Tuwing December, marami talaga ang gustong mag-upgrade ng kanilang phone dahil na rin sa nakukuha nilang 13th month pay. Sa dami ng mga phone brands, alam kong isa pa din ang Huawei sa top choice ng mga tao na maging daily driver nila. Pero aminin natin na madaming napapaharap na issue sa Huawei ngayon kaya madami ding tao ang nagdadalawang-sip na bumili ng Huawei phones, kasama na ang 5G connectivity. Kahit flagship phone pa ang Huawei, hanggang 4G lang talaga ang kaya niyang ma-provide. At ngayong 2022, nawala na din ang matibay na relationship ng Huawei at Lyka kasi ang Lyka ay napunta na sa Xiaomi. So solo flight na pagdating sa camera system ang Huawei.
Pero kahit na ganun, nakita natin na Top 1 pa din ang Huawei sa DXOMARK. Natalo niya pa ang iPhone 14 Pro Max at mga Google Pixel phone. Ibig sabihin, wala tayong masasabi sa Huawei pagdating sa hardware kasi maganda talaga. Idagdag pa na meron na sila ngayong Kunlun Glass na sobrang tibay talaga at na sa tingin ko ay magiging major competitor ng Corning Gorilla Glass.
Pero isa na sa mga dahilan bakit nagdadalawang-isip ang mga tao na bumili ng Huawei Phones ay dahil wala itong Google Mobile Services at ilang taon ng issue ng Huawei iyan. Kailangan pa nating matuto ng mga workaround para ma-access natin ang mga Google applications. Ibig sabihin, kapag bumili tayo ng Huawei Phones, wala itong Google Mobile Services kundi meron itong Huawei Mobile Services. Kaya ang malaking tanong ay: DAPAT KA BANG BUMILI NG HUAWEI PHONES? Pag-usapan natin.
Ang Huawei App Gallery ang 3rd biggest app store sa buong mundo. Pero hindi ibig sabihin ng 3rd biggest ay complete. Ibig sabihin, meron pa din mga apps na gusto nating i-install sa Huawei phone natin na wala sa App Gallery ng Huawei. Kaya kapag bibili ka ng Huawei phone, dapat ready ka sa mga consequences na iyon at dapat ready ka sa mga workarounds. Kung bibili ka ng Huawei phone, ready ka ba sa mga additional steps? Kung nagtatanong ka kung mahirap ba o madami ba ang mga additional steps, tapusin mong basahin ito.
Ang gagamitin natin ngayon ay Huawei Nova 9. Ang current price nito sa Lazada ay PHP19,999. Kung gusto niyo itong phone na ‘to, click mo lang itong link: https://invol.co/clfi88g. Malapit pa din naman ang camera nito at maganda ang display at performance. Hindi ko nabigyan ng full review itong Huawei Nova 9 pero bibigyan ko kayo ng preview sa kanyang battery life. Kapag naka-set sa Smart ang resolution at Dynamic ang refresh rate, nakakuha tayo ng 11 hours and 45 minutes. Pero kapag sinet naman natin into Low Resolution (720p) at Standard (60Hz), nakakuha naman tayo ng 13 hours and 17 minutes. From 13%-100%, 42 minutes lang ang kanyang charging time.
SETUP
After natin mag-select ng laguage at mag-input ng Wi-fi password, may makikita tayong mga Huawei services na pwede nating i-select. Pero by default, naka-select na lahat iyan. Hindi natin pwedeng i-uncheck lahat kasi kailangan nating pumili ng isa as per Huawei. So, ang pinili ko na lang ay Music Services. Huwag niyo ding kalimutang i-uncheck ‘yung Show notifications for events, prizes, and more in the Notification Panel.
Ang kasunod naman nating makikita ay ang Huawei Mobile Services. Dito natin pwedeng i-setup ang mga behavior ng ads. Pwede nating i-select ang Ad-ID statistics at i-on natin ang Disable collection of Ad-ID statistics. Then, i-scroll pataas at makikita ninyo sa may bandang baba ang Personalized ads at pwede niyong i-disable ‘yan.
Next naman any ang Share Analytics. Syempre mas lalong huwag niyong iki-click ang Enable diyan.
Next na makikita niyo ay ang User Experience. Ang suggestion ko ay i-click niyo ang Later para hindi makapag-collect ng information ang Huawei sa mga phone ninyo.
Last na makikita niyo ay ang Location Services. Depende na sa inyo kung komporatble kayo pero para sa akin, i-enable ko.
After niyong mag-setup, makikita niyo na ang default setup ng Huawei phone na bago. Sigurado akong mapapansin ninyo na medyo nakaka-annoy sa EMUI ng Huawei ay ‘yung mga suggested apps na naka-folder na lagpas sa lima. At ang panget diyan, hindi mo mare-remove ang folder na iyon ng isahan. Kailangan mong buksan ang folder at isa-isahing i-remove ang mga suggested app.
