Price
As of writing this article, ang presyo nito ay Php7,666.00, kapag 128GB na variant. Kapag 256GB naman ay Php8,241.00. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili.
Unboxing
Mukhang gaming focus phone itong Shark 8 dahil sa design ng box. Para rin itong Black Shark dahil sa name at font style na hawig sa Black Shark. Nasa atin ang 256GB variant na may 16GB total of RAM. Pag-open, unang makikita ay tempered glass. Sa likod nito ay ang phone na nakabalot sa plastic. Sunod na makikita sa box ay document sleeve, flimsy na jelly case, 33W charging brick na USB-C ang port, at USB-C to USB-C cable.
Design
Modern naman ang design nitong Shark 8. Matte finish ang likod at medyo makapal ang camera bump. Kung ayaw mo ng kulay na Gold, meron pa itong Blue at Moonlight Gray. Flat ‘yung mga sides. Sa right side may volume up and down button, at power lock button na fingerprint scanner na rin. Malinis sa taas ng phone. Sa left side ang SIM tray na may dedicated SIM slot at SD card slot. Sa ilalim ang headphone jack, main mic, speaker, at USB-C port. Sa harap ang punch hole selfie camera at may pre-installed screen protector.
Ang haptics ay hindi ganun kapangit kaya pwede mo ito i-on. Malakas ang single firing speaker. Hindi ako nabitin sa max volume at hindi sabog pero kulang sa bass. May issue lang ako na-encounter habang nagse-set up ng phone. Kahit na connected sa Wi-Fi, may nag pop up na ”couldn’t connect to the internet”. Offline nalang ang pag set up ko dito. Ang cause pala nito ay ang date and time na mali. Ang Wi-Fi connection ay pwede sa 2.4GHz at 5GHz.
Display
Specification:
Para sa presyo, nakakabilib na meron nang 120Hz na refresh rate. Sa color reproduction, okay naman ito at may pagka-blueish ng kaunti. Smooth Display ang tawag sa Refresh Rate setting at may 3 options. Ang problema lang ay kahit naka-Smart option o auto, hindi ito bumaba to 60Hz. Maliban nalang sa ibang scenario pero mabagal din ang pagbaba nito. Sa color temperature ay may dalawang pagpipilian para mapaganda pa ‘yung kulay. Pwede rin ma-adjust ang temperature. Pagnagii-scroll, may mapapansin na ghosting. Pero habang tumatagal hindi ko na rin naman napapansin. Bad news, dahil ang Widevine Security Level ay Level 3 lang. Hindi tayo makakapag-play ng HD content sa mga streaming services. Concern ko rin ang peak brightness, kapag outdoor ay hindi na visible ang display. Hindi ko ito mare-recommend sa mga taong laging nasa labas.
Performance
Specifications:
Ayos dahil hindi eMMC ang storage na ginamit ng Blackview sa Shark 8. Makakaasa tayo na mabilis ang pagbukas nito ng app at mabilis din ang read and write speed. Ang mga wallpaper nito ay may similarity sa Huawei phone. Kaunti lang din ang bloatware dito. May isang maling spelling sa setting. Maliit na bagay lang naman pero hindi pa talaga polish ang OS nitong Blackview. Mayroon tayong up to 8GB na Virtual RAM.
Ang Antutu score kapag naka-on ang memory expansion ay 413691. Decent na ang score na iyan. Pag-off naman ang memory expansion, ang score na nakuha ay 414754. Kung sapat na ang 8GB, huwag na natin i-on ang virtual RAM. Sa Wild Life Stress Test, 3% lang ang nabawas sa battery at 4 degrees Celsius ang nadagdag sa temperature. Hindi tayo magaalala kung mabilis ma-lowbat ang phone na ito or mabilis iinit.
Sa NBA Infinite, limited talaga ang setting sa graphics. Diko naman na feel na nahihirapan ito. Okay ang performance at graphics. Test din natin sa Asphalt9. Hindi potato quality, maganda ang graphics, walang lag, at walang frame drop. Kung mag-casual o konting bigat na games tayo, pwedeng-pwede sa phone na ito.
Camera
Specification:
Ito ang sample photos screenshots:
Ito ang sample video screenshots:
Sa video recording, okay naman ito pagdating sa auto focus. May 4x zoom at walang stabilization. Kahit medyo grainy na ang quality kapag naka-zoom ay pwede na. Sa 1080P video recording ng selfie camera, hindi consistent ang white balance.
Battery
Specification:
Verdict
Sulit ba itong Blackview Shark 8? Para sa isang entry level phone na less than 8K peso and 128GB ‘yung pipiliin natin, pwede na ito. Pwede na ang display sa presyo at 120Hz na ang refresh rate natin. Malaki rin ang battery at hindi mabilis ma-lowbat. Cons lang ang display nito dahil kapag outdoor ay mahihirapan tayo.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invol.co/clkstti
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: