Haybriwan! Gusto ko lang i-share sa inyo ang naging experience ko dito sa action cam na ito na almost 2weeks ko na ring ginamit.
Ang i-rereview natin ngayon ay ang DJI OSMO ACTION 3 Adventure Combo, at ang presyo niya sa kanilang flagship store mismo ng DJI PH ay P25,690.00. At meron din silang Standard Combo sa halagang P19,690.00.
Unboxing
Pag-open natin ng box makikita agad natin agad ang Osmo Action Cam, multifunctional battery case, extension rod, at yung box ng accessories. At makikita natin sa top part ng box ay ang quick instruction at QR code para sa companion app.
At ang mga kasamang accessories pa sa loob ng box ay:
- 1.5 extension rod
- 3 extreme batteries
- multifuncional battery case
- 2 quick-release adaptor mount
- 2 locking screw
- flat adhesive base
- Type-C to Type-C PD cable
- Rubber Lens Protector
- Horizontal-Vertical Protective Frame
At kahit andami nang additional accessories nitong Adventure Combo ay manipis parin yung kangyang packaging.
Display
Itong OSMO ACTION 3 ay may dual touchscreens display na, yung nasa likod ay 2.25-inch, 360×640 resolution, 326 ppi. Ang nasa harapan naman ay 1.4-inch, 320×320 resolution, 326 ppi. At bukod sa malinaw, maliwanag ang display kahit outdoor ang display nitong OSMO ACTION 3 ay sobrang dali pang i-navigate yung mismong UI kaya kung magbabago ka ng settings ng action camera na ito ay wala itong kahirap-hirap. At ito pa ang maganda dyan, ang 2 display at ang lente ng OSMO ACTION 3 ay protected ng corning gorilla glass. Kaya hindi tayo mag-aalala na baka madali itong masira o magasgas.
Dahil nga sa 2 ang display niya mag-aalala ba tayo na maaksaya siya sa battery? Ang sagot ay hindi, kasi kapag nagrerecord na tayo ng video pwede tayong mamili kung ano ang bubuksan niyang display. Halimbawa kung gagamitin natin yung display sa harap i-double tap lang natin yung display sa harapan para ma-unlock at automatic yung display sa likod ay mamatay.
Camera Performance
Ang nakakabilib sa OSMO ACTION 3 ay ang kanyang stabilization dahil sa RockSteady 3.0 na siya at meron pang HorizonBalancing at HorizonSteady.
At para sa iba pang specs ng OSMO ACTION 3
SENSOR | 1/1.7-inch CMOS |
LENS | FOV: 155° Aperture: f/2.8 Focus Range: 0.3 m to ∞ |
MAX PHOTO RESOLUTION | 4000×3000 |
ZOOM | Digital Zoom Photo: 4x Video: 2x (> 60fps), 3x (≤ 60fps, HorizonSteady On), 4x (≤ 60fps, HorizonSteady Off) Slow Motion/Timelapse: Not available |
SLOW MOTION | 4K: 4x (120fps) 2.7K: 4x (120fps) 1080p: 8x (240fps), 4x (120fps) |
BATTERY CAPACITY | 1770 mah |
OPERATING TIME | 160 mins |
At gusto ko lang ipaalam sa inyo na may limitation kapag gagamit tayo ng ultrawide na FOV ang stabilization na pwede nating magamit ay RockSteady lang. Pero OK lang naman kasi stable naman yung RockSteady niya.
Verdict
Ang no.1 na nagustuhan ko dito sa OSMO ACTION 3 ay ang kanyang pagiging user friendly dahil sa kanyang daling i-navigate at konting time lang ang nagamit ko para matutunan yung kanyang settings kumpara sa ibang action camera. Ikalawa, yung kanyang display kasi sobrang reponsive sa bawat touch natin maganda to lalo na kapag nagmamadali tayo. Pangatlong nagustuhan ko ay ang kanyang Mounting System dahil sa sobrang unique nito. Dahil sa magnetic ito sobrang dali niyang i-mount at pwede pa na ikabit pa-vertically gamit ang kanyang protective case, kaya pwede ka magshoot ng mga video vertically tulad mga facebook, instagram reels o tiktok. Panghuli, yung kanyang battery life dahil sobrang tagal niya bago ma-lowbat.
Ikaw, ito na ba ang Action Camera na bibilhin mo? Paki-comment naman kung ano ang nagustuhan mo dito. At kung gusto mong makita ang ilang mga video footage ng OSMO ACTION 3 bumisita ka lang sa ating Youtube Channel at kung hindi ka pa naka-subscribe ay mag-subscribe ka na rin.