INSTALLING APPLICATIONS
Una siguro nating maiisip na i-install ay ang Facebook. So punta tayo sa App Gallery at i-search natin ang Facebook. Meron namang lalabas na Facebook at pwede na natin itong i-install from App Gallery. Kaya nga lang, ‘yung source ay hindi galing sa Huawei, ibig sabihin, yung APK ay outsourced o galing sa ibang website. Same situation kapag nag-install tayo ng Instagram. Parehas namang gumagana ng maayos ang Facebook at Instagram pero komportable ka ba talaga na galing sa ibang website yung APK file na in-install ng App Gallery sa Huawei phone mo? Kung babasahin natin ang security ng App Gallery, talagang chine-check naman nila at ini-scan naman nilang mabuti ang mga APK na nahanap ng Petal Search or ng App Gallery bago ito ma-install sa ating Huawei device. Pero again, komportable ka ba jan?
Next naman natin i-install ay ang Google Applications. Una na jan ay ang Youtube. Kapag sinearch natin sa App Gallery ang YouTube, meron namang lalabas kaso nga lang web application lang. Ibig sabihin, dadalhin ka lang sa web browser ng Huawei, hindi talaga siya YouTube application na gawa ng Google. Okay naman, gumagana naman at makakapanood tayo ng mga YouTube videos pero hindi siya ganun ka-convenient compared sa dedicated na YouTube application. Before, ang suggestion kong solution ay G-Space. Pero ngayon, ang ire-recommend ko na ay G-Box.
Basically, ang G-Box ay gumagawa ng virtual android phone para ma-access natin ang Google Mobile Services. Kapag natapos na tayong mag-install ang isang application galing sa G-Box, mag-o-offer siya na gawan ng home screen shortcut ang application na iyon na para bang natively na-install ‘yung application sa ating Huawei phone. Nag-try din akong mag-install ng Google Maps and perfectly working din at walang issue. Kumpara sa G-Space, mas mabilis magbukas ang application na in-install from G-Box.
ISSUES NG G-BOX
So pwede na ba nating sabihin na okay na pala gamitin ang Huawei dahil sa G-Box kasi mai-install mo na ang mga Google Mobile Services at magagawa mo na ang lahat katulad ng sa typical na android phone? NO! Example, ang secondary phone ko ay ang Huawei Mate XS 2. Ito ‘yung foldable ng Huawei na na-review ko before. Nag-install ako dito ng G-Box at okay naman siya so far. Ang isa sa mga reason kung bakit ako nag-install ng G-Box sa Huawei Mate XS 2 ay para ma-access ang mga android applications na nabili ko sa Google Play Store, kasama na ang NBA 2k20 at Rush Rally 3 na ginagamit ko pang-test ng mga phone na nirereview natin. Pero sadly, hindi ma-detect ng G-Box sa Huawei Nova 9 ‘yung mga nabili ko na ang application kahit na same lang naman ang Google account na ginamit ko sa G-Box at Google account na pinangbili ko sa mga application na iyon. Ang medyo weird lang, nangyari ‘yang issue na ‘yan sa Huawei Nova 9 pero hindi naman sa Mate XS 2.
Isa pang na-encounter kong issue ng G-Box dito sa Nova 9 ay hindi ako makapag-install ng mga games katulad ng Asphalt 9 at Real Racing 3. Talagang nag-e-error siya kapag na-download na niya at hindi nagtutuloy ang installation. Again, ang issue na ‘yan ay hindi ko na-encounter sa Huawei Mate XS 2.
Isa pang issue ay ang pag-i-install ng mga companion app katulad ng ating mga smart watch. Example, meron akong Fossil Watch at gusto kong mag-install ng companion app, wala ‘yan sa App Gallery kaya hinanap ko siya kaagad sa G-Box. Meron naman siya, pero again, hindi siya nagtuloy. Triny ko din ang companion app para sa mga Amazfit smartwatches pero ayaw din.
So, makikita ninyo na merong workarounds ang mga application na gusto natin na wala sa App Gallery. Pero pwede pa din natin ‘yan ma-access thru APKPure, G-Box at G-Space. Pero kagaya ng sinabi ko sa umpisa, hindi ibig sabihin ng 3rd biggest app store ay complete ang mga application, napakadami pa ding kulang! Kailangan pa nating maghintay siguro ng ilang panahon para maging confident tayo na meron ng applications ang App Gallery na kailangan natin. Kasi tignan niyo naman, ‘yung IOS ay hindi naman Android phone pero gumagana lahat ng Google Applications. Sana maging ganun ang Harmony OS o EMUI.
Ngayon, pwede mo ng masagot ang title ng article na ito: Dapat ka bang bumili ng Huawei Phone? Comment ka ‘jan sa baba.
Kung ano ang tatanungin niyo, kung basic user ka, typical user at gamer na maraming nabiling game sa Google Playstore, huwag na, mahihirapan ka lang. Depende na lang kung gagawin mong 2nd phone ang Huawei. pero kung techy ka at willing kang matuto ng ibang mga bagay, okay na okay sa’yo ang Huawei.
Yes, topnotch ang Huawei sa hardware. Pero pagdating sa software, kailangan nating pag-isipan mabuti kung bibili tayo ng Huawei phone. Kasi kahit anong ganda ng hardware ng Huawei, kung masa-sacrifice naman ang ating user-experience, baka magsisi lang tayo. Sana nakatulong ang article na ‘to!