Kung naghahanap ka ng budget Android tablet, pwede mong i-consider itong Blackview Tab 11 na nagkakahalaga ng PHP10,000. Meron na itong 8GB RAM, 120GB internal storage at may malaking battery. Pero tignan natin kung sulit ba talaga ang makukuha nating value versus sa PHP10,000 na presyo nito.
Kung bibili tayo nito sa Lazada, pwede nating dagdagan ng wireless keyboard, TWS or both pero syempre tataas din ang presyo. Para sa updated pricing, pwede mong i-click itong link ng flagship store ng Blackview sa Lazada: https://invol.co/clet4nn.
UNBOXING
Ang lakas maka-Apple iPad ng box nitong Blackview Tab 11. Manipis lang ang box nito na may image ng mismong tablet sa harap at may Tab 11 na text sa gilid. Ang good news ay kapag bibili kayo nitong Blackview Tab 11, meron na siyang kasamang folio case. Mabibili natin sa tatlong kulay itong Blackview Tab 11: teal green, meteorite gray at moonlight silver. Sa loob ng box, meron tayong USB-C to USB-A adapter. So, kung gusto nating magsaksak ng flashdrive para sa ating mga files, pwede natin itong gamitin. Meron din tayong USB-C to USB-A cable for charging, 10W charging break na nakakalungkot kasi for 10,000 pesos, 10W lang ang makukuha natin, manual at sim ejector pin.
Sa likod, makikita natin ang camera at may Blackview logo sa gitna. Sa ilalim, makikita naman ang mga connection pins para sa wireless keyboard at dual speakers. Sa may top part naman kapag naka-landscape mode, makikita natin ang sim tray na pwedeng magsaksak ng isang sim na capable sa 4G connection. So kapag kailangan nating gumamit ng data para sa mga school works, pwedeng-pwede ito. Pwede din tayong magsaksak ng micro SD Card na hanggang 128GB ang capacity. Sa left side kapag naka-landscape mode, makikita natin ang headphone jack, volume up and down button, powerlock button at USB-C port. Wala tayong fingerprint scanner dito kaya manual pa din ang pag-unlock dito sa tablet, either pattern, password or PIN.
Mapapansin niyo din na proportion ang mga bezel, talagang pinilit nila na magaya ang iPad. Medyo awkward lang kasi hindi ganun kalaki ang curve ng bawat edge ng screen compared sa curve ng mismong tablet pero makakasanayan din naman ‘yan natin. Compatible din ito sa 5GHz Wi-fi connection itong Blackview Tab 11. Ang hindi ko masyadong gusto ay ‘yung placement ng volume up and down button at powerlock button. Usually, kapag gagamit tayo ng tablet is naka-portrait mode kaya nga lang ang volume up and down button ay nasa taas. Kaya madalas napagkakamalan kong volume down ‘yung power button. So, imbes na mahinaan ko ‘yung volume, mala-lock ko ‘yung screen which is medyo annoying para sa akin.
DISPLAY
Meron tayo ditong 10.36″ IPS LCD 1200 x 2000 resolution at 226ppi. Isa sa pinaka-ayaw ko dito ay ‘yung display na super reflective at sobrang glossy na nakakaistorbo na sa paggamit natin ng tablet. Kung kaya niyong makahanap ng matte screen protector, mas maganda. Pero kung kaya niyo naman tiisin, why not?
Maliit na tip lang para sa mga gagamit ng Blackview Tab 11, mas maganda kung mga atleast 60-70% ang brightness level palagi para hindi nating masyadong mapansin ang mga light leaks sa gilid.
Ito ang good news, kapag titignan natin ang Widevine Security Level, legit guys, Level 1 siya! Kahit tignan natin sa Netflix, meron siyang support ng Full HD Playback. Isa pa sa mga nagustuhan ko dito sa Blackview Tab 11, kapag nagpunta tayo sa settings, meron na tayong makikitang colors and contrast. Ibig sabihin, pwede nating i-customize ang timpla ng display.
PERFORMANCE
Naka-Android 11 na itong Blackview Tab 11, Unisoc T618 chipset, 8GB LPDDR4 RAM at 128GB eMMC 5.1 storage. Natuwa naman ako kasi transparent ang Blackview pagdating sa storage type ng Tab 11 kasi usually sa ibang brands, hindi na nila pinapakita kung anong klaseng storage type ang ginamit nila. Although, mabagal talaga ang eMMC 5.1 kaya hindi tayo masyadong makakapag-multi task dito.
Nakakadisappoint din dahil ang daming bloatware out of the box. May ilang mga games din na naka-install pero pwede naman nating i-uninstall pero may mga extra steps tayong gagawin para makatipid tayo sa storage kahit papano.
Pagdating naman sa Antutu score, nakakuha tayo ng 212,244. Again, hindi sobrang bilis kundi tamang-tama lang sa mga everyday task na ginagawa natin or kahit sa mga word-processing apps katulad ng WPS or Microsoft office.
Sa gaming, potato quality as expected. Hindi din ganun ka-smooth, may mga minor lags tayo na mae-experience, hindi maganda ang graphics at may mga framedrops din. Kung gusto niyo talagang gamitin ito sa gaming, babaan niyo lang ang expectation niyo pagdating sa performance.
CAMERA
Meron itong 8MP selfie camera at 13MP main shooter. Katulad ng makikita niyo, dalawa ang camera niya sa likod. Pero sa website ng Blackview, isa lang ang specs ng rear camera na makikita natin. Kung bakit dalawa ang nilagay nilang camera ay hindi ko alam, wala talaga akong idea. Hindi nila dineclare kung para saan ang secondary camera na nilagay nila sa likod.
Sa 720p video recording ng selfie camera na may 8MP ay pwede na din, hindi na masama. Makikita naman tayo ng maayos basta okay din ang ilaw natin. Hindi na din ako magrereklamo kasi nga tablet lang ito at PHP10,000 pesos lang ito. Usually, sa mga ganitong klase ng tablet, hindi talaga maganda ang selfie camera. Isa sa mga advantage na nakikita ko dito ay nasa gitna ang camera kapag naka-landscape mode tayo, which is iyon ang usual na mode kapag nasa video conferencing tayo.
BATTERY
Meron itong 6580mAh battery capacity. Hindi ko alam bakit hindi pa nila sinagad sa 6600mAh or 6500mAh, may butal pa talaga! Compatible lang din ito sa 10W charging, so medyo nakakalungkot kasi ang laki ng battery capacity pero 10W lang?
Nakakalungkot din, ang nakuha lang natin na SOT ay 6 hours & 56 minutes. Sana man lang umabot siya ng 10-12 hours para masabi nating normal ‘yung kanyang battery performance. Ang bilis niya ma-lowbat! Kahit na sa mga usual task lang, napansin ko na mabilis mabawasan ang kaniyang battery. Isa pa sa mga nakakalungkot ay dahil 10W nga lang ito, 3 hours & 43 minutes ang inabot ng charging time from 1-100%, so ang tagal talaga! I suggest na i-charge niyo itong tablet na ‘to kapag matutulog na kayo para hindi niyo maramdaman ‘yung tagal.
Isa pa sa mga feature ng tablet na ‘to ay ang Split Screen. Punta lang tayo sa recent apps, then click ang three dots tapos click natin ang Split Screen. Pwede din nating i-resize kung gano kalaki ang screen ng isang application.
For PHP10,000, sa tingin niyo ba sulit ang makukuha nating value dito sa Blackview Tab 11? Comment kayo diyan sa baba.
Para sa akin, pwede na din for PHP10,000. Hindi ganun kaganda ang score na nakuha natin sa Antutu pero kung para sa mga everyday applications at word-processing apps, pwedeng-pwede na talaga itong tablet na ito. Okay din naman ang quality ng selfie camera for video conferencing. Plus, kung gusto nating manuod dito ng movies o video series sa Netflix, pwede tayong makapanood ng Full HD kasi Level 1 ang Widevine Security. So may mga edge din itong Blackview Tab 11 for PHP10,000.