Price
As of March 2024, nabili namin ang CHERRY Aqua GR sa isang Mall for Php11,999. Same lang sa presyo sa Lazada at Shopee. Kung gusto mo bumili nito ay nasa baba ang link. Maganda rin dahil kahit hindi mo i-unbox sa physical store nila, meron ka pang 4 months replacement.
Unboxing
Puti at simple ang box nitong phone. Slide lang ang box para ma-open, Aqua GR ang una nating makikita. Nakabalot sa plastic at nakalagay ang top specs. Pagkabukas ng phone, maririnig mo ang classic ringtone ng CHERRY. Ang sunod na makikita ay ang document sleeve na may SIM ejector pin, instruction manual, at jelly case. Medyo expose lang ang camera module sa jelly case. Meron din 66W na charging brick na USB-C ang port, USB-C to USB-C cable, at wired earphone na USB-C ang dulo.
Design
Itong design ng Aqua GR ang isa sa pinupuri ng ibang mga tao. Walang ibang color way ang phone maliban sa black, pero okay lang para sa akin kasi Matte at unique ang itsura. Kapag nakita mo ang phone na ito alam mo na agad na Aqua GR ang phone dahil sa unique design nito. Manipis lang ang phone na ito. May bump ng kaunti ang camera module. Sa itaas ang secondary microphone. Sa right side, makikita ang volume up and down button at power lock button. Sa ilaim naman ay ang sim tray na dual SIM, main microphone, USB-C port, main speaker. Sa harap ay ang punch hole selfie camera at pre-installed na screen protector. Pantay na pantay ang bezel. Parang flagship ang itsura ng phone na ito, ang ganda ng phone na ito para sa presyo.
Walang IP rating ang phone na ito, kaya ingatan natin kapag naghuhugas tayo ng plato, naglalaba o kaya nasa labas. Sa haptics naman, sobrang ganda ng haptics nito. Parang flagship ang feels. Ang nagvi-vibrate ay sa bandang keyboard lang. Isa lang ang speaker dito kaya hindi ganun ka immersive ang tunog niya. Okay naman sa akin ang max volume, hindi naman ako nabitin. Hindi flat ang tunog. Okay naman ang quality. Pero para sa almost Php12,000.00 na phone, dapat stereo speaker na.
Display
Specification:
Pagdating sa kulay, goods na goods, vibrant talaga, napaka-accurate ng kulay. Yun nga lang naka-curve display, mabuti nalang may screen protector kasi mahirap makahanap niyan. Dahil sa curve display, asahan natin na may konting konti tayong makikita na discoloration kapag tini-tilt natin. Napaka pleasing sa mata ng color reproduction ng phone na ito.
Hindi lang pleasing ang Widevine Security Level, dahil Level 3 lang. Hindi tayo makakapag-play ng HD content sa mga streaming services. Para presyo nito, medyo malaking downside ito. Ang ganda ng display at perfect sana for media consumption. Ang maganda naman, kapag pinuntahan natin ang Display settings, medyo madami tayong magagawa sa display ng phone na ito. May edge lighting din, iilaw ito sa tuwing nakakatangap tayo ng messages. Meron din itong notification light sa palibot ng camera. Pero pansin ko lang na hindi pantay ang ilaw nito. Sa refresh rate setting may tatlong option, Dynamic, High, Standard. Mabilis naman bumaba ang refresh rate kapag naka-on ang Dynamic. Naka in-display na fingerprint ito. Mabilis naman at lagi naman itong nau-unlock. Depende pa rin iyan kung paano tayo mag-register ng fingerprint. Pagdating sa peak brightness, kahit tirik na tirik ang araw ay kita pa rin ang display.
Performance
Specification:
Ang chipset nitong phone ay 5G na, at average naman ang Mbps. May virtual RAM ito ng 8GB, kaya meron tayong 16GB total of RAM. Pag naka-on ang virtual RAM, ang Antutu score ay 562869. Not bad at more than half million ang nakuha nating score. Pag naka-off naman ang virtual RAM, naging 570182. Malaki ang boost na performance kapag naka-off ang virtual RAM. Kaya kung sapat naman na ang 8GB ay huwag niyo na i-on ang virtual RAM. Sa Wild Life Stress Test, from 36 degrees to 41 degrees, malaki ang jump sa temperature. 6% naman ang nabawas sa battery.
I-test natin ito sa Asphalt9, naka 60fps at “high” ang quality nito sa settings. Na-generate naman ng phone lahat ng graphics, ang ganda! Walang frame drops at struggle – smooth ang gameplay. Pagdating sa mabibigat na graphic intensive games, maasahan natin ang phone na ito. Dito sa NBA Infinite, halos lahat sa graphic setting kaya nating isagad. Wala ring struggle kahit nakasagad ang graphics, pero pagdating sa temperature, may nararamdaman na ako sa bandang camera. Talagang madali uminit ang phone na ito. Pagdating sa performance wala tayong problema sa phone na ito maliban nalang sa thermals.
Camera
Specification:
Ito ang sample photos:
Ito ang sample video screenshots:
May 108MP itong mode, pero ang mismong camera ay 50MP lang. Pagdating sa video, kaya nitong mag-shoot ng 4k video recording. Ang selfie naman ay kaya mag-shoot ng 1080p video recording. Sa selfie video, medyo kulang para sa akin ang quality. Wala ring stabilization kapag naglalakad. Sa photos naman, pansin ko na medyo maputla ang kulay, hindi ganun ka vibrant, mas vibrant pa ang kulay ng Ultrawide. Pero okay naman ang sharpness. May EIS stabilization naman ang video recording pero 2k lang ang resolution. Kung gusto natin ng 4k, walang stabilization. Okay naman ang quality ng 4k video.
Battery
Specification:
Na-charge ko siya from 19% to 100%, 33 mins lang. Talagang mabilis mag-charge ang phone. Ang SOT ng phone ay 10h 52 mins, medyo matakaw sa battery ang phone na ito. Kailangan talaga magpadala ng software update ang CHERRY para ma fix ang ilang issues. October 5, 2023 pa ang last security update ng phone.
Verdict
Para sa akin, itong Aqua GR ay sa mga user na gusto ng magandang performance para sa almost Php12,000.00 na phone. Pwede rin natin ito gamitin pang-edit ng video kung gusto natin. Kung gusto rin natin ng phone na maganda ang camera, pwede mo i-consider itong Aqua GR. Kung gusto mo naman ng phone na maganda ang display, 120Hz AMOLED, okay rin itong phone. Pero kung ikaw ‘yung user na madalas media consumption ang ginagawa, nanoood ng movies, streaming services, madi-disappoint tayo sa phone na ito.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada –
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: