Pag-uusapan natin ngayon itong Redmi Pad na worth PHP13,999 na 4/128GB variant. Ang isa pang variant nito ay 6/128GB na worth PHP14,999. Tignan natin kung ano ang pwede nating i-expect na performance sa tablet na ‘to para matulungan kayo na makapag-decide.
UNBOXING
Makikita natin sa box ang mismong itsura ng Redmi Pad. Meron itong nakalagay na Dolby Atmos na branding kasi meron itong apat na speakers na naka-Dolby Atmos. Pagka-open natin ng box, makikita natin agad ang Redmi Pad na nakabalot sa protective na tela na may nakasulat na top specs kasama na ang 90Hz na display, Helio G99 chipset, 8000mAh battery at unibody design. Meron din itong kasamang USB-C cable for charging, 22.5W charger na may USB-A na port, sim ejector pin at documentation.
Itong Redmi Pad ay flagship level na unibody design kasi hawig na hawig siya ng mga expensive na tablet tulad ng iPad. Metallic body na din siya. Sa likod, makikita natin ang single camera na walang LED flash which is para sa akin ay okay lang kasi hindi ganun kamahal ang tablet na ‘to considering the all over specs at hindi naman tayo masyadong magte-take ng photo dito sa tablet kasi may cellphone naman tayo. Sa may right side kapag naka-portrait mode, makikita natin ang volume up and down button, dalawang microphone at lagayan ng SD card. Sa may left side, wala tayong makikitang kahit na ano. Sa may bandang baba, makikita ang USB-C port at unang pares ng speakers. Sa taas, makikita naman ang 2nd pair ng speakers, powerlock button at Dolby Atmos na text. Sa harap, makikita ninyo na nakagitna ang selfie camera.
Remind ko lang din kayo na kapitin siya ng fingerprints ang likod dahil nga metallic body ang meron tayo dito. Pero syempre, hahanap tayo ng folio case para dito sa ating Redmi Pad para hindi masyadong mahalata ang mga smudges at fingerprints natin. Isa pa sa mga kailangan niyong tandaan ay kapag bumili kayo nitong Redmi Pad ay wala itong pre-installed na screen protector.
Compatible na din itong Redmi Pad hindi lang sa 2.4GHz WIFI connection kundi sa 5.0GHz WIFI connection which is malaking advantage para sa mga gagamit ng tablet na ‘to para sa mga video conference.
Isa pa sa mga kailangan niyong tandaan kapag binili niyo ang tablet na ‘to ay wala itong biometrics o fingerprint scanner. Ang meron lang dito ay PIN at Face Unlock na hindi ganun ka-secure.
SPEAKERS
Meron itong apat na speakers na supported ng Dolby Atmos which is good kasi mae-enhance pa ang tunog niya. Yes, ang tunog niya ay rich, hindi flat ang tunog, maganda naman kasi hindi tunog lata kaso nga lang nakulangan ako sa maximum volume niya. Hindi siya gaanong malakas kahit pa apat ang speakers nito pero malaking bagay talaga ang Dolby Atmos feature nito kasi kapag ino-off ko ang feature na ‘yun, nababawasan talaga ang quality ng tunog niya. So mas maganda kung naka-turn on palagi para ma-enjoy natin ang apat na speakers.
DISPLAY
Meron itong 10.61″ 1200 x 2000 resolution, 90Hz refresh rate at 400nits typical brightness. Basically, meron itong 2K resolution na sa tingin ko hindi pa din makokontento ang mga tao kasi marami ang naghahanap ng 10K resolution.
Pagdating sa quality ng display, okay naman ang kulay kasi hindi siya maputla. Usually, color ang nako-compromise sa mga murang mga Android tablets. Pero itong Redmi Pad, okay na okay ang kulay niya kasi hindi overly-saturated. Although, pwede nating i-customize ang Color Scheme. Gusto ko din kayong i-remind na ang viewing angle ng tablet na ‘to ay hindi ganun kaganda pero hindi naman ganun kalala compared sa mga mumurahing mga tablet sa ngayon.
Tignan naman natin ang kanyang Color Scheme. Punta lang tayo sa Display Settings at makikita na natin ang Color Scheme. Meron itong tatlong presets: Vivid, Saturated at Standard. Tapos, pwede din nating timplahin ang color temperature. Level 1 na din Security Level nitong Redmi Pad kaya makakapanood tayo dito ng mga HD content sa mga streaming services. Kahit sa mismong Netflix, Level 1 din ang Widevine Security at hanggang Full HD ang pwede nating mapanood.
Sa Refresh Rate settings, meron tayong dalawang option: Default at Custom. Sa Default, naka-90Hz siya pero bababa siya sa 60Hz kung kinakailangan. Pero sa Custom, kung gusto lang natin i-lock to 60Hz or 90Hz.
PERFORMANCE
Naka-MIUI 13.1.4 at naka-Android 12 na ‘yan, Helio G99 chipset, 4GB LPDDR4X RAM at 128GB UFS 2.2 internal storage.
Nakakuha tayo ng 314,354 Antutu Score. Not bad para sa isang Android Tablet, okay na okay na ‘yan! Meron din itong memory extension, ibig sabihin pwede nating gamitin ang memory storage para maging Virtual RAM. Pero kapag naka-off ang memory extension, ang Antutu Score na nakuha natin ay 315,706. So talagang pipili kayo kung gusto niyo ba ng mas mabilis na performance o gusto niyo ng additional headroom para sa mga multitasking at para hindi agad mag-hang.
Isa pa sa pinagmamalaking feature ng Redmi Pad ay ang Split Screen or Multitasking Feature. Syempre gusto nating ma-maximize ang paggamit sa 10.61″ screen ng tablet na ‘to. Swipe lang tayo pataas tapos lalabas na ang dock. Pili lang tayo ng isa pang app na gusto nating buksan then drag natin sa left or right. Kung gusto pa natin mag-open ng isa pang window, swipe lang ulit pataas then select ulit ng gustong i-open na app, then drag patass para mag-open ng floating window.
Pagdating sa gaming, hindi naman potato quality ang na-generate niyang graphics pero hindi naman ako naka-experience ng matinding lag at framedrops na makakasira sa game play. Ang maganda pa diya, pwede nating i-boost ang game play natin.
CAMERA
8MP ang main shooter nitong Redmi Pad at 8MP din sa selfie camera. Pero ang kakaiba sa selfie camera ay meron itong 100° field of view which is more than enough para sa mga video conferencing natin para wide ang kuha natin at hindi masyadong naka-zoom sa ating mukha.
Meron din itong Focus Frame na hindi ko akalaing ilalagay nila sa ganito kamurang tablet. Ang Focus Frame ay basically parang center stage sa IOS kung saan palaging mata-track ang mukha natin kahit saan pa tayo pumuntang part ng framing ng camera. Magandang feature ‘yun although hindi ko talaga siya napagana dito sa Redmi Pad. Comment kayo diyan sa baba kung paano niyo napagana ‘yung Focus Frame nitong Redmi Pad.
Ang isa pa sa maganda dito ay nasa gitna talaga ang camera kaya kapag nasa video conferencing tayo, nakatingin talaga tayo deretso sa camera.
BATTERY
Meron itong 8000mAh battery capacity na compatible sa 18W charging. ‘Yung charging break ng tablet na ‘to ay 22.5, so may pasobra ng kaunti. Natuwa talaga ako kasi 8000mAh ang nilagay nilang battery capacity which is very, very good dahil gagamitin talaga natin itong tablet na ‘to sa mga video conferencing, online class, research, video consumption at gaming.
Nakakuha tayo ng 19 hours and 31 minutes na SOT kapag naka-Default ang setting sa Refresh rate. Pagdating sa charging, from 28-100%, 2 hours and 54 seconds ang inabot.
Sa tingin niyo sulit ba talaga itong Redmi Pad lalo na ‘yung 4/128GB na variant? Comment kayo diyan sa baba!
Kung ako ang tatanungin, sulit siya kahit 4GB lang ang RAM natin. Pero kung meron naman kayong additional PHP1000, mas maganda kung ang bibilhin niyo ay ‘yung 6/128GB na variant para mas feture-proof para sa mga mabibigat na multitasking na gagawin para hindi agad mag-hang.
Ilang issue or room for improvement lang naman ang nakita ko tulad ng maximum volume ng speakers, sana nilagyan nila ng fingerprint scanner, sana maimprove ang focus frame at sana magkaroon din ng 8/128GB na variant ang susunod na Redmi Pad. Pero minor issues lang naman ang mga ito at hindi iyon makakapigil sa akin para sabihin na sulit talaga itong Redmi Pad.
Kung gusto niyong bumili ng Redmi Pad, click mo itong link: https://invol.co/clf2w2j