM tray at pwede tayo magsalpak ng up to 2TB na micro-SD card. Sa kabilang side ay may power lock button na may fingerprint scanner at volume up and down buttons. Sa taas ay walang makikita, sa baba naman ang main microphone at USB-C port. Nagka-problem ako dito, ang luwag na ng cover ng port at minsan ay bumubukas ng kusa. Dahil nakabukas ito habang nagcha-charge ay nag-loose thread na kaya parang nawalan din ng IP rating. Sa likod naman makikita ang speaker, rear display, at dual camera setup.
Kamusta ang typing experience sa phone? Kasi ang liit lang talaga kaya hindi ito para sa lahat. Lalo na kung malaki ang kamay mo ay mahihirapan ka gamitin ang phone. Kung ganun ang kamay mo ay i-skip mo na ito agad dahil mahihirapan ka talaga. Sa keyboard settings, wala ng option para habaan ang keyboard at sa typing experience ko ay okay naman. Pero good news, na kahit maliit ang phone ay 5GHz naman ang Wi-Fi connection nito. Dapat lang naman dahil sa price nito at medyo shock pa rin ako sa presyo ng phone. Kasi nung ipinadala sa akin ng Doogee ang phone ay wala pang presyo pero nung pag-check ko ng website nila ay nagulat talaga ako.
Display
Specification:
Pagdating sa quality, huwag na tayo masyadong mag-expect sa phone na ito dahil hindi naman flagship or mid-range ang level ng display. Pero kapag nag-play tayo ng videos dito ay may black bars na makikita. Pwede naman ito i-zoom pero ang laki na ng details na nawala. Tapos ang Widevine Security Level nito ay Level 3, hindi tayo makakapanood ng HD content sa mga streaming services.
Performance
Ang chipset nito ay Helio G99 at medyo gasgas na ang chipset na ito pero performer pa rin. Android 13 na rin ang OS nito at okay naman. Pero dahil Doogee ay hindi pa sila nakakapag-create ng reputation pagdating sa pagbibigay ng updates. Ang physical RAM ay 8GB at 256GB UFS ang storage nito.
Impressive naman ang Antutu score nito, almost half million ang score na 413543. Malaking tulong dito ang display dahil hindi ito demanding at maliit pa. Sa gaming, for the most part ay smooth naman at dahil naka-G99 ay doable sa gaming. Wala namang frame drops pero hindi lang nito na-generate lahat ng graphics sa Asphalt 9. Kayang-kaya naman nito ang gaming at smooth naman.
Camera
Meron itong 50MP na main shooter, 2MP na macro camera, at ang selfie camera ay 8MP lang.
Ito ang sample photo screenshots:
Ito ang sample video screenshot:
Surprisingly, ang camera ng Doogee Smini ay kaya mag-shoot ng hangang 2K 30fps. Pero medyo malala ang ghosting nito at parang hindi 30fps.
Battery
Specification:
Pagdating sa SoT na nakuha ko, 8 hours and 3 minutes lang. Very disappointing, naintindihan ko na 3000mAh lang ang kayang ilagay sa ganitong form factor pero sana na-optimize nila ng mabuti ang battery at operating system ng phone para at least 12 hours and SoT. Struggle pa ito umabot ng isang araw sa in real life usage.
Verdict
Bibilhin niyo ba itong Doogee Smini rugged phone? At the end of the day ay kayo pa rin ang magde-decide kung bibilhin niyo ang phone. Pero bibilhin ko ba ito? Hindi. Pero abangan niyo ang ibang products na ire-review natin.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Doogee- https://doogeemall.com/products/dooge…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: