Baka may idea na kayo sa pag-uusapan nating Phone 1 ng CMF. Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang CMF ay sub-brand ng Nothing. Napakalaki ng resemblance nito sa mga Nothing phones na na-release previously. Pero ang isa sa pinakamalaking design factor nitong Phone 1 ng CMF ay napapalitan ang likod. Maliban sa phone na ito ay meron din silang ni-release na smartwatch at TWS, pero sa susunod na natin iyan pag-usapan. Magpo-focus muna tayo dito sa Phone 1.
Price
Specification:
Unboxing
Yung box nitong Phone 1 ay malaki yung resemblance sa previous Nothing phones. Maliban sa phone ay ia-unbox din natin ang iba pang accessories, kasama na ang tatlong Case, Card Case, Stand, at Lanyard.
Unahin muna natin ang Phone 1, makikita sa harap ng box ang itsura ng camera module pati ang screws ng phone. Nasa atin ang 8/256GB na variant. Ang kakaiba sa ibang Nothing phones, sticker lang ang kailangan nating tangalin para mabuksan ang box at walang pupunitin. Pag-open, makikita agad natin ang Phone 1 na nakabalot sa paper na balot. Pero naka-expose ang accessory interface o yung bilog sa baba pati ang camera module. Ang black cover ay matte at napakalinis ng itsura dahil hindi kapitin ng smudges or fingerprint. Sa ilalim ng box ay may USB-C cable, unique na orange SIM ejector pin, at documentation.
Open naman natin ang case, unahin natin ang Orange. Same na same ang texture sa default na back case, matte din kaya madali i-maintain. Sa loob ng box ay meron itong orange na accessory interface or bilog na screw, orange na SIM tray, orange na SIM ejector na may flat screwdriver sa kabilang side, at apat na screws.
Para matangal ang likod ng phone, tatangalin lang ang apat na screws pati ang accessory interface. Pagtanggal ng cover ay pwede na isalpak ang bagong back cover. Kung kayo ang tatanungin, ano ang favorite niyong back cover?
Unbox naman natin ang Card Case. Meron itong accessory interface na para lang sa case na ito. Matigas ang mismong card case at matte ang texture. Maganda naman at simple lang.
Ang Lanyard naman ay accessory interface lang ang kakaibang kasama sa box dahil kung wala ito ay hindi natin magagamit ang lanyard.
Sunod naman ang Phone Stand, instead na accessory interface na kasama sa Card Case ang gamitin natin ay pwedeng ito na.
Design
Itong orange muna ang ginamit ko sa pag-test ng phone pero pwede naman tayo mag mix and match. Nakaka-excite lang yung gagawin ng third party na mga brands para sa back cover nitong Phone 1 ng CMF. Sigurado ay may mare-release pa diyang gawa ng ibang brand na mas mura at mas unique ang itsura.
Itong Phone 1 ay may IP52 na rating, hindi ito agad mapapasukan ng tubig pero pwede ito mapasukan kapag malakas ang pressure ng tubig at depende sa anggulo. Mas madali rin pumasok ang dust compared sa ibang IP rating pero hindi rin naman basta-basta. May support na rin ito sa Wi-Fi 6 kaya mabilis na Wi-Fi connection ang mae-experience natin dito. Pagdating sa haptics nitong Phone 1, maganda naman ito at hindi ko na disable dahil nag-enjoy naman ako sa paggamit, pero hindi naman ito flagship level.
Single firing lang din ang speaker nito sa ilalim, malakas naman ito, maganda ang quality, at hindi sabog. Pero para sa ganitong presyo ay okay sana kung dual speakers. Overall, pagdating sa design nitong Phone 1 ay maganda talaga. Napaka-unique at bihira na lang tayo makakita ng ganitong design. Sa ngayon ay parang ito lang ang phone na nago-offer sa atin ng removable back cover. Malaking factor ito para mas ma-enjoy natin ang phone. Kaya lang mas okay sana kung ginawa nilang removable battery, naku po! Panalong-panalo sana dun ang CMF. Talagang madaming kukuha ng phone kung ginawa nilang removable battery, sayang talaga. Pero malay natin diba, na ang Phone 2 in the future ay removable ang battery.
Display
Meron itong 6.67″, AMOLED, 120Hz Adaptive Refresh Rate, 394 ppi, at aabot ng 2000 nits ang peak brightness.
Yung peak brightness ng phone, ito na dapat ang standard na peak brightness ng mga phone sa ngayon, lalo na mga AMOLED display. Para talagang clear na clear yung display kahit pa tirk na tirik ang araw. Sa paggamit ko sa phone, lalo na outdoor, ay talagang kitang-kita ko pa rin yung buong display at hindi ako nahirapan. Pagdating sa quality, kulay, overall display, at color reproduction ay panalong-panalo ito. Maganda ang phone at mage-enjoy tayo sa media consumption.
Sa DRM Info, ang Widevine Security nito ay Level 1. Good news din dahil sa Netflix, ang Widevine Security ay Level 1 din at ang max playback resolution ay Full HD. Wala lang itong support sa HDR. Pagdating naman sa Color settings ay dalawang preset: Alive at Standard. Yung Alive ay mas vibrant ang kulay na makukuha natin at mas natural naman sa standard. Pwede rin natin timplahin ang color temperature. Pagdating naman sa Screen Refresh setting ay may dalawang option: High at Standard. Yung High ay from 120Hz ay dapat na baba ito to 60Hz. According to CMF ay adaptive yung refresh rate nito pero check natin.
