Way back 2007 to 2013 ay naglipana yung maliliit na laptops na kung tawagin ay Netbooks. Napakaliit lang nun at ini-design talaga para sa mga always on the go or palaging nagta-travel, gusto ng magaan na laptop, at basics office works lang yung ginagawa. Alam natin na wala na iyun dahil dumami na yung tablets. At sa ngayon, mas malaking laptop ay mas okay kasi kadalasan na kapag malaki ang laptop ay mas maganda ang specs.
Pero marami pa rin sa atin yung gustong-gusto ng compact or maliit na laptop. Dahil una, madaling dalhin, magaan, at kahit compact ay maganda pa rin ang specs. Dito papasok ang paguusapan natin ngayon na CHUWI MiniBook X, ang liit lang!
Price
As of September 20, 2024, ang current price nito ay Php19,468.17. Pero kapag sinamahan natin ng pen ay magiging Php20,583.82. Nasa baba ang link kung gusto mo ma-check ang updated pricing. Kung bibili na kayo ay gamitin mo lang ang code na SULIT para sa additional 15% discount.
Unboxing
Same pa rin ang box ng MiniBook X sa mga CHUWI laptop. Nasa atin ang 12/512GB na configuration. Pag-open ng box, ang una nating makikita ay isa pang maliit na box na may 36W na charger na USB-C port. Sunod naman ang MiniBook X na nakabalot sa tela. Noong una kong hinawakan yung MiniBook X ay may something talaga sa design nito na nagustuhan ko agad. Ito naman ang HiPen H8 na stylus.
Design
Sobrang liit, sobrang gaan lang, at saktong-sakto para sa mga palaging on the go. At gusto lang ng maliit na laptop na parang tablet, madaling ilagay sa bag, at hindi mabigat. Napaka-plain lang ng harap ng MiniBook X at walang kahit anong branding pero matte finish kaya hindi kapitin ng fingerprint at smudges. Nasa almost 1 kilo or 918 grams to be exact yung weight nito. At for me, para sa isang laptop ay sobrang gaan nito. Sa left side ay makikita natin yung audio jack at air vents para sa cooling system. Sa right naman makikita yung dalawang USB-C, yung isa ay pwede sa charging, data, at display. Nasa right side din ang power button. Sa ilalim ay may mga rubber feet at dalawang speaker sa magkabilang side na mukhang SD card reader.
Itong MiniBook X ay naka-Wi-Fi 6 na at Bluetooth 5.2. Latest naman at mabilis yung connection na pwede nating ma-experience kahit pa gamitan natin ng wireless keyboard, wireless mouse, or TWS. Check natin kung anong klaseng speed yung ma-expect natin dito pagdating sa browsing. Ang score na nakuha natin sa Browser Bench kapag Microsoft Edge ang gamit, 9.69. Sa Firefox naman ay 9.91, Chrome browser ay 11.33. Talagang basic na web browsing lang yung pwede nating ma-expect sa MiniBook X. Enough na enough lang yung speed na makukuha natin sa browsing, search, at pag-stream ng TV series. Yung score na nakuha ko naman sa Safari browser ay 25.1.
Ang kakaiba at special sa MiniBook X ay yung iba’t-ibang modes nito. Pwede natin itong gawing flat, gawing tent mode, at yung pinaka-favorite ko ay tablet mode. Pagdating sa tablet mode, masasabi ko na nasa comfortable side ito at pwedeng-pwede talaga. Meron lang kayong dalawang bagay na dapat i-consider kapag gagamitin niyo ito as tablet. Una, kapag naka-tablet mode ay medyo maa-annoy ka na lagi mo napipindot yung keys sa keyboard. Pero huwag kayo magalala dahil naka-disable ang keyboard at trackpad kapag naka-tablet mode. Tandaan na mabigat pa rin ito compared sa ibang mga Android tablet. Kahit na medyo mabigat at medyo makapal ay nasa comfortable side naman, lalo na kapag nasanay ka. Very responsive naman yung display kapag naka-tablet mode at talagang maliwanag yung screen kahit 50% lang ang brightness.
Kahit compact size ang MiniBook X, normal size naman yung mga keycaps kaya less pa rin ang error sa pagta-type. Sa result ng typing test ko, 46 to 51 words per minute yung score ko. Kung plano niyo mag-type ng documents dito ay rest assured na comfortable pa rin yung experience. May backlight din yung keyboard nito. Pagdating sa trackpad, duon tayo maga-adjust dahil yun ang niliitan nila. Kasya ang four fingers ko at responsive naman sa gestures pero madaling sasakit yung kamay mo kapag matagal mong ginamit yung trackpad. I suggest, mag-external mouse ka para hindi sumakit yung kamay mo.
Display
Meron itong 10.51″ IPS LCD, 1920×1200 resolution, 50Hz lang na refresh rate. Pinaka-disappointing na 50Hz lang ang refresh rate. Pero noong una, hindi ko agad napansin na 50Hz ang refresh rate. Napansin ko lang nang ini-check ko yung performance kapag nag-play ng video sa YouTube. Sa test, ang daming frame drops kapag nag-play tayo ng 4K/60fps. Actually, kahit 4K/30fps ay may frame drops pa rin pero acceptable na at hindi na ganuon kalala. Pero ang sweet spot talaga nitong MiniBook X kapag nagpa-play tayo ng videos sa YouTube ay 1080p/30fps. Kasi sobrang minimal nalang ng frame drops or baka wala na talaga.
Mabuti nalang na yung mga movies na inii-stream ay 24fps kadalasan. Pero if ever na gusto niyo gumamit ng external monitor ay pwedeng-pwede. Gamit ko ang Arzopa Gaming Monitor na hindi na kailangan ng additional power para gumana.
Test naman nati yung HiPen H8 na stylus. Para sa mga nagpaplano mag-digital artwork sa MiniBook X, makapal-kapal yung gap ng pen at sa isinulat kaya malaki-laki pa rin ang latency. Hindi ko mako-consider na mage-enjoy kayo pagdating sa digital artwork pero mapagtatiyagaan. Pagisipan niyo mabuti kung magdadagdag pa kayo ng additional na 1,500 para sa stylus or sapat na sa inyo yung standard configuration na walang kasamang pen.
Performance
Naka-Intel N100 CPU, 4 Cores 4 Threads yan, 800MHz Base frequency, pero may turbo frequency na 4.4 GHz, Intel UHD graphics, 12GB LPDDR5 RAM, at 512GB PCle SSD storage, at Windows 11 Home operating system out of the box. Take note lang na ang RAM nito ay hindi upgradable, replaceable lang ang SSD. Pwede natin palitan ng 1TB or 2TB kung hindi na kasya sa atin yung 512GB.
Para magka-idea kayo sa performance, sa Geekbench, sa Single-Core Score ay nakakuha ito ng 1000 at 3065 naman para sa Multi-Core Score. Hindi tayo kailangang mag-expect ng sobrang gandang performance sa MiniBook X. 12GB naman na yung RAM kaya hindi tayo agad-agad makaka-experience ng hang kasi malaki-laki yung headroom nito pagdating sa paggamit ng application. Basic pa rin ang performance nito, goods for office works, streaming ng mga movies and TV series, at kahit basic video editing ay pwede. Para magka-idea din kayo, yung usual na Geekbench score na nakukuha natin sa mga PC na medyo maganda-ganda yung specs ay nasa 2,000 and above. Pagdating naman sa Multi-Core Score ay 7000 above yung score kaya medyo malayo talaga.
Pero sinubukan ko itong gamitin sa CapCut at smooth naman. Kung plano natin gumawa dito ng mga basic video editing ay pwedeng-pwede. Pagdating sa gaming, kaya rin pero huwag yung masyadong mabigat para hindi tayo ma-disappoint. Hindi mo naman bibilhin ang MiniBook X for gaming purposes. Ang kailangan niyo sa MiniBook X, hindi lang budget, tamang expectation din pagdating sa performance at sa maibibigay nating serbisyo nitong laptop. Para sa murang presyo ay meron ka nang laptop at tablet na Windows pa.
Battery
Meron itong 28.8Wh na capacity. Sa continuous use, makikita niyo sa screenshot na 2 hours and 47 minutes na yung screen on time pero meron pang natitirang 70%. Pero syempre basic lang din yung ginawa ko kaya nakuha ko yung ganiyan kagandang screen on time. Nag-browse lang ako sa internet, nag-play ng mga videos sa YouTube, nag-install ng mga application, mga ganun lang. Pero kung bibigatan pa natin ay mas mababa pa diyan yung makukuha nating SoT. At kapag tsina-charge ko ang MiniBook X ay usually na ginagamit ko ay power bank lang kasi pwedeng-pwede naman na USB-C port.
Conclusion
For Php22,000+, masasabi niyo bang sulit bilhin itong MiniBook X ng CHUWI? Kung ako ang tatanungin niyo ay okay ang laptop na ito depende sa pangangailangan natin. Kung palagi tayong on the go at gusto natin na magaan yung palagi nating dala-dala natin, at basic office works yung kailangan nating gawin, at hindi tayo nagga-games ay saktong-sakto ito sa atin. O kaya kung gusto natin itong gawing daily PC, kabitan lang natin ng external monitor ay pwedeng-pwede rin at minimalist pa ang setup natin. Para sa akin ay sulit ito para sa presyo. May 15% off pa kapag ginamit mo ang code na SULIT sa website ng CHUWI.
Kung gusto niyo bumili, click niyo lang ang link na ito:
CHUWI MiniBook X – https://hubs.li/Q02LfNhV0
Arzopa Gaming Monitor – https://invol.co/cllogvg
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: