CHUWI AuPad – WOW! SOBRANG SULIT NITO!

CHUWI AuPad Back Side

For less than Php10,000 ay meron ka nang Android Tablet na malaki yung storage, maganda yung display, at maganda yung battery performance. Paguusapan natin ngayon ang CHUWI AuPad, isa sa pinakabago nilang tablet. Gusto ko ipakita sa inyo kung bakit nagustuhan ko ang tablet.

Price

As of writing this article, ang price nitong CHUWI AuPad ay Php8,990. Less than ang price compared sa mga Android Tablet ngayon na pwede nating mabili sa mas popular na brand. For example, ang realme Pad na 4GB lang RAM, at 64GB lang ang internal storage ay Phpp14,990. Sobrang layo sa presyo at specs nitong Aupad. Gusto kong ipakita sa inyo kung bakit mas sulit ito compared sa mga Android Tablet sa ngayon.

Unboxing

Brown ang box at napaka-ecofriendly ng itsura. Pag-open natin ay una nating makikita ay ang AuPad na nakabalot sa plastic. Disclaimer lang na binalik ko lang ang AuPad sa box dahil ginamit ko ito agad pagdating. Metal unibody design ang design nito, ang ganda, napaka-premium naman ng itsura, at hindi mukhang cheap. Sa ilalim ng box ay may mga maliliit pa na box. Meron itong 10W charging brick na USB-A port at USB-A to USB-C cable. Sa isang box naman ay may SIM ejector pin, warranty card, at makapal na user manual. Sa ilalim ng box ay meron nang kasamang case, nagustuhan ko dahil hindi nila tinipid kahit less than Php10,000. Jelly case ito na frosted kaya nagustuhan ko talaga compared sa transparent na halata kapag nanilaw.

Design

Kagaya ng sinabi ko kanina, Metal unibody ang design nito, hindi plastic at hindi cheap ang itsura. Tapos makikita natin ang camera na 13MP sa likod. 4G LTE na rin ito kaya mamaya ay bubuksan natin ang SIM tray. Sa right side makikita yung SIM tray, dalawang speakers, at USB-C port. Kabilang side naman ay meron ulit na dalawang speaker kaya Quad speakers itong AuPad. At para sa ganitong presyo ay nakakabilib na apat na speaker ang inilagay nila. For the price ay acceptable na kung dual speakers lang pero apat ang nilagay nila. Malakas ang max volume pero pagdating sa quality ay medyo sabog kapag tinodo. Para sa presyo ay okay na at bumawi naman ito sa ibang aspect.

Ang maganda pa sa AuPad ay compatible ito hindi lang sa 2.4GHz Wi-Fi connection, pati na rin sa 5GHz Wi-Fi connection. Para sa presyo ay nakakabilib iyan. Hybrid yung SIM tray nito kaya pwede tayong maglagay ng micro-SD card na up to 512GB at isang nano-SIM, or dalawang SIM card. Overall, pagdating sa design ng AuPad ay nagustuhan ko talaga ito. 493 grams lang ito at magaan compared sa mga Android tablets sa ngayon. Dahil sa design nito na hindi ganun kalapad kapag naka-portrait ay mas madaling mag-type dito. Tama din ang placement ng selfie camera dahil nasa gitna ito kapag naka-landscape mode tayo. At usually ay yun naman talaga yung orientation kapag nasa video call tayo.

Display

Specification:

Para sa akin ay big deal na 16:10 ang aspect ratio nito. Kasi kung mapapansin niyo ay maliit na lang yung bars sa baba at taas kapag nanonood tayo ng video. Kasi usually sa mga video na napapanood natin sa YouTube or Netflix ay 16:9 ang aspect ratio. Kapag in-zoom natin para i-full screen ay konting-konti lang yung details na nawala sa video. Mas enjoy natin yung media consumption sa tablet na ito.

Level 1 ang Widevine Security nito at Full HD ang max playback resolution. Kahit sobrang mura lang ng tablet na ito ay mae-enjoy pa rin natin ang media consumption. Sa Test UFO, nakaka-60 fps naman tayo sa display. Sa display settings, meron naman itong Color presets kaya pwede nating matimpla ang kulay; Natural, Boosted, at Adaptive. Meron din itong Night Light, para sa basic Android Tablet ay at least meron tayong option para ma-customize ang timpla natin ng kulay.

Ang hindi ko lang nagustuhan sa display nitong AuPad ay yung peak brightness. Kasi sinubukan ko itong gamitin outdoor ay medyo nabitin ako sa brightness. Hindi naman sobrang dilim na to the point ay hindi na natin makikita ang display. Kita ko pa rin ang buong display pero bitin ako. Pero bihira naman natin gamitin ang tablet outdoor.

Performance

Specification:

Yung RAM nito ay physical RAM at wala itong virtual RAM. For the price ay malaki na ang RAM na binigay sa atin ng CHUWI. Hindi rin eMMC ang ating storage type kundi UFS 2.2, yung read and write speed ay mabilis. Ang AnTuTu score naman natin ay 355362, hindi sobrang taas pero enough na para sa basic application. Kahit sa Wild Life Stress Test ay not bad ang nakuha nating result, 5% lang ang nabawas sa battery at 2° C lang ang nadagdag sa temperature. Kapag mabigat na application ang papatakbuhin natin ay expect natin na magiging maganda pa rin ang performance nito. Makikita niyo rin sa stability score na 99.2% kaya hindi tayo makaka-experience ng pagbagal kahit mabigat ang application.

Makikita niyo ngayon sa Asphalt na smooth at nakaya ng AuPad na mapatakbo ang game sa full settings. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero masasabi ko na napaka-smooth at sobrang minimal na frame drops. Kung casual gaming or mabigat na application ay kakayanin ng tablet.

Kung mapapansin niyo ay medyo maganda ang UI at malalaki ang icons natin. Ang reason ay nag-install ako ng custom launcher. Ang default nito ay square ang mga icons, maliliit, at hindi ganun ka-pleasing sa mata. Nag-install ako ng launcher para mapalaki ko ang mga icon at magmukhang iPad OS kaunti. Ang maganda sa default launcher ay makakapag-split screen tayo. Punta lang tayo sa recent apps, click natin ang app icon at pindutin ang split screen. Na-appreciate ko rin na pantay na pantay ang bezels ng phone.

Camera

Sample video screenshot:

1080p ang pinakasagad na resolution na pwede nating ma-record. Not bad, at least sa ganitong presyo ay acceptable yung quality ng ating selfie video. Kung magjo-join tayo sa video conference ay hindi na masama yung magiging quality ng video.

Battery

Specification:

Nakakuha naman tayo ng 9 hours and 56 minutes na screen on time. Para sa isang Android Tablet para sa ganitong presyo at specs ay acceptable na yung ganitong SoT. Sa real life ay hindi ko talaga masasabi na ang bilis nito ma-low bat. Matagal ito lalo na sa standby time. Ilang araw ko hindi ini-charge ang AuPad at pagbalik ko ay halos walang nabawas sa battery. Maganda yung magiging experience natin pagdating sa endurance or battery.

Conclusion

Iyan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa CHUWI AuPad. Pwede niyong i-check ang link sa baba para ma-check ang updated pricing. Maraming salamat sa CHUWI kasi sila ang nagpadala nito. Na-test ko talaga ito ng mabuti kung maire-recommend ko ba talaga sa inyo. Alam ko na marami sa inyo ang naghahanap ng budget friendly Android Tablet.

Ang isa sa strength nitong Tablet ay pwede nating lagyan ng SIM card, malaki at mabilis ang storage, malaki ang physical RAM, almost stock Android yung feels ng UI, Android 14, at maganda yung battery performance. Kahit 60Hz lang ang refresh rate nito ay Level 1 naman Widevine Security. Para sa akin ay sulit ito lalo na’t meron itong screen protector out of the box at meron pang case. Talagang gagamitin mo na lang at hindi ka na bibili ng separate na mga accessories kapag binili mo ito.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clmhs2m

About Author