Sa test na ginawa ko, naka-120Hz ako at yan ang default kapag naka-high pero ilang seconds na ang lumilipas pero hindi pa rin ito bumababa to 60Hz. Automatic naman na bumaba ito to 60Hz depende sa application. For example, kapag ang isang game ay hindi supported ang high refresh rate gaming ay baba naman ito to 60Hz. Matakaw sa battery yung display ng phone dahil sa refresh rate. Sana sa susunod na software update ay ma-fix ito ng CMF para mas tipid sa battery.
Performance
Out of the box ay naka-Nothing OS 2.6 ito, on top of Android 14, Dimensity 7300 ang chipset, 8GB LPDDR5X ang RAM, 128/256GB UFS 3.1 ang storage, at pwede tayo maglagay ng up to 2TB na micro-SD card.
Ang promise ng CMF dito sa Phone 1 ay makakatangap ito ng 2 years Android major updates at 3 years naman na security updates. Confidently na masasabi ko sa inyo na maasahan natin ang software updates ng Nothing in general. Dahil upon testing pa lang ay nakatanggap na ako ng dalawang software updates, kaya talagang totoo ang sinasabi nila.
Itong CMF Phone 1 ay may tinatawag na RAM Booster or virtual RAM na up to 8GB. Ang Antutu score nito kapag naka-off ang RAM Booster ay 648239. I-on naman natin ang RAM Booster, tumaas ang score at naging 651629. Bihira ko ito sabihin at i-advice, gamitin ninyo ang RAM Booster dito sa Phone 1 dahil malaki ang jump sa performance.
Pagdating sa game, dito sa SpongeBob Cosmic Shake. Ang resolution natin ay naka-Ultra, FPS limit ay 120, at sa advance ay lahat naka-Ultra. Sa mismong gaming, may frame drop or lag ito sa umpisa ng game pero kapag nagdirediretsto na ay smooth na overall. Pwede mo naman babaan yung graphic settings pero sa sagad na graphic settings ay smooth naman. Maasahan naman natin ang Dimensity 7300 kahit pa sa graphic intensive na mga game.
Kung paguusapan natin ang thermals at battery consumption din, dito sa Wild Life Stress Test, yung nabawas sa battery ay 5%. Umabot naman ng 41°C ang temperature, starting to 35°C kaya nadagdagan ito ng 6°C. Not bad, pero sa susunod na software updates ay ie-expect natin na mas magiging maganda pa yung thermals na makukuha natin.
Camera
Meron itong 50MP f/1.8 na Sony IMX 882 Sensor na main camera, secondary camera na 2MP f/2.4 na Depth Sensor, at selfie camera na 16MP. Technically, sa point of view ko, ang Phone 1 ay single lang ang camera.
Ito ang mga sample photos:
Ito ang sample video screenshot:
Ang pinakamataas na resolution na pwede natin ma-record dito sa selfie camera ay 1080p/60fps. Pero pwede tayo makapag-shoot ng 4K sa main camera pero kapag in-on natin ang HDR ay magiging 1080p video recording ito. Pagdating sa quality ng Selfie video, okay naman ito, May something lang na pwedeng i-improve ang Nothing dahil medyo grainy ito sa madidilim na parts. Halata ko na grainy at hindi ganun ka-smooth ang galaw ko. Pero good start at magagamit naman natin ito sa vlogging kung gusto natin.
Battery
5000mAh ang capacity nito at capable sa 33W na charging speed. Napaka-decent ng nakuha nating SoT sa CMF Phone 1, 14 hours and 13 minutes. Ang settings ay naka-default ang refresh rate at 50% ang brightness. Sa real-life usage as mas malaking SoT pa ang makukuha natin kung hindi tayo gagamit ng graphic intensive na games or applicaiton. Pero dahil napakadami nating software updates na matatanggap ay magi-improve pa ito.
Ginamitan ko ng 100W na GaN charger from Ugreen itong Phone 1 para ma-test ang charging speed. From 14% to 100% ay 1 hour and 30 minutes ko lang ito na-charge.
Conclusion
Sa tingin niyo ba ay sulit bilhin itong CMF Phone 1? Kung ako ang tatanungin, sulit ito. Meron unique na feature ang phone, unang una ang design. Pwede nating ma-customize ang back cover, hindi lang para ma-satisfy ang cravings natin sa design ng phone at kulay, para mapalitan rin natin ang back cover if ever na madaming bagsak or na-damage ang likod. Napakadali lang na pagmukhaing bago ulit ang phone, bili lang tayo ng back cover.
Hindi lang natin bibilhin ang phone dahil sa design, bibilhin din natin ito dahil sa pagiging stock Android. Konting-konti lang ang dinagdag ng CMF or Nothing na mga features sa phone na ito pero sobrang close ito sa Pixel phone. Plus, maganda ang camera performance nito at pwede pang mag-improve dahil sa software updates. Napakatagal din ng software updates na matatangap natin sa phone. Panghuli, maganda ang battery life. Para sa akin ay sulit bilhin ang phone na ito.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clldoi7
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: