Meron na namang bagong phone ang Doogee, ito ang N50 Pro. Hindi pa ako masyadong naka-move on sa Smini nila na na-review natin previously, ang mahal para sa isang maliit na rugged phone. Titingnan natin kung makakabawi ang Doogee dito sa N50 Pro.
Price
As of writing this article, ang updated price na nito ay $129.99. Kung ico-convert naman sa peso ay Php7,500+. Pero sa buong article, ang presyong gagamitin natin ay ang original price na $189.99 na kapag na-convert ay magiging Php10,500. Syempre, hindi pa kasama dito ang shipping fee.
Unboxing
Tangalin natin sa plastic ang box. Dilaw pa rin ang box at may makikitang sticker na may specification ng RAM at storage. Pag-open ng box, unang makikita natin ay ang nakabalot na N50 Pro at nakalagay na ito sa jelly case. Sa ilalim ng box, meron itong warranty card, user manual, SIM ejector pin, 18W charging brick na USB-A ang port, at USB-C to USB-A cable.
Design
Merong tatlong option na pwede niyo piliin; Black, Green, at Purple. Kapag walang jelly case, matte finish ang phone at may kaunting rough texture. Ang itsura nito ay hindi ganun kaganda para sa isang more than Php10,000 na phone. Ang naalala ko dito ay ang mga lumang realme phones na kaparehas ng texture sa likod. Dati okay ang ganung texture pero sa ngayon ay hindi ganito ang ine-expect nating design at texture para sa presyo.
Meron itong “Doogee” branding sa likod at medyo curved ang mga sides. Meron itong screen protector na pre-installed pero may tatangalin pa ring plastic. Ingat lang dahil baka magka-bubbles ang screen. Ang color ng SIM tray ay dark compared sa kulay ng ibang mga buttons, talagang magkakaiba ito ng shade ng kulay. Medyo bothering ito sa akin, parang hindi nila masyadong binigyan ng quality ang overall na design ng phone. Hybrid lang din ang SIM tray nito, sana ay may dedicated dual SIM slot at micro-SD card slot. Although hanggang 1TB ang micro-SD card na kaya nitong hawakan.
Meron pa rin itong notch selfie camera at ang kapal ng chin ng phone. Hindi mukhang Php10,000 ang phone at mukhang Php4,000. Pagdating sa single firing speaker ng phone na ito, dapat sana dual speaker na ito. Hindi rin ganun kaganda ang quality ng tunog. Although ang max volume ay sakto lang pero ang quality ay muffled na kapag sagad ang volume. Again, hindi pa rin swak sa presyo.
Display
Specification:
Hindi na naman swak ang display nito para sa presyo. Isipin niyo na para sa ganitong presyo, ang binigay lang nila sa atin ay HD+ na resolution. Sana man lang 1080p ang nilagay nila dito at punch hole ang selfie camera, at sana 120Hz or 60Hz ang refresh rate pero 60Hz lang! Tapos ang viewing angles nito ay hindi rin maganda. Isa pa sa hindi ko nagustuhan sa phone na ito ay ang brightness. Hindi ganun kaliwanag ang display nito. Kahit sagad na ang brightness ay hindi pa rin wash out sa camera. Mahirap ito gamitin lalo na sa outdoor.
Pero ang Widevine Security Level nito ay Level 1, makakapag-play tayo dito ng mga HD content sa mga streaming services. Yan ay kung gumagana ang Netflix application, kahit naka-install ang Netflix ay nagca-crash ito. Kahit na Level 1 ang Widevine ay hindi pa rin natin ma-maximum ang paggamit sa phone na ito.
Performance
Specification:
Meron itong memory expansion up to 12GB kaya may total itong 20GB of RAM. Malaki rin naman ang storage na 256GB pero sakto lang ang presyo para sa storage. Ang Antutu score na nakuha kapag naka-on ang memory expansion ay 264442. Kapag naka-off ang memory extension, tumaas ang score ng 267735. Yes, okay naman ang performance nito pero compared sa ibang phone sa ganitong presyo, ang baba ng score na iyan. Hindi na natin ito ite-test sa mga games, kaya naman nito pero kulang na kulang ang performance.
Camera
Ito ang sample video screenshots:
1080p ang max sa video recording. Sa quality, maliban sa madilim ay grabe ang ghosting kapag nagpa-pan. Parang IP camera ang hawak ko. Sinilip ko ang video properties ng video recording nitong N50 Pro, 15fps lang ito kaya ganito. Tapos ang selfie camera ay 8MP lang at ang pinakasagad na video resolution na pwede natin ma-record dito ay 720p lang.
Battery
4200mAh ang capacity nito at 18W ang charging speed. Kung paguusapan natin ang battery capacity nitong N50 Pro, hindi na naman sumasakto sa presyo. Karamihan sa mga entry level phone ngayon ay hindi bumababa sa 5000mAh na battery capacity, pero ito 4200mAh lang. Nakuha nating SoT dito ay 12 hours and 18 minutes. Ine-expect ko sa ganitong entry level phone ay aabot ng at least 15 hours of screen on time. Again, nakaka-disappoint.
Verdict
Bibilhin niyo ba itong Doogee N50 Pro? Siguro, hindi ko muna iko-consider ang Doogee sa mga options ng brands ng phone kung ako ang bibili. Kasi hindi ko pa makita ang solid na dahilan kung bakit iko-consider ko itong brand na ito at kung bakit magiging sulit ang kanilang product.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Amazon – https://doogee.cc/products/n50pro.html
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: