Price
Nabili namin ang CHERRY AQUA S11 Pro for Php7,648.95 noong February 2024. Pero ang original price nito ay Php7,999.00. May dalawa rin kaming natangap na freebies, isang speaker at mobile controller. Kung gusto mo bumili, nasa baba ang link.
Unboxing
Puti na ‘yung box at makikita natin ‘yung specs ng phone sa likod ng box. Pagbukas ng box, makikita natin ang documentation. Makikita rin ang phone na nakabalot sa plastic at may pre-installed screen protector. Sa loob ng box merong SIM ejector pin, jelly case, charging brick, wired earphones, at USB-C to USB-C cable.
Nagustuhan ko ang one-page na symbol manual at may balot ang laman ng box. Pasado naman ang jelly case. Hindi sobrang lambot at matigas ang gilid. May protection din kaunti para sa camera bump.
Design
Nagiisa lang ‘yung color way ng phone, Matte Black lang. Hindi ito masyadong kapitin ng smudges. Flat ang mga sides nito at naka-notch selfie camera. Proportion ‘yung bezel ng phone kaya ang premium ng itsura. Sa taas merong secondary microphone. Right side naman ang volume, power buttons, at may hybrid SIM tray. Sa ilalim naman makikita ‘yung speaker, USB-C port, main mic, at headphone jack. Sa likod naman ‘yung camera module at CHERRY branding sa baba. Ang fingerprint ay in-display at mabilis naman ma-scan. Pagdating sa haptics ay pang-entry level. Malakas naman ang speaker pero hindi ganun ka immersive.
Display
Specification:
Ang ganda ng kulay at color reproduction nito. Pwede rin natin timplahin ‘yung kulay nito manually. Sa brightness ay okay naman kahit sa outdoor. Medyo glossy lang at nakadagdag reflective ang screen protector. Ang Widevine Security Level ay Level 3. Hindi tayo makakapag-play ng HD content sa mga streaming services. May tatlong option para sa screen refresh rate.
Performance
Specification:
Almost half a million ang Antutu score. Maasahan natin na maganda ang performance. Dito naman sa Wild Life Stress Test, 4% lang ‘yung nabawas sa battery at 2 degrees Celsius lang ang nadagdag.
Pagdating sa gaming smooth naman ito. Test natin sa mabigat na game, SpongeBob- The Cosmic Shake. Smooth naman sa high settings na gaming, pero paglagay sa Epic settings ay hindi na nito kaya. Sa Asphalt 9 naman, smooth din at decent lang ang graphics.
Camera
Meron itong 64MP Ai triple camera at front facing camera na 16MP. May 108MP na mode para sa highest quality possible na photo. Sa video naman sa rear ay 2K video recording at sa harap ay full HD.
Ito ang mga sample photos screenshots:
Pero may isang problema sa selfie picture. Hindi sharp ang pag-focus nito sa mukha, ‘yung likuran ko mas sharp kumpara sa mukha ko.
Battery
Specification:
Pagdating sa charging, from 4% to 100%, 1 hour and 21 minutes na charge.
Verdict
Kahit may nakita tayong mga downside sa phone, kagaya nalang ng selfie camera at haptics. Okay at pasado pa rin para sa Php8,000.00. Sa selfie camera naman, medyo crucial na ito pero overall pasado pa rin.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkql74
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: